Chapter 15

328 21 4
                                    

Avery's POV

Everyone's having fun samantalang ako nasa veranda sa sulok umiinom. Lasing. Hindi nya kasi ako sinipot ngayong gabi. Yung lalaking magaling lang mangako at magsalita pero sa totoo puro salita lang, wala namang gawa. Tinanggal ko yung mask ko, dahil nakakairita habang umiinom ako ng alak.

Bakit ba kasi kasama pa ako sa useless na party ng mga business tycoon dito sa Pilipinas. Wala rin naman akong mapapala dito. Umasa na nga ako, nasaktan pa ako.

"Hey cousin tama na yan." Suway sa akin ni Penelope, dahil kanina pa ako umiinom. Kinuha nya yung bote ng alak na hawak ko. Wala naman akong magawa, hindi ko naman na makuha sa kanya iyon dahil nakasalampak ako sa sahig. Tinulungan nya lang akong tumayo dahil medyo hilo na ako.

"Come on, put your mask on. The dance is about to start." Sabi sa akin ni Penelope, kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang isuot yung mask ko. May mga nagsasayawan na sa gitna. Romantic pa yung tugtog, shit. Ano ba naman 'tong masquerade ball na 'to. Nakakainis lang. Sana pala hindi na lang ako pumunta. Umalis na si Penelope sa tabi ko dahil may nag-aya sa kanyang sumayaw.

Lumakad naman ako habang nakatingin sa mga taong nagsasawayan.

"Shit!" ang tanging nasabi ko dahil muntik na akong maout of balance dahil sa kalasingan ko.

Mabuti na lang at nasalo ako ng taong nasa harap ko, inalalayan pa nya ako na pumunta sana sa may upuan, pero hindi ako sumama sa kanya. Nakahawak ako sa kanya, habang nakatingin sa may pintuan dahil nakita ko yung lalaking dapat ay ka-date ko ngayong gabi, may kasama sya, ibang babae.

Habang nakatingin ako sa kanila ay nagsasalita yung lalaking nakaalalay sa akin, pero hindi ko sya pinapansin. Hindi maalis yung tingin ko sa ex ko. Napadako yung tingin nya sa gawi ko. Napatango sya sa akin, lumapit sya kasama yung babae.

"Hey." Bati nito sa akin. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kinabig ako palapit ng lalaking nakaalalay sa akin. Halos masubsob yung mukha ko sa dibdib nya. Ano ba naman sya. Pasalamat sya, lasing ako.

Humapit sya sa bewang ko na ikinagitla ko, amoy na amoy ko naman yung pabango nya.

"May date ka pala." Sabi ng ex ko.

"Ah, by the way I'm Mark, and this girl is my girlfriend, her name is--- bago pa mapakilala ng ex ko yung babaeng kasama nya ay may lumapit sa amin at tinawag yung lalaking nakaalalay sa akin.

"Mendrez, come here for a moment. There's someone I want you to meet." Sabi sa kanya ng isang lalaki. Kaya naman nagpaalam sya sa amin.

"Uhm, I'm sorry Mark. Will you excuse us for a moment." Sabi ni Mendrez, sabay hila sa akin.

Inalalayan nya ako papunta sa isang table. May kasama naman ako sa table, lalaki. Pero hindi ko sya kilala. He's staring at me, and its creeping me out.

"Hi, so you must be my cousin's date. Nice to meet you." Inilahad nya yung kamay nya sa akin, pero hindi ako nakipagshake hands sa kanya. Hindi ko na lang sya pinansin.

"Okay, okay you're off limits, I know. So paano? See you when I see you?" Ngiti nito sa akin, at umalis na rin sya. Naiwan naman ako ditong mag-isa.

"Hey Avery, is there something wrong?" tanong sa akin ng pinsan ni Ethan.

So sya pala? Sya pala yung nakaalalay sa akin noong gabing yun. So mali ako, mali kami ni Penelope ng akala. Pero bakit ang lungkot ko? Bakit imbis na matuwa akong makita sya, bakit parang ang bigat ng loob ko. Bakit?

"Ayan mas bagay pala sayo yung bulaklak, kesa nakalagay sa tuxedo ko." Sabi nya sa akin habang nagsasayaw kami, inaya nya kasi ako kahit na medyo lasing ako at nahihilo ay pumayag na rin ako.

"What makes you think that, mas bagay sa akin 'tong bulaklak. Design 'to sa damit mo, kaya ayan ibabalik ko na sayo." Akmang kukuhanin ko yung bulaklak na inipit nya sa tenga ko pero pinigilan nya ako.

"Like I said, it suits you." Sabi nya sa akin tapos ay nginitian naman nya ako, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya tumahimik na lang ako.

"Nahihilo ako." sabi ko sa kanya, hindi naman sya nagdalawang-isip na alalayan ako papunta sa upuan. Pero ayoko dun magstay.

"Ayoko sa mataong lugar, dalin mo ako kahit saan, wag lang dito." sabi ko sa kanya, kaya naman sinamahan nya ako papunta sa may garden kung saan walang tao.

Iniwan ko si Ethan na kadate ko ngayong gabi, para sa lalaking 'to. Para sa lalaking matagal ko ng gustong makilala at makita. Pero bakit ganoon? Bakit hindi ako masaya.

"Si Ethan yung date ko." Walang gana kong sabi sa pinsan ni Ethan. Gusto kong bumalik kung nasaan si Ethan, gusto kong bumalik sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero mas safe yung pakiramdam ko, kapag si Ethan yung kasama ko. Natawa naman yung lalaki sa akin. Takang napatingin ako sa kanya.

"So you're in love with my cousin, huh." Seryosong sabi nito sa akin.

Inlove ako kay Ethan? I don't know. Hindi ko alam kung inlove ako sa kanya. Kasi ang alam ko inlove ako sa taong, umalalay sa akin ng gabing iyon. At hindi si Ethan yun, kundi sya, yung nasa harap ko. Pero bakit ganito yung pakiramdam ko? Mali. Maling-mali.

"Ethan is my friend." Sabi ko sa kanya.

Lumapit naman sya sa akin kaya napaatras ako.

"Oh really? So if Ethan is just your friend. Okay lang palang halikan kita, Avery." Palapit sya nang palapit sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong magpahalik sa lalaking 'to.

"Ethan!!!" Buong lakas kong tawag sa pangalan nya.

"What the fuck are you doing, bastard!" Narinig kong salita ni...

"Ethan!" Gulat pero masaya kong sabi.

Sinuntok nya sa mukha yung pinsan nya. Kaya naman napaupo sa sahig yung pinsan nya. Natatawa naman yung pinsan nya habang umiiling.

"You like her, huh." Sabi naman ng pinsan ni Ethan kay Ethan. Napatingin naman ako kay Ethan, na galit na galit sa pinsan nya.

"Yes I like her. And don't fucking lay your filthy hands on her, because she's mine." Sabi ni Ethan, hinila nya ako palapit sa kanya.

"Are you okay?" Pag-aalalang tanong nito sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko. Parang umurong yung dila ko, hindi ako makapagsalita.

Nakatitig si Ethan sa mga mata ko, ganoon din ako.

"Are you okay, Avery?" Tanong ulit sa akin ni Ethan. Napatango na lang ako sa kanya. Aalis na sana kami pero nagsalita pa yung pinsan nya.

"Alagaan mo syang mabuti, cousin." Sabi ng pinsan ni Ethan habang sumaludo pa. Anong meron bakit sila nakangiting dalawa?

"Bakit ka nakangiti? Bakit nakangiti yung pinsan mo? Sinapak mo sya sa mukha, hindi ba? Bakit masaya pa kayong dalawa?" Takang tanong ko kay Ethan.

"He just helped me out on something." Sabi nito sa akin.

Anong ibig nyang sabihin? Hindi ko sya maintindihan.

"What do you mean, Ethan?" Usisa ko pang tanong sa kanya. Tiningnan nya lang ako habang matamis syang nakangiti sa akin. Umiling lang sya bilang sagot. Damn! Kainis sya. Nacurious tuloy ako.

Kinukulit ko si Ethan pero hindi nya sinasabi sa akin talaga kung ano yun. Kaya hindi ko na sya kinulit.

Nang makabalik kami sa party, sumasayaw na ang mga tao roon.

"Pwede ka bang makasayaw, Avery?" Tanong sa akin ni Ethan habang nakalahad yung kamay nya. Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ko yung alok nya.

Habang sumasayaw kami, hindi ko mapigilang sumandal sa dibdib nya.

"Thank you for this night, Ethan." Bulong ko sa kanya. Napangiti sya sa akin.

"You're welcome, my princess." Sabi nito sa akin.

***

A/N: thanks for reading

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon