Twenty Three

1K 40 99
                                    

Mahina akong napaungol nang makaramdam ng sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Naalala ko ang nangyari kahapon at kahit mag-iisang araw na ang nakalipas ay ramdam ko pa rin ang sakit.

"Still sore?" he asked then kissed my shoulder.

Nagmulat ako ng mata at nakita siyang nakatingin sakin.

"What do you think?" matalas kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya sakin ng tipid, "Still sore."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Oo, bwisit ka! I was a virgin before you took me tapos papasok ka nang ganon!" reklamo ko. Ang sakit kasi talaga!

He playfully bit my shoulder. "Kung dadahan-dahanin ko then it will just prolong the pain. I'm sorry, baby.."

Umirap lang ako sa kaniya at tumalikod ulit saka pumikit dahil pakiramdam ko ay mas lalong sumama ang pakiramdam ko dahil sa ginawa namin kahapon.

I felt his hand on my neck then to my forehead. "You're still sick."

Nilingon ko siya. "May gamot naman diba?" sarkastikong tanong ko.

Tumawa siya at mariing hinalikan ang pisngi ko. "Ang sungit ng baby ko. Buntis ka na ba agad?"

Natigilan ako.

We did it without protection. Should I be scared? What if mabuntis ako? What if walang tumanggap? I mean - sa nangyayari sa pamilya ko ngayon, paano kung imbes na matuwa sila ay magalit pa sila sakin, lalo si Mommy? Kasi dagdag problema, dagdag isipin.

Umayos siya ng higa sa likod ko at niyakap ang bewang ko, saka siniksik ang ulo niya sa may leeg ko.

"You're thinking about what I just said.. right?" he asked.

Tumihaya ako ng higa saka ko pinatong ang dalawang hita ko sa mga hita niya.

"We did it without protection, Cole. Paano nga kung mabuntis ako?" tanong ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Then I'll be the happiest man alive."

Nilingon ko siya at nakita kong nakatitig siya sakin. Para akong matutunaw sa titig niya.

"I'm serious, Cole.."

He smiled a little. "So am I, baby.." he kissed my lips.

"Then will you promise not to leave me?" umaasa kong tanong matapos kong humiwalay sa mga labi niya.

"I promise you.." sagot niya saka hinawakan ang tiyan ko at marahan 'yong hinaplos na akala mo may nahahawakan siya.

Sana nga totohanin niya ang pinangako niya kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag iniwan niya ako..

Pero ni saglit ay hindi nawala sa isip ko si Rishelle dahil sila pa rin kasi ayaw niya ngang makipaghiwalay.

Bumangon na kami at inalalayan niya akong maglakad palabas ng kwarto para kumain ng tanghalian.

Dahil masakit ang ano ko, pinaupo niya lang ako habang nagluluto siya at hindi ko maiwasang mapangiti.

Parang kailan lang ito yung pinag-awayan namin dahil naabutan ko siyang nagluluto non sa Batanes tapos pinagtawanan niya ako.

"You're smiling, baby."

Mahina akong natawa at pinatong ang baba ko sa palad ko.

"I'm just happy to see you cooking for me." kinikilig na sabi ko. "You're hot." dagdag ko pa at kinindatan siya kaya sabay kaming natawa.

"Soon, we'll live under the same roof. Tototohanin natin ang pangarap mo." sabi niya saka kumindat.

Umawang ang bibig ko nang makita siyang kumindat. Fuck! He's so hot!

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now