Thirteen

931 40 41
                                    

Pinilit kong umiwas ng tingin sakanila at pinagpatuloy ang pagkain kahit pa nga ba ang isip ko ay nakatuon lang sakanilang dalawa.

Sila na pala. Kailan pa kaya? Tama pala ako. Naisip ko na noon na baka si Rishelle ang gusto niya. Same age, same vibes. Unlike us.

"Are you okay?" Jaz asked.

Tumingin ako sakaniya at nagbuntong-hininga.

"Yes, I am.." mahinang sabi ko at binalik ang pansin sa kinakain.

Nakatingin pa rin sakin si Jaz at alam kong hindi siya naniniwala sa sinagot ko.

"Stop staring, Jaz. I am fine--"

"You don't look fine." He said.

I stared directly at his eyes.

"Let's just talk about it later, okay?" sabi ko nalang. He just nod and continued eating.

Tinapos ko ang pagkain ko at nagpaalam muna sakanila na may kukuhanin lang ako sa loob kahit wala talaga.

Lumabas ako ng bahay at tahimik na naupo sa isang step sa may gate saka tumingala sa langit na napupuno ng mga bituin.

Napaka-kalmado ng gabi. Hindi ko tuloy maiwasang hilingin na sana bata na lang ulit ako.

Walang iisiping problema at sakit, puro lang laro sa labas ng bahay hanggang sa masugatan ang tuhod. Pero ngayon... puso na ang nasusugatan, hindi na tuhod.

I gently closed my eyes. Tama ba na umuwi ako? Tama ba na naging isa siya sa mga rason ng pag-uwi ko?

"It's been two years.."

Marahan kong idinilat ang mga mata ko at tumama 'yon kay Cole, na nakatayo malapit sa pwesto ko, nakatingala rin.

"Yeah, it's been two years," and I'm still into you.

Nagbaba siya ng tingin sakin at umiwas naman naman ako.

"Sikat ka na. Nagbago ka na."

Umayos ako ng upo at niyakap ang mga tuhod ko. Naupo rin naman siya ng medyo malayo sakin.

"Pain changes people." kaswal na sagot ko. "Pain changed me, Cole." dagdag ko at tumawa ng mahina.

"I'm sorry." he said in a low voice.

"It's okay. I'm okay now. I'm happy."

He stared at me.

"Because of him?"

Marahan akong tumango. It's true. Jaz makes me happy but it doesn't mean I like him or I love him. We make each other happy, and it's enough for us. We don't need to love each other.

"He makes me the happiest." I answered. "How about you? Kayo na pala."

"Yeah. Gusto ko na siya bago mo pa ako magustuhan. That was the reason why I rejected you--"

"You should've told me." sabi ko at pinunasan ang luhang tumulo galing sa mga mata ko saka ako suminghot at tumingin sakaniya.

He's looking at my eyes.

"I deserve to know the reason, right?" pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero patuloy lang 'yong lumalabas sa mga mata ko. "I liked you, no, I loved you but you rejected me, ilang beses. At ako si tanga, minahal ka pa rin kahit ang sakit na. Inisip ko pa na edad nating dalawa ang dahilan kung bakit hindi mo ako magustuhan. 'Yon pala may gusto ka naman sa iba."

Tinakpan ko ang mga mata ko sa kaisipan na baka tumigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"Nagmukha akong tanga, Cole. Umasa ako. Umasa ako kasi nagbigay ka ng motibo. Naaalala mo ba? Yung 18th birthday ko, nakikita kita sa mga lugar kung nasaan ako. You were always trying to explain kapag nakikita mong umiiyak ako. You were there when I was sick. You hugged me. You even kissed my forehead when I told you not to leave me. I saw you at the airport no'ng umalis ako."

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now