Chapter 20

256 15 1
                                    

Ethan's POV

"Mhay was our first love."

Alam kong naguguluhan si Penelope sa mga sinasabi ko, pero kailangan nyang malaman ang nangyari simula una.

"Si Mhay, may sakit syang malala, pero hindi yun ang ikinamatay nya, namatay sya sa isang aksidente. Matagal na syang may sakit bago pa man namin sya makilala ni Cielo. We both fell in love with her. But she only see us like her little brother and sister."

-flash back-

"May the best man win, Cielo." sabi ko kay Cielo dala ang bulaklak na dala ko para kay Mhay, valentine's day kasi ngayon.

"As if namang mananalo ka sa akin, Ethan." sagot naman sa akin ni Cielo habang nakayakap sa dala nyang teddy bear and chocolates para kay Mhay.

"Yeah right, you wish." sagot ko na lang sa kanya.

Nasa harap kami ng gate ng school, dahil iniintay namin yung babaeng kinahuhumalingan namin. Maghapon kaming nag-aantay pero walang Mhay na dumating. Hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya.

"Both of you. Sumama kayo sa akin." pareho kaming napalingon ni Cielo sa taong nagsalita. Si Ma'am, lagot.

Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod kay Ma'am. Nagtungo kami sa kanyang kotse para sumakay doon. Saan ba nya kami dadalhin?

"Ma'am, saan po tayo pupunta?" sabay na tanong namin ni Cielo sa aming guro.

"Sa ospital." maikling sagot ng aming guro. Bigla naman kaming nagkatinginan ni Cielo at doon na kumabog ng malakas yung dibdib ko.

-end of flash back-

"Tapos anong nangyari?" seryosong tanong ni Penelope sa akin. Humigop muna ako ng kape.

"May sakit si Mhay sa kidney, she needs a donor. That's what we thought." malungkot kong sabi kay Penelope.

"What do you mean?"

"Akala namin ni Cielo na kailangan lang ni Mhay ng kidney transplant. That's why we don't hesitate para magdonate. But huli na pala ang lahat. Matagal na pala yung sakit ni Mhay, iniintay na lang nilang...- hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil sa luhang kumawala sa mata ko.

"When Mhay died, Cielo blamed herself for Mhay's lost."

"Ba..bakit naman?"

"Because Cielo was the reason why she died. Actually it's not Cielo's fault, it was an accident. Pero sinisi ni Cielo yung sarili nya."

Napatingin naman ako kay Penelope na gulong-gulo.

"What? Hindi ko maintindihan, Ethan. Ano bang nangyari?" curious pero may halong pag-aalalang tanong nito.

"Isang linggo bago makalabas ng osptial si Mhay. Sya na mismo ang nagsabi na iuwi na sya ng bahay. And yun ang ginawa ng family nya. Pero meron syang requests sa amin ni Cielo." malamlam kong tiningnan si Penelope.

Masakit alalahanin ang nakaraan, pero kailangan nya ring malaman.

"Una, gusto ni Mhay na magkasundo na kami ni Cielo, dahil sa totoo nyan we're rivals. Lagi kaming nagpapataasan na dalawa. But when we met Mhay, nagbago yun. Kahit na hanggang sa huli magkaribal kami sa puso nya. Eventually, yung love namin kay Mhay ang naging daan kung ano yung bond namin ngayon ni Cielo." bahagya kong pinunasan ang luha sa gilid ng mata ko. I miss Cielo, I miss my best friend.

"Pangalawa, nakipagdate sya sa aming dalawa. Una sa akin, sa sumunod na araw naman kay Cielo. Matagal na kasi naming hinihiling sa kanya yun, kaya sobra naming saya noong napagbigyan nya kaming dalawa ni Cielo. Para kaming nanalo sa lotto ni Cielo nun. But then the realisation hit me, na konti na lang yung natitirang araw nya."

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now