Twenty-two

1K 44 135
                                    

Sasakay na sana ako sa kotse ko pero may kamay na pumigil sakin.

"Let me drive you home." Cole said.

"No. I can handle myself." tanggi ko.

"Look at your hands." sabi niya at inangat ang kamay ko na nanginginig. "Please, let me.." ulit niya saka ako hinila papunta sa kotse niya at pinagbuksan ng pinto ng passenger's seat.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Pinipilit kong pigilan ang emosyon ko.

Hindi sila pwedeng mag-hiwalay! Hindi ako papayag..

Pagkasakay niya ay nagdrive siya agad. Inabutan niya naman ako ng tubig.

Ininom ko 'yon at nang maubos ay nilagay ko na lang sa backseat ang bote.

"Ano bang nangyari?" tanong niya.

"Mom wants to file an annulment."

Lumingon siya at kita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Why?"

"I told you the reason." kunot noo kong sabi, naiinis.

Sinabi ko sa kaniya 'yon no'ng magkasama kami sa bar.

"I mean.. bakit nagdecide agad si Tita na makipaghiwalay?"

"I don't know, okay? Kaya nga ako uuwi, diba?" inis na sabi ko.

Inabot ng kamay niya ang kamay ko at marahan 'yong pinisil.

"I'm sorry.. please, calm down." mahinang sabi niya saka saglit na tumingin sakin bago binalik sa daan.

Huminga ako ng malalim at sinubukang i-kalma ang sarili ko katulad ng sabi niya.

"I just.. I really don't know what to do. I can't lose one of them. Hindi ko maisip na gigising ako isang araw na wala si Daddy.. o si Mommy. Hindi ko ma-imagine na kulang kami ng isa kapag kakain na kami sa umaga.." katulad ng palagi naming ginagawa.

Pinunasan ko ang luha ko nang magsimula 'yong tumulo.

He intertwined our fingers. "I won't leave you.."

Sinabi niya 'yon sa paraan na ang dating sakin ay kahit anong mangyari, kasama ko lang siya.

Aminin ko man sa hindi. Kailangan ko ng kasama ngayon. Kailangan ko ng taong magsasabing magiging maayos din ang lahat. Kailangan ko siya ngayon..

I'm being selfish, I know..

Tinanggal ko ang seatbelt ko at hindi ko napigilan ang sarili kong yumakap sa kaniya at isandal ang ulo sa balikat niya.

Akala ko palaging si Jaz ang makakasama ko kapag nalulungkot ako. Akala ko balikat lang ni Jaz ang sasandalan ko. Akala ko siya ang palaging magpapagaan ng loob ko.

Pero eto si Cole ngayon.. kasama ko.

"Why?" mahinang tanong niya.

"I don't know what to do.. without you." I whispered.

I felt him kissed my head. "You can always go to me when you're feeling down.."

Tumulong muli ang mga luha ko saka sunod sunod na tumango habang nakasandal pa rin sa balikat niya.

Tumunog ang phone niya at ako na ang sumagot dahil si Brianna 'yon.

["Kuya, where are you? Hindi namin makita si Desiree!"] ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.

Suminghot ako. "I'm here, Brianna." sagot ko.

["Oh, god! Saan ba kayo nagpunta? Akala namin kung ano nang nangyari sayo!"]

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now