Nine

882 35 20
                                    

I was crying and crying and crying. I was crying the whole day, I guess.

Yung masaktan ako kay Cole ay okay pa sakin pero yung masaktan ako dahil sa mga kaibigan ko, hindi ko alam.

I felt weak.

Pakiramdam ko yung mga sinabi ni Nathalia sakin, paulit-ulit niya pa ring sinasabi dahil ang sakit pa rin.

Kaibigan ko siya. Pero bakit ganon siya sakin? Naiintindihan ko namang hindi niya nagustuhan yung ginawa ko pero ang hindi ko maiintindihan ay ang mga sinabi niya.

Desperate bitch.

Naiintindihan ko rin si Brianna. Pinag-tatanggol niya lang ang Kuya niya sa mga sinabi ni Janice habang si Janice ay pinag-tatanggol ako sa Kuya ni Brianna.

Kasalanan ko nga siguro. Dahil sa simpleng pag-oo ko kay Vince, nagkagulo-gulo na. Nag-away away pa kaming apat. Ngayon ay hindi ko na alam kung anong mangyayari bukas pagpasok ko. Hindi kasi ako pumasok ngayong araw para ipahinga ang isip ko pero wala ring nangyari.

I wiped my tears when I heard Mom's voice outside my room.

Naupo ako sa kama nang bumukas ang pinto at pumasok si Mommy.

Nagbuntong-hininga siya agad matapos maupo sa kama ko.

"Ate, ayaw mo pa rin bang lumabas?"

Maghapon na kasi akong nandito lang sa kwarto ko.

Tumingin ako kay Mommy. Magsasalita pa lang ako pero sumakit na yung lalamunan ko na parang may nakabara. Naiiyak na naman ako.

"Anak, alam kong hindi nila sinasadya yung mga ginawa at sinabi nila. Mayroon lang talagang mga pagkakataon na may nasasabi tayong hindi maganda dahil nasaktan tayo o dahil nagalit tayo. Kung hindi ka nila maintindihan, subukan mong ikaw ang umintindi sakanila. Sa mga nasabi nila, sa mga nagawa nila."

I took a deep breath. "M-Mom, naiintindihan ko sila pero siyempre hindi ko maiwasang hindi masaktan sa mga sinabi nila. Lalo na ni Nath."

She smiled a little and carressed my cheek.

"She was hurt. She likes Vince and Vince loves you.. and you, loves Cole." sabi niya. "Do you understand me and the situation? Para lang kayong naglalaro ng habulan. Hinahabol ni Nath si Vince, hinahabol ka naman ni Vince pero ikaw, hinahabol mo si Cole. Nakita mo? Ang gulo ng sitwasyon. Sa simpleng pag-oo mo, nagkabuhol-buhol ang lahat."

"Mali po ba na pumayag akong maging girlfriend ni Vince? Mali po bang piliin ko naman maging masaya?"

Nagbuntong-hininga siya at umiling.

"Hindi mali na pinili mong maging masaya. Ang mali mo, ginamit mo si Vince para maging masaya ka. Pero ano, sumaya ka ba? Hindi, diba? Kasi si Cole ang gusto mong makasama. Si Cole ang gusto mong nag-aalaga sayo. Si Cole ang gusto mong nagpapasaya sayo. Tama ako, diba?"

Tamang-tama ka, Mommy.

I looked away and wiped my tears.

Sumandal ako sa balikat ni Mommy nang yakapin niya ako.

"Sanayin mong maging masaya nang wala kang ginagamit na iba, Ate.."

Tumango-tango ako.

Humiwalay siya sakin at hinalikan ang noo ko.

"Pag-isipan mo kung anong dapat at tama mong gawin." sabi niya at ngumiti saka tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Nahiga ako at pinilit matulog para magpahinga.

Kinabukasan.

Maaga akong nagising at sumabay kumain kila Mommy ng breakfast. Maaga rin akong pumasok at sinabay ko na si Deneese.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now