Six

800 35 29
                                    

"Where have you been?" ulit niya sa tanong niya.

"What are you doing here?" balik tanong ko.

"Answer me first. Ako unang nagtanong diba?"

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya pati sa itsura niya. Para siyang iritado na hindi maintindihan. Para siyang boyfriend na nagseselos dahil nakitang may kasamang iba ang girlfriend niya. Seriously?

Parang gusto ko tuloy kiligin.

"Kumain kasi kami ni Vince. Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

Natigilan siya.

"Hm? Wala. Napadaan lang."

Tumango-tango ako at nawalan na ng sasabihin. Ilang minuto kaming ganon. Ni hindi kami magkatinginan.

Sabay lang kaming napalingon nang bumukas ang gate at lumabas si Dad. Nanlaki ang mga mata ko. Si Dad!

"Cole. Nandito ka pala." sabi niya at tumingin sakin.

"A-Ah, Dad.."

Lumapit si Cole.

"Ah, Tito. Napadaan lang po ako." kaswal na sabi niya.

Seryoso ba talaga siyang napadaan lang siya? Hindi naman sa sinasabi kong nagpunta talaga siya dito, ang imposible lang talaga na mapadaan siya dito kasi village 'to, e. Unless may kakilala siya sa village namin na pinuntahan niya.

Ah, basta. Ewan ko sakaniya.

"Hmm." 'yon lang ang sagot ni Dad kahit napansin ko rin na kumunot ang noo niya.

"I'll go ahead, Tito." paalam niya at tumalikod na.

Amp. Hindi manlang nagpaalam sakin. Napanguso na lang ako. Ang sungit!

"Kasama mo ba siya?"

Napatingin ako kay Dad nang itanong niya 'yon.

"Hindi po. Si Vince po ang kasama ko, Dad." sagot ko.

"Is he courting you?"

My eyes widened. "What? Of course not, Dad! He's just a friend, hehe. Tara na po sa loob." aya ko sakaniya.

"If he wants to court you, he needs to ask for my permission first."

Napanguso ako, masiyadong seryoso 'tong si Dad. Alam niya naman kung sinong gusto ko.

"Dad! I told you, he's just a friend. Saka si Cole po ang gusto ko." sagot ko.

"Pero--"

I cut him off. "I know, Dad." I said and smiled at him a little.

Nagbuntong-hininga siya at tumingin sakin.

"Ayoko lang na masaktan ka. Ayokong umasa ka sakaniya. Sinabi ko na sayo dati na alam ko ang ayaw at gusto niya sa isang babae."

Age. Gusto niya ka-age niya ang babae, and its definitely not me. I'm younger than him.

"Hm, anong pinag-uusapan niyo?"

Napatingin ako sa gawi ng hagdan, nakita ko si Mommy na pababa habang nakangiting nakatingin samin ni Dad.

"Mom." lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Cole and Vince." sabi ni Dad at nagkibit-balikat.

Tumingin sakaniya si Mommy bago tumingin ulit sakin.

"Dalaga na talaga ang baby ko." sabi niya at hinaplos ang buhok. "Alam ko naman kung sino talaga ang gusto mo."

Gusto ko na hindi ako gusto at never akong magugustuhan. Bata ang tingin niya sakin. Isip-bata. Paano naman niya magugustuhan ang isip-bata na katulad ko? Imposibleng magustuhan niya ako.

Lost in Love - COMPLETEWhere stories live. Discover now