Chapter 11

364 19 0
                                    

Penelope's POV

"Anong theme ng party?" Tanong sa akin ni Avery habang naglilibot kami sa mall para humanap ng damit na isusuot namin.

"Wala naman, formal attire, I guess?" Sagot ko naman sa kanya.

"I see, ayaw mo talaga sa mga party and events like this." Sabi naman ni Avery na tinanguan ko. Yeah, I hate it. Wala naman akong napapala sa mga party-party na yan. Besides I have to interact with the other businessmen in that party, which I really hate. Oldies are too talkative, wala namang sense yung mga sinasabi nila.

"But we are oblige to attend, Penelope. Malay mo, andun sya." Napatingin naman ako kay Avery. Oo tama si Avery, baka nga andoon sya sa party. Though, we still don't know kung sino sya.

"So, how's your lunch date with Cielo?" Tanong ko kay Avery, napataas naman yung kilay nya sa tanong ko. What? May mali ba akong sinabi? Kinakamusta ko lang naman yung lunch date nila.

"It's not a date, Penelope. We just ate some lunch in some fancy restaurant." Pahayag nito. Okay. Hindi na lang ako nagsalita.

"Why? Are you curious why she invited me for a lunch and not you?" Tanong nito sa akin. Well, kinda. But who knows, what Cielo is up to.

"I guess." Maikli kong sagot kay Avery.

"Are you jealous?" May halong pang-aasar na tanong nya sa akin. Inirapan ko naman sya. Hell no! Why would I.

"Are you sure, about that?" Paninigurado nya sa akin. Jeez, ano bang meron bakit kailangan kong magselos.

"Yes, I'm absolutely sure." Sagot ko sa kanya at nauna na akong naglakad.

"So bakit ka naman daw nya inayang kumain sa labas?" Hindi ko mapigilang magtanong sa pinsan ko. I'm curious, okay? Nothing more.

"Well, she wants to know me better, I guess?" Parang hindi pa sya sigurado sa sagot nya sa akin.

"Okay?" Naguguluhang sagot ko na lang sa kanya. Natawa naman sya.

"She's kinda into you, she wants to know you better. Pero sabi ko kung gusto ka nyang mas makilala, ikaw yung kausapin nya, not me." Paliwanag sa akin ni Avery. Okay, bakit naman nya ako kailangang makilala. We're just business partners. Well, actually we're not. Dahil hindi naman sya yung may-ari ng company, yung kaibigan nya.

"At bakit naman daw nya ako gustong makilala pa?" Tanong ko kay Avery, pero nagkibit-balikat lang sya sa akin. Ayaw pang sabihin sa'kin.

"I dunno, maybe you should ask her." Sabi nya sabay nguso sa likuran ko. Pagtingin ko sa likuran ko, nakita ko si Cielo at Ethan na nagtatalo habang naglalakad.

"I told you, Cielo. Makikita natin sya doon sa party. Tiwala kasi brother, hina kasi ng loob mo." Sabi ni Ethan sa kanya, habang ginugulo yung buhok nya.

"Paano ka naman nakakasigurado? Ni hindi nga natin alam kung pupunta sya." Sagot naman ni Cielo kay Ethan, habang inaayos nya yung buhok nya.

Sino naman kaya yung pinag-uusapan nila? Sino yung gusto nilang makita dun sa party?

"Hi guys." Bati naman ni Avery sa dalawa. Sabay pang napalingon yung dalawa sa amin. Parang nagulat naman si Cielo na nakita kami, pero si Ethan nakangiti lang na binati pabalik si Avery.

"Hi girls." Sabi nya.

Siniko naman ako ni Avery, kaya napatingin ako sa kanya.

"Pwede mo ng itanong sa kanya, why she wants to know you better." At saka nya ako kinindatan habang palapit sya doon sa dalawa.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon