Chapter 4

425 29 2
                                    

Ethan's POV

"Ciel, I don't know why but it seems like we have a problem." Sabi ko kay Cielo na kain nang kain sa couch habang nanonood ng t.v.

"Yeah, and what could it be?" Tanong naman nya sa akin habang abala pa rin sa pagkain.

"Wait a minute, bakit kain ka nang kain. Hindi ba nagwo-workout ka?" Takang tanong ko sa kanya. We're both physically fit but she's obviously eating too much right now.

"I know, but it's my cheat day." Angal nya sa akin kaya naman hinayaan ko na sya.

"Anyways, my private investigators can't also find any information on those two. What the hell is this? Is this a game? Because if this is a game, it's starting to pissed me off." Inis kong sabi kay Cielo at agad kong isinara yung laptop ko.

"But you collect some information right?" Tanong sa akin ni Cielo. Naupo ako sa tabi nya. Dito sya natulog kagabi. May damit kasi sya dito sa condo ko, ganoon din naman ako sa condo nya.

"Yeah, that, they are Asford, Penelope Asford and Avery Asford, magpinsan sila. But we still don't know their motives and who's my real business partner and why they're not signing that damn contract!" Inis na inis pa rin ako sa dalawang babaeng 'yon. Ano ba kasing gusto nila sa aming dalawa ni Cielo. Wala naman kaming ginagawang masama para i-hold nila yung pagpirma ng contract ng ganun.

My investors are starting to doubt my abilities, because I can't get that deal. I need that deal as soon as possible. This work is my life and those two are my obstacles that I must overcome. I'm gonna find out what their motives are and..

"You're stressing yourself out." Pahayag ni Cielo.

Sino ba naman kasing hindi mai-stress sa dalawang babaeng yun.

"That Avery girl, anong tingin mo sa kanya?" Tanong sa akin ni Cielo. Napaisip naman ako. Ano nga ba?

"Well I think, she's nice and beautiful. And I think I've seen her somewhere before." Sagot ko kay Cielo at kinuha ko yung chips na nakalapag sa lamesa at kinain ko. Natawa naman sya, kaya nagtataka akong napatingin sa kanya.

"In a dream, perhaps?" May halong asar yung tono ng boses ni Cielo. Pero ako nagtataka pa rin sa kanya.

"What?" Takang tanong ko sa kanya.

"Silly, what I meant is that, do you really think Avery girl will do something fishy?" Bigla naman akong parang napahiya sa sinabi ko kay Cielo, napansin nya yun kaya mas lalo syang natawa.

"I..don't know.." Nauutal kong sagot sa kanya. Ginulo naman nya yung buhok ko.

"What was that for?" Angal ko sa kanya na nagpunta sa ref para kumuha pa ng soda.

"Nothing, baka mamaya magkagirlfriend ka na." Asar nito sa akin. Kaya naman binato ko sa kanya yung hawak kong chips, pero hindi sya tinamaan kasi malayo sya sa akin.

"You bet! Miss whoever you are. You like Penelope huh." Balik kong asar sa kanya. Nagkibit balikat lang sya sa akin, tapos ay bumalik na sa couch sa tabi ko.

"I knew it! You like her." Sabi ko sa kanya, tumingin lang sya sa akin, yung walang emosyon nyang mukha. Kaya hindi ko mabasa yung expression nya. What? Did I say something wrong?

"We're brothers, Ethan. And you know that Penelope isn't my type." Saad nito sabay inom ng soda.

"Oh yeah? Kaya pala, sabi mo sakin noon. Maganda sya, maputi, mahaba yung buhok at may dimples. Seems like you're describing your dream girl." Pang-aasar ko pa sa kanya. Isinaboy naman nya sa ulo ko yung chips na hawak nya kaya ang dumi-dumi ko na. Baliw talaga, parang bata.

May bigla namang nagdoorbell sa condo kaya pareho kaming napalingon sa pintuan ng condo ko. Walang nakakaalam ng condo ko na 'to, kung hindi yung parents ko at si Cielo lang. So how come na pupunta dito yung parents ko sa ganitong oras.

Nagkatinginan kami ni Cielo. Nagtutulakan kami kung sinong magbubukas ng pinto, hindi naman sa natatakot kami kung sinong nasa pintuan, kaya lang kahina-hinala lang kasing magkakabisita ako ng ganitong oras. Never na may bumisita sa akin dito. Kaya nakakapagtaka.

Ilang ulit na tumunog yung doorbell ng condo na halos mabingi na kami ni Cielo sa ingay. Kaya naman binuhos ko rin sa ulo nya yung bag ng chips na hawak ko, kaya masama syang napatingin sa akin. Nagtutulakan pa kami kung sinong magbubukas ng pintuan.

Parang nag-uusap kami sa isip namin na hahayaan na lang namin na umalis yung tao, at hindi namin sya pagbubuksan hanggang sa mainip sya, at umalis sya. Pero sampung minuto na ang nakakalipas hindi pa rin umaalis yung nagdo-doorbell at hindi pa rin sya humihinto sa pagpindot ng doorbell. Sumasakit na yung tenga ko sa ingay, alam kong ganoon din si Cielo, kaya naman sya na yung napilitan na buksan yung pinto at bumungad sa harap nya si..

"Avery?" Nagulat na sabi ni Cielo sa kanya. Paanong?

Paano nya nalaman kung saan ako nakatira. Nasa couch ako nakatago, kaya hindi nya ako nakikita. Parang may sinisilip sya sa loob ng condo ko, alam kong napansin din ni Cielo yun.

"Ano palang ginagawa mo rito sa condo ko?" Tanong ni Cielo sa kanya.

"Condo mo?" balik namang tanong sa kanya ni Avery.

Natatawa naman ako, kasi puro chips pa yung buhok ni Ceilo. Napatingin sya kay Cielo mula ulo hanggang paa. Nagtataka siguro sya sa itsura ni Cielo.

"Ah yung kapatid mo?" Tanong naman ni Avery sa kanya. Ako yung tinutukoy nya. Bakit nya ako hinahanap?

"Wala ba sya sa condo nya?" Balik namang tanong sa kanya ni Cielo. Tila nagtaka tuloy si Avery sa tanong ni Cielo.

"Hindi ba ito yung condo nya?" Balik na tanong sa kanya ni Avery. Bingo! Alam nga nyang ito yung condo ko, pero paano?

"Hindi, this unit is mine. May gusto ka bang sabihin sa kanya? Ako na lang ang magsasabi." Suggest ni Cielo sa kanya. There you go brother, ang talino mo talaga. Aalis na sana sya, pero pinigilan sya ni Cielo.

"Wait, Avery. Paano mo naman nalaman yung address ng condo ko at nagkamali ka pang sa brother ko 'to?" Tanong ni Cielo sa kanya, bahagya lamang ngumiti si Avery sa kanya. May tumawag sa phone nya, na agad naman nyang sinagot.

"I have to go." Paalam ni Avery kay Cielo. Pipigilan pa sana sya ni Cielo, pero mabilis syang umalis. Kaya sinarado na lang ni Cielo yung pintuan at naupo sa couch kung saan ako nakatago.

"She left. Pwede ka ng umayos at maupo." Sabi ni Cielo na bigla namang tumahimik. Ginulo nya yung buhok nya, kaya sakin napunta yung mga chips na nasa ulo nya.

"Paano nalaman ng babaeng yun, yung condo unit mo? She's certain na itong unit na 'to ay sayo." Pagtataka ni Cielo, kahit ako rin ay nagtataka. Kaduda-duda talaga yung dalawang yun.

Dapat pa bang ituloy ko yung contract signing sa company nila? O dapat lumayo na ako sa kanila dahil baka may iba silang motibo sa akin, sa amin ni Cielo.

***

A/N: thanks for reading.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Donde viven las historias. Descúbrelo ahora