Chapter 6

362 22 0
                                    

Penelope's POV

The hell is wrong with Mendrez? Is she making fun of my cousin? Damn her!

"I'm sorry guys, I can't help it. Sorry Avery, hindi ikaw yung pinagtatawanan ko, kung hindi yung brother ko. Never pa kasi syang nasagot, at napahiya katulad ng ginawa mo." Pigil pa ring tawa ni Mendrez. What's going on here? I don't get it at all.

Nagkatinginan lang kami ni Avery. Aalis na sana kami pero pinigilan ako ni Mendrez. Inilahad nya yung kamay nya sa akin, tiningnan ko naman iyon.

"I'm Cielo, this is my brother, Ethan." Baling nya kay Ethan. Ano bang meron sa kanila ang weird nilang dalawa. Bakit ngayon nagpapakilala sya sa amin, samantalang kanina lang parang wala silang tiwala sa amin at masamang tao ang tingin nila sa amin ni Avery.

Hindi ako nakipagshake hands sa kanya. Ganoon din naman si Avery. Inirapan ko lang sya, tapos ay patuloy na kaming naglakad papunta sa pintuan nila para umalis.

"Nakita mo na Cielo? That's the reason kaya hindi ako naggi-girlfriend. Girls are just too much to handle." Sabi naman ni Ethan kay Cielo.

"Remember that girl sa masquerade ball?" Pareho kaming napahinto ni Avery sa sinabi ni Cielo. Masquerade ball, hindi kaya?

"Ah that girl, yeah natatandaan ko pa. Hindi nga natin sya makalimutan hindi ba?" Hindi ko alam, pero parang ayaw umalis ng paa ko patungong pintuan ng condo nila Cielo. Hinihintay ko yung susunod nyang sasabihin, alam kong ganoon din si Avery.

"Oh girls andyan pa pala kayo? Akala ko aalis na kayo?" Baling sa akin ni Cielo. Pero inirapan ko lang sya.

"Want to have a dinner with us?" Alok naman ni Ethan sa aming dalawa. Nagkatinginan pa kami Avery. Alam kong gusto rin nya.

"Okay." Tipid kong sagot kay Ethan.

"Wait us here." Sabi naman sa akin ni Cielo. Hinila nya ako pabalik sa couch at doon ako pinaupo.

"Mahirap na baka makawala ka pa." Bulong nya, pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya sa salitang iyon. Napangiti ako, pero agad ko ring binawi dahil hindi pwede. Napatingin ako kay Avery na tila nag-iisip.

Pagkatapos magbihis ng dalawa ay nagtungo kami sa sasakyan nila sa parking lot ng condo. Ano 'to date? Double date?

Habang nagda-drive si Cielo ay hindi ko maiwasang tumingin sa rear mirror ng kotse para tingnan sya. Paminsan-minsan pang nagtatama yung tingin namin. Nginingitian nya ako pero iniirapan ko lang sya.

"We're here." Sabi ni Ethan at pinagbuksan kami ng pintuan ng kotse pagkapark ni Cielo ng sasakyan. Naunang bumaba si Avery, inalalayan sya ni Ethan. Si Cielo naman ang umalalay sa akin pagbaba ng kotse, pero hindi ko sya pinansin.

Nang nakaupo na kami sa table ay tumitingin silang tatlo ng makakain, samantalang ako naman ay nakatingin lang kay Cielo. Ano bang tumatakbo sa isip nya? Pinaglalaruan ba nya kami?

"Hindi ba sinabi ko sayong hindi ako magpapakasal sayo o makikipagdate sayo?" Hindi ko rin alam pero iyon na lang agad yung lumabas sa bibig ko. Napatingin naman silang tatlo sa akin. Crap! Pinapahamak ko talaga yung sarili ko. Di ko naman gustong sabihin yun, pero bigla ko na lang nasabi.

"Uhm, oo naalala ko pa naman yung sinabi mo na yun." Sagot nya sa akin at ibinalik yung tingin sa menu ng pagkain. Damn! Bakit ko ba kasi sinabi yun.

Parang ang awkward tuloy ng atmosphere. Siniko naman ako ni Avery.

"Pinsan ano bang pinagsasasabi mo, dinner lang 'to with them, remember?" Paalalang bulong sa akin ni Avery na pinandilatan ako ng mata. Kaya naman napashit ako sa isip ko. Oo nga pala. Ano ba kasing iniisip ko.

"Kung iniisip mong mapapalapit ako sayo dahil sa ginagawa mong ito, pwes nagkakamali ka. Are you trying to lure us para lang pirmahan namin yung kontrata?" tanong ko sa kanya. Hindi ko rin alam bakit ko nasasabi yung mga bagay na 'to. Ramdam kong naa-awkward na yung dalawa dahil sa akin. Si Cielo naman ay ibinaba yung hawak nyang menu sa restaurant.

"It's really up to you kung anong iniisip mo sa dinner na 'to. But like I said before, I'm gonna make you say yes." Confident nyang sabi. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko sa kanya, kaya tumahimik na lang ako.

"Cielo ikaw ba yan?" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. Yung crew sa restaurant, yung tumawag sa kanya.

"Oh I see, so you guys are you know." Sabi nito kay Cielo. Parang nag-iba naman yung mood ni Cielo.

"Jhay, we're in the middle of something here, please?" Sabi ni Ethan na parang pinapaalis si Jhay. Napatango naman si Jhay, pero bago sya umalis ay may iniwan syang salita.

"Good thing you're both happy now, Cielo and Ethan. It's been eight years since that incident." Sabi pa nung Jhay. Kami naman ni Avery ay nagkatinginan lang.

Tumayo si Cielo na akmang aalis pero pinigilan sya si Ethan.

"Brother, huwag mo ng pansinin yun okay?" Sabi sa kanya ni Ethan pero iba yung aura ni Cielo ngayon. May kakaiba sa kanya. She looked sad. Lumabas ng restaurant si Cielo. Sinundan ko naman sya paglabas nya.

"Wait!" Habol ko kay Cielo. Hindi nya ako pinapansin, dire-diretso lang sya sa kotse. Kaya naman hinablot ko yung kamay nya para pigilan sya. Hinila ko sya pabalik sa akin at saka ko sya niyakap.

Hindi kami umiimik na dalawa. Pakiramdam ko eto yung kailangan nya, yung yakap ko. Ilang segundo akong nakayakap sa kanya bago sya nagsalita.

"Halika na sa loob, baka akalain nila papakasalan mo na ako." Biro nya sa akin, kaya naman hinampas ko sya sa braso nya. Natawa naman sya sa akin tapos ay ginulo pa nya yung buhok ko. Argh! Ayoko pa naman sa lahat yung ginigulo yung buhok ko.

Sya naman ngayon yung humila sa akin papasok sa restaurant. Pagpasok namin ay ngiting-ngiti sa amin si Ethan.

Bakit? Anong meron?

"HHWW". Kumento ni Avery kaya naman bigla akong napabitaw sa kamay ni Cielo.

Wala lang yun, Penelope okay. Wala yun, masyado kang nadadala ng emosyon mo.

Habang kumakain kami ay nagkukwentuhan si Avery at Ethan. Parang ang tagal na nilang magkakilalang dalawa, base sa pag-uusap nila. Samantalang kami naman ni Cielo ay tahimik lang. Hindi ko naman din alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Wala naman akong sasabihin sa kanya.

"Penelope, why are you testing me? Wala ka bang tiwala sa company? Or there's more reason behind that?" Tanong sa akin ni Cielo. She's really intelligent person. Sigurista sya masyado. Napahinto naman yung dalawa sa pagkukwentuhan. Ang seryoso kasi ng tanong ni Cielo.

"If ikaw yung nasa opisyon ko, what will you do bago ka makipagmerge ng company sa ibang company. I bet you'll do the same." Sagot ko naman sa kanya. Napasandal sya sa upuan nya habang naiiling.

"If I were you, matagal na akong pumirma ng kontrata sa Mendrez Corporation." Confident na sabi nya sa akin. She's really something. Hindi sya mayabang in a way, na parang sure na sure lang sya sa company nya and sa sarili nya.

"Akala ko ba mapapa-oo mo ako? Then try me, Cielo Mendrez." Hamon ko sa kanya. Palipat-lipat naman ng tingin sa amin yung dalawa. Nakikita ko kasi sa peripheral vision ko si Avery, samantalang nasa harapan ko naman si Cielo at Ethan.

Tumayo si Cielo at saka ako hinala patayo. Ang lapit ng mukhang nya sa akin. Bigla akong kinabahan. What's her deal?

"Have you ever been in a relationship, Penelope?" Tanong nya sa akin, napatango naman ako sa kanya.

"May nanligaw na ba sayo?" Tanong pa nya ulit sa akin, kaya naman napatango ulit ako sa kanya.

Nakatitig lang sya sa akin, nakatitig lang din naman ako sa mga mata nya.

She leaned her head closer to my ear and whispered something.

"Then you'll know I would do everything, just to make you say yes." Sabi nya sa akin sabay labas sa restaurant. Tinatawag sya ni Ethan pero hindi nya pinansin si Ethan.

Napaupo naman ako sa upuan ko. What was that? Hindi maalis yung kabog ng puso ko. For a moment, pakiramdam ko huminto yung buong paligid ko.

***

A/N: thanks for reading.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now