Chapter 14

307 22 2
                                    

"Ikaw, sabihin mo nga sa akin. Bakit ba kailangan masquerade pa yung tema ng party na 'to? Para ba hindi mo makita yung makakasayaw mo? Para ba hanapin mo sya? Ano 'to isang fairy tale?" sabi nya habang sinasampal-sampal ako sa mukha.

Napahawak naman ako sa kanyang kamay. Ang lambot ng kamay nya. Nakatingin sya sa mga mata ko, nakatingin din ako sa kanya. Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan.

Mapungay ang kanyang mata. Hindi dahil sa nakainom sya, hindi dahil sa tinamaan na sya ng alak. Kung hindi, likas na maganda talaga ang kanyang mga mata.

"Malulusaw ako kung tititigan mo lang ako." Sabi nya sa akin.

Penelope's POV

Paggising ko wala na si Cielo. Nakaligpit na rin yung pinaghigaan nya.

"Kain?" Aya sa akin ni Avery.

Pumunta ako sa kinaroroonan ng pinsan ko, at naupo sa tabi nya. Kumuha ako ng pagkain, napatingin ako sa kanya.

"Ano? Masarap ba?" Ngiting tanong sa akin ni Avery. Napatango lang ako sa kanya.

"Si Cielo yung nagluto nyan." Sabi nya, nasamid tuloy ako. Muntik pa akong mabilaukan.

"Hindi ka na nya ginising, salamat daw sa pag-aalaga mo sa kanya kagabi." Sabi ni Avery sa akin. Nakatingin na naman sya sa akin na may halong pang-aasar.

"Hindi ko sya inalagaan kagabi. Binigyan ko lang sya ng unan at kumot." Paliwanag ko sa pinsan ko habang kumakain.

"Okay, sabi mo eh." Sagot na lang sa akin ng pinsan ko.

"Oo nga pala, mamayang gabi na pala yung party." Paalala sa akin ni Avery. Oo nga, mamayang gabi na pala yun.

"Anong meron?" tanong ko sa pinsan ko.

"Wala ka pang date." Pang-aasar nya sa akin.

"Hindi ko kailangan ng date, alam mo naman na laging may party para sa mga business tycoon dito sa Pilipinas." Paliwanag ko kay Avery.

"So hindi yung damit na binili nyo ni Cielo yung isusuot mo?" Tanong nito sa akin. Napatingin naman ako sa paperbag ng damit na binili namin ni Cielo.

"You look amazing, Penelope." Sabi ni Ceilo nang pinakita ko sa kanya yung damit na pinili nya, para sa akin.

"I don't know." Sagot ko kay Avery.

"Anong hindi mo alam, hindi pwedeng hindi mo alam. Mamayang gabi na yung party, pinsan. At least isuot mo man lang yung damit na binili sayo ng tao." Inis na sabi sa akin ni Avery. Bakit ba inis na inis sya sa akin? Anong bang ginawa kong mali? Tsaka bakit ganoon na lang sya kaconcern kay Cielo. Edi syang magsuot nun, kung gusto nya.

"May gusto ka ba kay Cielo?" Tanong mo sa pinsan ko.

"Pinsan, wala akong gusto kay Cielo okay. Ang bait ng tao sayo, bakit ginaganun mo. Konting pakikisama at consideration naman." Paliwanag sa akin ni Avery.

"Yeah, mabait sya sa akin dahil gusto nyang pirmahan ko yung kontrata ng kaibigan nya. She's doing this for her own sake. For their own sake, Avery." Inis kong sabi kay Avery.

"What if she's not doing this for her best friend? What if she's not doing this for herself? What if she's doing it for you?" Napatahimik ako sa sinabi ni Avery. Anong ibig nyang sabihin? Bakit naman nya gagawin 'to para sa akin? Bakit may gusto ba sya sa akin?

Napatingin ako kay Avery habang nagtataka. She just shrugged her shoulder, na parang sagot nya sa tanong ko kung may gusto nga ba sa akin si Cielo.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now