Chapter 10

337 26 2
                                    

Cielo's POV

"At bakit naman naisipan mo akong ayaing kumain sa labas?" Takang tanong sa akin ni Avery, habang namimili ako ng pagkain sa menu ng restaurant.

"Wala naman." Sagot ko sa kanya. I want to know what would be her reaction.

"Wala naman? Are you kidding me? I thought you're up to something, para lang mapa-oo si Penelope. Then bakit ako yung inaya mong maglunch at hindi yung pinsan ko?" Tanong nya sa akin.

Ibinababa ko yung menu na hawak ko.

"Ikaw talaga yung gusto kong makasama ngayon." Seryoso kong sabi sa kanya. Nagbago naman yung reaksyon ng mukha nya. Nako-confuse sya sa sinabi ko, I know.

"At bakit naman ako?" Takang tanong na naman nya sa akin.

"Wala ka namang mapapala sa akin." Walang gana nitong sabi sa akin. Natawa naman ako sa sinabi nya. Bakit naman nya sasabihin yung ganung bagay. Parang ang laki ata ng insecurities nya sa buhay.

"Wag mo namang sinasabi yang ganyan. You're nice and beautiful." Sabi ko sa kanya. Napasandal tuloy sya sa upuan nya.

"Yah right, sinong may sabi?" Tanong nito sa akin.

"Ethan." Maikli kong sagot sa kanya.

"What?" She asked with confusion.

"Ethan said that you're nice and beautiful." Sabi ko sa kanya, napayuko sya para tingnan yung menu sa restaurant. Pero hindi nakawala sa mata yung sumilay na ngiti sa labi nya.

Nag-order na rin kami ng pagkain namin.

"Cielo, why are you so eager to get our partnership with Ethan? Well, it doesn't benefit you or something if we sign that contract, does it?" Seryosong tanong sa akin ni Avery.

"Well it does, to be honest. Ethan will double my salary. Besides, I'm doing this for him. He's so dedicated with his work. He's a workaholic person, the only thing that makes him happy is his company." Paliwanag ko sa kanya.

"If he's that dedicated, bakit ikaw yung nagpapakahirap magconvince kay Penelope na pirmahan yung kontrata. Bakit hindi sya?" Dagdag pang tanong sa akin ni Avery.

"Because, I also have a pride of my own. Binuhusan nya ako ng tubig sa mukha, unang beses na nagkita kami. She rejected me when I saw her at the park. You rejected us when we met you at the restaurant. I'm a decent person, it hurts my pride when she rejected me without saying anything. That's why, I'm gonna make her say yes." Seryoso kong sabi sa kanya. Nakatingin lang sa akin si Avery. Hindi sya nagsasalita. Why? May nasabi ba akong hindi maganda? May pride pa rin naman talaga ako. Kahit na binuhusan ako sa mukha ni Penelope as a sign of rejection.

"And do you really think you can convince her to sign that contract, even though you're not the owner of that company?" Sagot sa akin ni Avery.

"I didn't say I'm convicing her. What I'm saying is, I'm gonna make her say yes." Ngiti kong sabi kay Avery. Napailing na lang sya sa akin.

"You're really something, Cielo. I hope you can make her say yes, to sign that contract." Napangiti na lang ako kay Avery.

"That's why we are having lunch right now." Sabi ko sa kanya, napataas tuloy yung isang kilay nya.

"What do you mean?" Tanong nya sa akin.

"I want to know her likes and dislikes. Everything about her, and I know you're the only one who can help me." Ngiti ko sa kanya.

"At paano ka namang nakakasigurado na tutulungan nga kita?" Sabi nito sa akin habang nakataas pa rin ang kanyang isang kilay.

"Because you like me." Sagot ko sa kanya at sumubo ng pagkaing inorder namin.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon