Sixteen

1K 42 140
                                    

Maaga akong nagising para mag-ayos ng mga gamit. Ngayon na kasi kami babalik ng Manila.

Hindi ko na muna ginising sila Brianna dahil alam kong mga inaantok pa talaga 'yan. Nag-inuman kasi sila kagabi at halos alas dos na ng umaga sila mga nagsi-tulog.

Kahit ako naman ay uminom din pero konti lang dahil ngayon kami uuwi. Dapat may isa samin ang magpa-alala non at ako na nga 'yon.

Yung pinakamabilis na lang lutuin ang balak kong lutuin para ngayong umagahan.

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kitchen, nagulat naman ako dahil naabutan ko si Cole na... nagluluto?

Sumandal ako sa pader at tahimik siyang pinanood.

Hindi ko alam na sanay pala siyang magluto. Akala ko kasi mag-trabaho nang mag-trabaho lang ang alam niya. Taong opisina.

Kaya naman pala trabaho nang trabaho ay dahil nandon ang babaeng gusto niya.

Ang hot niya naman magluto.

Simpleng white shirt at black shorts lang naman ang suot niya, wala siyang apron, pero bakit ang lakas ng dating niya? Idagdag mo pa ang magulo niyang buhok.

"Are you done checking me out?"

Napasinghap ako sa gulat nang bigla niya akong lingunin at ngisihan.

Nameke ako ng ubo at lumapit sa pwesto niya saka sumandal sa sink. Nakasunod naman siya ng tingin sakin.

"Bakit ikaw ang nagluluto?" tanong ko.

"Kasi hindi ikaw?"

Pinipilosopo niya ba ako? Tss.

"Seriously?" sarkastikong sabi ko.

Mahina siyang natawa at bumalik sa ginagawa niya.

"Nakakahiya naman kasi sayo. Baka sabihin mo ginagawa ka lang namin taga-luto."

Ang ganda niyang panoorin magluto. Kung siya magiging asawa ko tuwing umaga late ako gigising para maabutan siyang nagluluto sa kusina.

He looks so damn hot!

"Hindi ko alam na sanay ka palang magluto." hindi ko napigilang sabihin na ikinalingon niya.

He smirked.

"Paano mo naman malalaman, wala ka naman sa bahay."

Natigilan ako..

"What are you thinking?"

I looked at him. "Huh? Wala, wala. Bakit?"

"Why are you blushing, then?"

My eyes widened.

"I am not!" sabi ko at tinakpan ng dalawang kamay ko ang mga pisngi ko.

Lumapit siya sakin.

"You're blushing.. Why? You thinking of me and you... living under the same roof?"

"Of course not!" mabilis kong sagot at tinakpan ang tenga ko.

Mas lumapit siya sakin.

"You imagining me... cooking for you every morning?"

"No! Stop it, Cole! It's not funny!" naiinis at kinakabahang sabi ko.

Malakas siyang natawa at bahagyang lumayo sakin.

"Is it funny?" naiirita kong tanong.

Tumigil siya sa pagtawa at umiling pero halata pa rin namang pinipigilan niya lang tumawa.

Inirapan ko siya. "Masunugan ka sana. Bwisit ka!"

Naiinis akong tinalikuran at iniwan siyang mag-isa don sa kitchen saka ako bumalik sa kwarto namin. Sakto naman na gising na rin sila Brianna. Wala si Rishelle dito, kagabi pa.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now