Chapter 30

150 12 7
                                    

Penelope's POV

"I made you some breakfast, come on let's eat". Hinila nya yung upuan sa tabi nya pagkatapos nyang alisin yung apron.

I just looked at him and completely ignored him.

"Masarap ba?" Nakangiti nyang tanong sa akin.

"Para kang tanga, hindi pa nga ako kumakain paano ko malalaman kung masarap".

Natawa naman sya. The hell is wrong with him.

"At saka hotdog at itlog lang naman yung niluto mo, nothing special".

"Grabe ka naman Pen, ikaw na nga pinagluto ikaw pa may ganang magsungit".

"Eh bakit ba kasi kasama kita sa condo ko? Wala ka bang perang pangrenta ng sarili mong bahay?!" Inis na sabi ko sa kanya.

"At saka-- hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil sinubuan nya ako ng hotdog na agad ko namang nginuya.

"If I told you I am Cielo would you believe me?" Kinabahan naman ako sa tanong nya.

I plainly looked at him.

"If you are Cielo, then---

He cut me off then kissed me on my lips. I didn't move nor respond to it. But he started kissing me passionately and for fuck's sake. I responded to his kiss. Pero mabilis ko rin syang tinulak.

"Do that again and I will kill you!". Inis na inis kong sabi sa kanya.

He didn't say anything. Nakatingin lang sya sa kamay nyang puno ng dugo dahil natabig nya yung baso nang tinulak ko sya.

Bigla naman syang parang nahirapang huminga nang makita nya yung dugo. Hindi ko alam kung bakit.

Iniwan ko sya at pumasok ako sa loob bg kwarto.

Siguro mga 15 minutes ang lumipas bago ako makonsensya sa ginawa ko at bumalik sa kitchen kung saan naabutan ko pa rin sya doon.

Ganoon pa rin yung pwesto nya kanina. Bigla akong napatakbo palapit sa kanya nang mapansin kong he's hyperventilating.

Mabilis kong nilinis yung kamay nyang may dugo at dahang-dahang inalis yung mga bubog. Nanginginig sya pero bakit?

"Takot si Cielo sa dugo, dahil natrauma sya sa naging aksidente noon ni Mhay". Ethan's words before sinked in to me. Goddamn!

"Come on, get up". Pilit kong tinayo si Cairo na agad namang sumunod sa akin pero inalalayan ko pa rin sya paupo ng couch.

Aalis sana ako para linisin yung mga natirang bubog sa sahig pero pinigilan nya ako. Naupo naman ako sa tabi nya.

"It's okay I am here". Pag-aassure ko sa kanya at niyakap ko sya sa hindi ko malamang dahilan. Argh!

"T..thank you". He finally speak up then hugged me back tightly still hyperventilating. Hinayaan ko na lang muna sya hanggang sya unti-unti syang kumalma.

"I'm sorry". Sabi nya nang kumalas sya sa pagkakayakap sa akin pero nakayuko lang sya at hindi makatingin sa akin.

"Hayaan mo na. Sorry din". Kahit ayokong mag-apologize sa kanya, nakonsensya naman ako dahil sa nangyari sa kanya.

Kinuha ko naman yung first aid kit para lagyan ng benda yung sugat nya.

"Aray naman!"

"Hindi ko pa nga ginagalaw yung sugat mo kung makareact ka naman, wag ka ngang OA". Natawa naman sya nang irapan ko sya.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon