Chapter 8

380 22 1
                                    

Everyone's having fun samantalang ako nasa veranda sa sulok umiinom. Lasing. Hindi nya kasi ako sinipot ngayong gabi. Yung lalaking magaling lang mangako at magsalita pero sa totoo puro salita lang, wala namang gawa. Tinanggal ko yung mask ko, dahil nakakairita habang umiinom ako ng alak.

Bakit ba kasi kasama pa ako sa useless na party ng mga business tycoon dito sa Pilipinas. Wala rin naman akong mapapala dito. Umasa na nga ako, nasaktan pa ako.

"Hey cousin tama na yan." Suway sa akin ng pinsan ko dahil kanina pa ako umiinom. Kinuha nya yung bote ng alak na hawak ko. Wala naman akong magawa, hindi ko naman na makuha sa kanya iyon dahil nakasalampak ako sa sahig. Tinulungan nya lang akong tumayo dahil medyo hilo na ako.

"Come on, put your mask on. The dance is about to start." Sabi nya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang isuot yung mask ko. May mga nagsasayawan na sa gitna. Romantic pa yung tugtog, shit. Ano ba naman 'tong masquerade ball na 'to. Nakakainis lang. Sana pala hindi na lang ako pumunta. Umalis yung pinsan ko sa tabi ko dahil may nag-aya sa kanyang sumayaw.

Lumakad naman ako habang nakatingin sa mga taong nagsasawayan.

"Shit!" ang tanging nasabi ko dahil muntik na akong maout of balance dahil sa kalasingan ko.

Mabuti na lang at nasalo ako ng taong nasa harap ko, inalalayan pa nya ako na pumunta sana sa may upuan, pero hindi ako sumama sa kanya. Nakahawak ako sa kanya habang nakatingin sa may pintuan dahil nakita ko yung lalaking dapat ay kadate ko ngayong gabi may kasama sya, ibang babae.

Penelope's POV

*Ring!!!*

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa isang malakas na tunog na galing sa cellphone. Hindi ko alam kung cellphone ba ni Avery yun, hindi naman sya mahilig mag-alarm. Habang nagkukusot ako ng mata ay bigla akong napatingin sa paligid ko. Nasaan ako? Hindi ko naman 'to kwarto. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

"Aray!" sabi ko pa dahil muntik pa akong mapatid dahil may sumabit sa paa ko, pagtingin ko sa baba ay nakita ko si...

"Cielo?!" Tawag ko sa pangalan nya. Anong nangyari sa kanya? Tulog ba sya? Tumingin naman ako sa paligid. Nakita ko namang natutulog pa si Ethan sa couch.

"Good morning, pinsan." Bati sa akin ni Avery na nagtitimpla ng kape sa kitchen. Naupo ako sa upuan malapit sa kanya. Binigyan naman nya ako ng kape. Nakatingin ako sa dalawang natutulog.

"Bakit sa sahig natutulog si Cielo?" takang tanong ko sa pinsan ko.

"Galing ka kaya sa loob ng kwarto nya. Sa guest room lang tayo pinapatulog ni Ethan kagabi. Hindi ko alam sa inyo kung bakit sa kwarto ka nya galing." Medyo may halong pang-aasar na sabi sa akin ng pinsan ko.

Napafacepalm ako dahil ngayon ko lang naisip na mali pala yung kwarto kong pinasukan kagabi.

Ngumiti naman ng nakakaloko sa akin yung pinsan ko.

"Stop it, Avery. Walang nangyari sa amin kagabi. Mali lang yung kwartong napasukan ko kagabi, okay?" Paliwanag ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa pinsan ko.

"Okay okay, why are you so defensive. Like you said, there's no way in hell that you're going to fall in love with her, right?"

Nakatingin ako kay Cielo na natutulog habang iniinom ko yung kapeng binigay sa akin ni Avery.

"Right." Sagot ko na lang sa kanya.

"Good morning girls." Bati sa amin ni Ethan na nag-uunat pa sa couch.

"Good morning." Bati sa kanya ni Avery.

"What do you girls want for breakfast?" Tanong sa amin ni Ethan.

"We're drinking coffee right now, Ethan. Ikaw ano bang gusto mo?" Balik na tanong sa kanya ni Avery.

Lumakad sya sa kinaroroonan ni Cielo. Sinipa nya si Cielo sa binti pero hindi ito gumalaw. Tulog na tulog pa. Nang papalapit na sa amin si Ethan ay napansin kong tumayo si Cielo at sinipa ng malakas si Ethan. Muntik na tuloy masubsob si Ethan.

Tawa naman nang tawa si Avery. Para kasi silang mga bata. Ewan ko ba sa dalawang 'to. Napatingin sa akin si Cielo, ngingitian ko sana sya pero nagtungo na sya sa banyo.

Ano bang problema nya? Ang sungit nya ata?

At saka ko narealize yung sinabi ko sa kanya kagabi. Bakit ba kasi kung ano-anong sinasabi ko? Hay.

"Magsa-shower lang si Cielo, wag mo syang masyadong isipin." Sabi naman sa akin ni Ethan.

"Hindi ko sya iniisip." Sagot ko kay Ethan sabay tingin sa kanya, pero napahiya ata ako dahil hindi naman pala ako yung kausap nya, si Avery pala.

Tinatanong pala sya ni Avery kung igagawa rin ba nya ng kape si Cielo. Napatingin naman silang dalawa sa akin tapos ay tumawa sila. Hindi ko na lang sila pinansin, kunwari walang akong sinabi at narinig.

Ilang minuto ang lumipas bago matapos magshower si Cielo. Lahat kami nakatingin sa kanya.

"Saan ka pupunta, brother?" Takang tanong naman sa kanya ni Ethan. Para kasi syang may pupuntahan sa damit na suot nya.

"I have to go, ikaw ng bahala sa kanila." Sabi ni Cielo kay Ethan at initsa sa kanya yung susi ata ng condo.

"Saan pupunta 'yun?" Tanong ko kay Ethan.

"I don't have any idea." Sagot naman nito sa akin.

"Ethan hindi na rin kami magtatagal ni Avery, kailangan din kasi naming asikasuhin yung sa company." Paalam ko kay Ethan habang nag-aayos kami ni Avery. Tango lang yung isinagot nya sa akin.

"Ihahatid ko na kayo." Sabi ni Ethan sa amin, pero tumanggi kami ni Avery. Kaya naman namin yung sarili namin.

At saka dapat hindi ako mapalapit sa dalawang 'to, lalo na kay Cielo. Hindi naman ako sigurado na sila talaga yung magiging business partner namin. May mga iba rin kasing company na maganda yung inaalok nilang deal sa amin. Though, Ethan's company is one of the top companies here in the Philippines. His company has also good reputation in the industry.

"Penelope?" tawag pansin sa akin ng pinsan ko, hindi ko napansin na malapit na pala kami sa condo.

"Is that, Cielo? Anong ginagawa nya rito?" Turo nya sa entrance ng building sa condo namin. Oo nga, anong ginagawa nya rito. Kaya ba sya nagmamadaling umalis kanina, kasi may kikitain sya rito. May dala pa syang bulaklak.

Bumaba kami ni Avery sa taxi. Nakatingin lang ako kay Cielo na parang may hinahanap o inaantay. Kaya naman dire-diretso na akong lumakad. Nilampasan ko sya, hindi ko sya pinansin.

"Penelope, wait." Tawag pansin nya sa akin. Hinawakan pa nya ako sa aking braso para pigilan nya akong makasakay ng elevator.

Nakatingin naman sa akin si Avery, tumango ako sa kanya na mauna na sya sa room namin. Nang makasakay ng elevator si Avery ay bumaling ako paharap kay Cielo.

"What do you want?" May halong inis kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya.

Dahil kaya sa hindi nya pagpansin sa akin kanina noong nasa condo nya kami ni Avery, o baka naman dahil umalis agad sya. Pero hindi, kasi mas nakakainis na makita sya sa harap ng building ng condo namin ni Avery, na may hawak na bulaklak na parang may iniintay.

"Kanina pa kita iniintay, Penelope. Good morning, flowers for you." Ngiting-ngiti na sabi sa akin ni Cielo. Kinuha ko naman yung flowers na bigay nya, inamoy ko pa iyon at saka ko hinampas sa kanya. Bwisit sya!

"Aray, bakit ba?" Takang tanong nya sa akin.

"Sabi ko naman sayo I hate parties, I hate surprises and most of all, I hate flowers." Iniwan ko syang mag-isa sa baba, sumakay na ako nag elevator papunta sa unit namin ni Avery.

What's her deal? Ginagawa ba nya 'to para mapa-oo akong pumirma sa contract, para sa matalik nyang kaibigan? O ginagawa nya 'to kasi.. Argh! Nevermind.

***

A/N: thanks for reading.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon