Chapter 24

161 7 8
                                    

Cielo's POV (2 years ago)

"Brother, ibig bang sabihin nyan na si Penelope yung babaeng hinahanap natin sa masquerade ball?" takang tanong sa akin ni Ethan. Napatango naman ako sa kanya.

"What the?!" hindi makapaniwalang sabi ni Ethan.

Ang totoo nyan, noong masquerade ball ng mga business tycoon ay may nahalikan akong babae, bukod dun sa tinulungan kong lasing na si Avery pala. Hindi ko naman sinasadyang halikan si Penelope, pero ang alam ko hindi ko naman sya nahalikan o nahalikan ko sya talaga. Ay ewan ko rin. Pero sa kanya na mismo nanggaling na nahalikan ko sya. Hindi ko naman sinasadya. Kaya nga noong nagkaroon ulit ng party yung mga business tycoon ay balak namin ni Ethan na hanapin yung babae, na si Penelope pala. What a small world talaga. Yung babaeng hinahanap ko ay matagal ko na palang nakakasama. Kaya ko lang naman sya gustong makita ulit sya ay para magsorry sa nagawa ko noon, na hindi ko sigurado kung nahalikan ko nga ba talaga sya o hindi. Pero nahalikan ko nga si Penelope ata? Hay.

-flash back-

Umalis muna ako sandali dahil sa tumawag sa akin. Iniwan ko yung babaeng kasama ko sa isang table, kasama yung pinsan ni Ethan. Habang naglalakad ako ay may nakabanggaan akong babae. Napaalalay ako sa kanya dahil muntik na syang matumba.

"Sorry." sabi ko sa kanya dahil hindi ko naman sinasadyang nabangga sya, hindi kasi ko masyadong makakita sa suot kong maskara. Sa dinami-rami kasi ng theme ng party, bakit masquerade pa yung naisipan nila.

"Okay lang." maikling sagot nito sa akin na luminga-linga sa paligid na parang may hinahanap.

"Pwede bang--- hindi na naituloy ng babae yung sasabihin nya nang bigla na lang kaming natumba sa sahig.

Mabuti na lang ay naalalayan ko syang mabuti at hindi sya nasaktan. Bakit naman kasi may bumangga sa amin, bulag ba yun?! Nakakainis.

Napatitig ako sa babae pero mabilis din akong tumayo para alalayan sya ulit. Nakayuko naman sya habang nag-aayos ng sarili.

"Miss, sorry ulit ha. Hindi ko sinasadya." sabi ko sa kanya. At dahan-dahan naman syang tumango habang nakayuko pa rin.

-end of flash back-

"Hindi ko talaga sigurado kung nahalikan ko sya, Ethan." sabi ko kay Ethan habang nagluluto ng umagahan namin.

"Brother naman, hindi pa ba malinaw sa'yo na nahalikan mo si Penelope. Baka hindi mo lang napansin noon kasi masyadong mabilis yung pangyayari." paliwanag sa akin ni Ethan, napatango na lang ako sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin nyan si Penelope, lalo na ninakawan ko sya nang halik noong gabing yun. Pero hindi ko naman kasi sinasadya, hindi talaga.

"Brother, I think kailangan mong makausap si Penelope about sa kiss na yan." sabi naman ni Ethan na halos mabuga ko sa kanya yung iniinom kong tubig. Baliw ba sya? Ni hindi ko nga alam kung paano ko haharapin si Penelope tapos gusto pa nya pag-usapan namin yung nangyaring nakawan ng halik.

*ring!*

Pareho naman kaming nagulat ni Ethan nang may tumawag sa cellphone ko. Pagtingin ko si..

"Penelope, brother!" natataranta kong sabi kay Ethan.

Sa hindi ko malaman na dahilan bigla akong kinabahan, hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko yung tawag o hindi.

Shit naman!

"Sagutin mo na yan, brother. Baka may importanteng sasabihin sayo si Penelope."

Napabuntong hininga naman ako dahil malamang sa malamang ganoon na nga, kasi hindi naman 'to unang tumatawag o nagtetext sa akin.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang