Prologue

1.1K 34 2
                                    

"We have to set another dinner date with that girl. Can you do it for me?" Pagpupumilit pa rin sa akin ng matalik kong kaibigan na si Ethan.

Magseset-up ulit kasi sya ng dinner date sa babaeng tinurn-down nya na dapat ay hindi. I mean, tinurn down kami. Sinabihan ko na kasi syang siputin nya yung babae. Pero ako yung pinasipot nya. Ngayon, na narealize nya that his company is at stake here, nagpupumilit ulit syang maka-meet yung babae. And ako, yes ako ang gagawa ng paraan para makapag-usap sila nang babaeng iyon.

To be honest, mabait naman yung babae kaya nga lang ay hindi. Hindi sya sa akin mabait. Hay, ayoko ng makita ulit yung babaeng iyon. Kung hindi lang kasi kailangan ng matalik kong kaibigan at kung hindi lang din nakasalalay sa kanya yung company na pinagtatrabahuhan ko. Hinding-hindi ko na sya gustong makita pa sa mundong 'to.

"Ano na, Cielo?" Sabi sa akin ni Ethan na abot tenga ang ngiti sa akin.

"Uhm.. pag-iisipan ko." Sabi ko sa kanya sabay alis ng opisina nya. Narinig ko pang tinatawag nya ang pangalan ko pero hindi ko sya pinansin. Pagkasara ko ng pintuan ay binuksan ko ulit ito at pumasok sa opisina nya.

"Yeah yeah alam ko na, dadagdagan ko yung sweldo mo. I'll make it double if, Cielo, if mapapayag mo yung babaeng yun na makipagmeet sa akin at pirmahan yung contract ng company." Sabi sa akin ni Ethan. Napatango na lang ako sa kanya. Kabisado nya talaga ako. Ako na yata yung secretary na may malaking sweldo. Pero ang ginagawa ko lang naman ay makipagdate sa mga kablind date ng boss ko slash matalik kong kaibigan.

"Fair enough, brother." Sabi ko sa kanya at umalis na ako.

Kailangan ko pang makausap ulit yung babaeng iyon. And where on earth I can find her? I should've ask Ethan before leaving though. Jeez.

Habang nagdadrive ako parang may nakita akong isang pamilyar na mukha. Isang mukha ng babaeng nakakainis. Mukha na hindi ko na gustong makita pa, kung hindi lang malakas sa akin yung si Ethan hindi ko talaga gagawin 'to. Para tuloy ako yung nagiging desperado dito dahil ako yung mamimilit sa babaeng yun na tinurn-down ako. What a disaster!

Huminto ako sa pagdadrive at itinabi ko yung kotse ko sa gilid. Sinundan ko yung babaeng nagjajogging. Tatawagin ko sana sya, pero narealize ko na hindi ko alam yung pangalan nya kaya hinabol ko na lang sya.

"Hey miss, wait. We need to talk." Pigil ko sa kanya.

Medyo hinihingal pa sya sa pagsasalita dahil sa pagjajogging nya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Like I said, ayokong makipagblind date sayo at ayokong makasal sa isang tulad mo." Sabi nya sa akin na ipinagtaka ko.

Ikasal? Sino? Ako? Sa kanya? Nababaliw na ba sya? Akala ba nya na ako yung kablind date nya at may-ari ng company ni Ethan kaya nya ako.. Never mind that, I don't want to elaborate what happened to that thing so called blind date. Okay, so that explains everything...

"But miss hindi naman ako yung..-- hindi pa ako tapos magsalita sumabat na sya. Tinanggal nya yung earphone nyang nakapasak sa tenga nya.

"Look, I don't care whoever you are. I don't want to be your business partner so get lost!" Masungit nyang sabi sa akin tapos ay isinuot nya ulit yung earphone sa tenga nya at saka nagpatuloy sya sa pagjajogging nya.

Gusto ko lang naman liwanagin sa kanya na hindi ako yung iniisip nyang may ari ng kumpanya ni Ethan na magpapakasal sa kanya. Isa pa, wala rin namang balak si Ethan na makasal, gusto lang namin na pirmahan nya yung contract. Then bahala na sya kung anong gusto nyang gawin sa buhay nya. Ang sakit naman sa ulo ng babaeng 'to.

Sinundan ko pa rin sya habang nagjajogging sya. Pati tuloy ako nakakapag-exercise nang wala sa oras.

Huminto sya sa pagtakbo kaya naman napahinto na rin ako.

"Aalis ka ba o gusto mo pang tumawag ako ng pulis para lang may kumaladkad sayo paalis dito." Masungit nyang sabi sa akin.

"Okay okay, aalis na ako. Pero pakinggan mo muna ako pwede?" Pagpupumilit ko sa kanya. Pero tiningnan nya lang ako at kinuha yung cellphone nya na parang may dinadial na number. Oh shoot!

"Okay, aalis na ako. But remember miss whoever you are, I'm gonna make you say yes." Sabi ko sa kanya bago umalis. At ginaya ko pa yung tono nang boses nya kung paano nya sinabi sa akin yun kanina.

Nang makarating ako sa kotse ko ay pinaghahampas ko yung steering wheel nito. Fuck! Ano bang gagawin ko sa babaeng yun. Gusto pa yata nya yung sinusuyo sya bago nya pirmahan yung kontrata. Para sa kumpanya rin naman nila yun. Actually win-win nga kapag naging business partners sila ni Ethan, pero bakit ayaw nyang pirmahan yung kontrata kainis naman. Ang arte naman ng babaeng yun.

Magdadrive na sana ako pabalik sa opisina ni Ethan para sabihin sa kanya na ayoko ng makipag-interact pa sa babaeng iyon. Nevermind that double salary, though I practically need it. Kaya bumalik ako kung saan nagjajogging yung babae. Ilang minuto rin akong naghahanap sa kanya pero wala sya. Hindi ko na sya makita. Umuwi na siguro sya. Kaya naupo na lang ako sa bench ng park.

May naupo sa tabi ko, pero hindi ko pinansin. Dahil iniisip ko kung paano ko mapapapayag yung babae.

"Look Mr or Ms. Mendrez or whoever you are, kung bumalik ka dito para mapapayag akong pumirma sa kontrata that ain't gonna happen." Napalingon naman ako sa katabi ko na ikinagulat ko dahil si miss, si miss whoever you are ang nasa tabi ko, umiinom ng tubig. Napabuntong hininga naman ako, kaya napatingin sya sa akin. Ayokong isipin muna yung bagay na yun.

"Nope, I'm not here to convince you or anything like that. I realized that, this is not the right place to talk about that matter." Sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa langit.

Narinig ko naman yung marahan nyang pagtawa.

"Okay, so paano mo naman ako mapapa-oo na pirmahan ko yung contract?" Curious na tanong nito. Tumayo naman ako at nag-unat ng aking katawan.

"Oh miss whoever you are, you don't know what I'm capable of." Sabi ko sa kanya habang nakangiti sa kanya.

"Okay, but never akong makikipagdate at magpapakasal sayo, just to be clear." Paniniguradong sabi nito sa akin at saka sya umalis.

"We'll see about that." Sabi ko sa kanya pero nagsmirk lang sya sa akin.

Hindi pa sya nakakalayo ay may biglang tumawag sa cellphone ko. Si Ethan.

"Sup brother?" Sagot ko sa kanya.

"Cielo bumalik ka dito sa office, pumayag na syang makipagmeet sa atin." Tuwang-tuwang sabi sa akin ni Ethan.

"What?!" Gulat kong sabi sa kanya, kaya naman napatingin ako sa babaeng nasa harap ko, pero wala na sya.

What on earth is happening?

***

A/N: thanks for reading :)

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now