Prologue

3.2K 65 25
                                    

DISCLAIMER

Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

"

"I hate you! I hate you, Cole!" umiiyak na sigaw ni Desiree.

Again, and again, she was rejected by Cole. Because of her age. Pinapalayo na rin muna siya ni Cole pansamantala at sobrang nasasaktan siya.

Gusto kasi ni Cole ay ang babaeng ka-edad niya din. Ayaw niya ng mas bata sakaniya dahil hindi siya komportable.

Iyak lang siya nang iyak hanggang sa mapagod siya. Hanggang sa makaramdam siya ng awa para sa sarili niya.

Pinunasan niya ang mga luha niya saka tumingala sa mga bituin na nagpapaganda sa malungkot niyang gabi.

Cole, nakakapagod na. Napapagod na ko pero mahal kita. Pero paano naman ako? Paano ang sarili ko kung parating ikaw nang ikaw ang pipiliin ko? Ang uunahin ko?

It's time to let go. It's time to move on.

I don't want to but I have to.

Pinunasan niya ulit ang pisngi niya saka siya sumakay ng kotse niya at nag-drive papuntang bar. Ang tambayan niya sa tuwing nire-reject siya ni Cole. Alak ang patuloy na nagpapainit sa nanlalamig niyang puso.

"Hard drinks." sabi niya sa waiter.

Habang naghihintay sa order niya ay nangalumbaba siya sa lamesa at natulala-iniisip na naman ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang tanggihan siya dahil daw mas bata siya.

Sarkastiko siyang natawa. Ang arte mo pero mahal talaga kita eh. Sabi niya sa sarili.

Inilapag ng waiter ang order niya at agad niya 'yong tinungga sa mismong bote.

Maya maya ay natagpuan na naman niya ang sarili na umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Ilang beses na ba siyang ni-reject ni Cole? Hindi na niya mabilang sa sobrang daming beses. Pero ayon pa rin siya at patuloy na ginugusto at minamahal ang lalaki kahit puro sakit at sama ng loob lang ang natatanggap niya.

Inubos niya ang oras niya sa pagpapakalasing at nagpasundo lang sa kapatid niyang Deneese nang makaramdam na ng matinding hilo.

Kinabukasan ay masakit na masakit ang ulo siyang bumangon at pumasok ng banyo dahil nasusuka siya.

"Argh! Fucking alcohol." bulong niya sa sarili saka hinimas-himas ang tiyan niya.

Saglit pa siyang naupo sa kama dahil sa panlalata ng katawan niya at sakit ng ulo bago siya lumabas ng kwarto at dumeretso sa kitchen.

Naabutan niya ang mga magulang niya na kumakain na kasabay ang kapatid niya.

Humalik siya sa mga pisngi nila at naupo sa pwesto niya.

"Napapadalas ang pag-inom mo, Desiree Jennielle." sermon ng Daddy niya, si Ken.

"I'm sorry, Dad." mahinang sabi niya.

"Broken-hearted, Dad." sabi ni Deneese na nakaupo sa harapan niya.

Mataray siyang tinaasan ng kilay ni Desiree at narinig niya ang pagbuntong hininga ng Daddy niya.

"I told you before naman diba? Cole will reject you because of your age. Bata palang 'yon kasama ko na siya, namin ng Mommy mo, hanggang sa lumaki siya kaya alam ko na kung ano ang ayaw at gusto niya sa babae." sabi ni Ken.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now