Chapter 1

566 29 0
                                    

Cielo's POV

"Wala bang kasawa-sawa yung magulang mo sa pagseset-up ng kablind date mo?" tanong ko sa kaibigan ko habang dutdot sya nang dutdot sa laptop nya. Napasandal naman sya sa kanyang swivel chair.

"Ewan ko ba sa kanila, tatanda na raw akong binata. Pwede naman akong mag-asawa kahit na anong edad ko gustuhin. Ikaw ba Cielo, wala ka bang balak na mag-girlfriend o baka naman ako yung iniintay mo kaya wala ka pa ring jowa." Natatawang asar sa akin ni Ethan kaya naman binato ko sa kanya yung hawak kong ballpen.

"Oh easy brother, binibiro ka lang. Sige ka tatanda ka ring dalaga este binata nyan." bwisit na 'to, iniiba na naman nya yung usapan at binabalik na naman nya sa akin lahat ng sinabi ko para malibang ako.

"Oo na, ako nang makikipagblind date dun sa kablind date mo. Pwede ba tigilan mo na ako sa kakajowa-jowa na yan. Alam mo namang busy ako sa trabaho ko." Sabi ko sa kanya kaya naman natawa sya sa akin. Hindi naman talaga kasi ako busy. Dahil wala naman talaga akong ginagawa rito sa opisina nya kung hindi makipagblind date sa mga babaeng nirereto sa kanya ng magulang nya.

"Oo na, sige na. Pero wala ka bang nagugustuhan sa mga babaeng nakakablind date mo?" Seryosong tanong sa akin ni Ethan.

Napaisip tuloy ako, meron nga ba? Parang wala naman. Kasi maayos naman akong nakikipag-usap sa kanila tapos tinuturn down ko sila pero sa maayos na paraan naman. Pero wala talaga.

"Wala bro. Wala talaga." Sagot ko naman sa kanya.

Tumayo sya at lumapit sa akin at saka ako inakbayan.

"Alam mo Cielo, iba na 'tong babaeng 'to na makakadate mo mamayang gabi. Big time sya, Cielo, big time." Sabi pa nya sa akin habang tinatapik yung likod ko. Wala naman akong pakialam kung big time yung babaeng yun or what.

"Wala--- hindi pa ako tapos magsalita ay sumabat na sya.

"Oo na, pero last na talaga 'to. Alam mo naman ako, happy go lucky. Ikaw nga hindi mo nagugustuhan yung mga babaeng nakakablind date mo, paano pa ako?" Sabagay, pareho kasi kami ng tipo sa babae. Ewan ko ba pero syempre may pagkakaiba pa rin naman kami ni Ethan.

"Paano kung nagustuhan ko yung babae, edi magugustuhan mo rin, kasi pareho tayo ng tipo, ganoon ba?" Tanong ko sa kanya.

"Exactly!" Sagot nito sa akin tapos ay tinulak na ako palabas ng opisina nya. Baliw talaga.

Pag-uwi ko ng condo ay nagpahinga muna ako. Same day, same night. Halos araw-araw ata iba-ibang babae yung nakakadate ko. Kilala na nga ako ng mga staffs at crew sa restaurant na laging pinupuntahan ko para makadate yung mga babae ni Ethan. Nahihiya na nga akong pumunta dun, kasi baka akalain nila ako yung may babae sa mga yun, pero ang totoo si Ethan talaga.

Buti na nga lang at nacurious yung isang crew doon sa restaurant noon, at tinanong ako kung bakit wala akong nagugustuhan sa mga babaeng kadate ko gabi-gabi, samantalang magaganda naman daw yung mga nakaka-date ko. Kaya sinabi ko sa kanila na yung kaibigan ko talaga yung may kadate dun sa mga babae, at ako lang ang pinapapunta nya sa date nila para i-turn down silang lahat.

Tumayo na ako para maligo, exactly 7:00 pm pa yung date ko. I mean, yung kablind date ni Ethan. Naligo ako at nagsuot ng maayos na damit dahil sabi ni Ethan, big time daw yung babaeng makakadate ko. Nakakahiya naman sa babae, kung hindi maayos yung suot kong damit hindi ba?

Tsaka kung big time yung babae dapat si Ethan na yung makipagdate hindi na ako hindi ba? Mas nakakahiya kasi yun sa babae, lalo na kung kilalang tao yung babae. Well, Ethan is Ethan wala na akong magagawa dun. Basta last na 'to pagkatapos nito ayoko ng makipagdate sa mga babae nya.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now