Three

868 32 38
                                    

"Good morning, people!" masayang bati ko pagkapasok ko ng dining area. Nagulat pa sila dahil sa sigaw ko.

"You look happy, Ate." sabi ng kapatid kong si Deneese.

"Super happy." I answered.

Ikaw ba naman ang isayaw ng isang napaka-gwapong Cole Evangelista, hindi ka sasaya?

I kissed Mom's cheek, pati si Dad. "Good morning, Mommy and Daddy.."

Hindi nawala ang ngiti na naupo ako sa upuan ko at kumuha ng pagkain.

"Hmm. Bakit naman kaya masaya ang panganay ko?" nakangiting tanong ni Mom.

Inosente ko siyang nginitian.

"Wala naman po, Mommy.." nahihiyang sagot ko saka sinimulang kumain ng may lihim na ngiti.

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga in-expect na pupunta siya kaya ganito na lang kasaya ang puso ko ngayon.

Matapos niya 'kong isayaw kagabi ay hinawakan niya ang kamay ko saka ako itinakas kagabi sa hotel para kumain ng ice cream sa labas, sa kotse niya, habang nakatingala sa magandang buwan at mga bituin.

"Mom, Dad, she's crazy."

Rinig kong sabi ng kapatid ko pero hindi ko na pinansin 'yon. Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko para matapos agad dahil excited na akong pumasok ngayon sa school.

"Bye, Mom, Dad! Love you!" sabay naming sigaw ni Deneese bago kami pumasok sa kotse.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa school. Nauna na munang hinatid si Deneese dahil high school pa lang siya at second year college naman ako. Mas male-late siya kasi mas maaga ang pasok nila kaysa samin.

"Des!"

OMG! Ang lakas!

"Janice!"

Niyakap ko siya at sabay kaming naglakad papunta sa room.

"Buti naman at hindi ka na-late ngayon." sabi niya.

"Siyempre naman, 'no. Excited kasi ako dahil may kwento ako sainyo." ngiting-ngiti na sagot ko.

Tumaas lang ang kilay niya sakin.

Napatingin ako sa grupo ng mga babae na pinag-uusapang may event daw.

"Ano 'yon?" tanong ko kay Janice.

"That's what I'm talking about. Buti nga hindi ka late today kasi may announcement mamaya."

Oh.. okay.

Nakarating kami sa room at nandoon na rin si Brianna at Nathalia.

Naupo kami sa tabi nila at nagkwentuhan muna habang hinihintay na pumasok ang prof namin.

"For real?!" hindi makapaniwalang tanong ni Janice.

"Crush mo si Kuya Cole? Si Kuya Cole na kapatid ni Brianna?" gulat namang tanong ni Nath.

Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko kasabay ng mariing pagkagat ko sa labi ko.

Nahihiya akong tumango.

"Actually.. he was there last night?"

"Oh my! Oh my!" kinikilig na sabi ni Janice at pinaghahampas si Nath. Si Brianna naman ay tahimik lang na nakangiti sakin.

"Anong ginawa niyo? Virgin ka pa ba?"

"Nath!" saway ko sakaniya matapos namin siyang lingunin ni Brianna.

"Ops! I'm just kidding, you know.." nang-aasar na sabi niya kaya inirapan ko siya.

Tumahimik kaming lahat dahil pumasok na ang prof slash adviser namin.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now