Chapter 16

319 21 3
                                    

Penelope's POV

"Kung bakit ganoon yung ginagawa ni Cielo, yung mga pinapakita nya sayo. May sarili syang reason. Whatever her reason is, alam kong masaya sya sa ginagawa nya. It's not about the contract, she's just happy being with you." Paulit-ulit na naririnig ko sa utak ko yung sinabi sa akin ni Ethan. Lalo na yung huling sinabi nya.

"It's not about the contract, she's just happy being with you." Bakit naman magiging masaya si Cielo na kasama ako? Bakit? Lagi ko nga syang sinusungitan. Binabalewala ko nga lahat ng ginagawa nya para sa akin. Ni hindi ko nga sinuot ngayon yung binili nyang damit para sa party. Paano naman sya magiging masaya tuwing kasama nya ako?

Asan na nga ba si Cielo?

Tanong ko sa sarili ko habang nakaupo, tanaw ko namang sumasayaw si Avery at Ethan. They're like couples, bagay naman sila. Nakikita kong masaya yung pinsan ko, hindi man sya nakangiti. Alam kong masaya sya, dahil kita ko 'yon sa kanyang mata.

May nagtakip naman sa mata ko. Sino ba 'to? Nakakainis, hindi nakakatuwa.

"Cielo, ano ba? Para kang bata. Tigilan mo nga ako, alisin mo yung kamay mo sa mata ko." Inis kong sabi inalis naman nya ito. And to my surprise, hindi si Cielo yung nagtakip ng mata ko.

"Ouch naman." Sabi ni Gerard sa akin.

"Gerard! Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko sa kanya.

"Wala naman, talagang ayaw mo ng ka-date. Minsan kailangan mo ring i-enjoy yung life, Penelope." Sabi sa akin ni Gerard habang tinatapik yung likod ko.

"Don't touch me." Masungit kong sabi sa kanya.

"Okay okay, I'm sorry." Sabi nya habang nakataas pa yung dalawang kamay.

"Wala si Cielo?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ako hanapan ng mga taong nawawala." Masungit kong sabi sa kanya.

"Easy, young lady. Hindi naman ako magtatakang wala dito si Cielo, because she's sick. Baka nagpapahinga yun, ewan ko ba kay Ethan bakit iniwan nyang mag-isa si Cielo sa--- hindi pa nakakatapos si Gerard sa sinasabi nya ay mabilis akong umalis sa harapan nya.

Pupuntahan ko si Cielo. Bwisit na Cielo na yan, nakakainis talaga sya.

Una, gusto nya akong makadate sa party na 'to. Pangalawa, binilan pa nya ako ng damit, para sa gabing 'to. Pangatlo, hindi sya umattend sa party na 'to. Bwisit talaga! This is the reason why I hate parties. Lagi na lang akong...

Penelope Asford, again Ms. Penelope Asford, please be informed that you have to go to the VIP room, now.

Napahinto ako sa pagtakbo palabas, dahil sa nagsalita na 'yon sa speaker. Hindi ko alam kung bakit pinapunta ako sa VIP room ng mga business tycoon. Hindi sana ako pupunta, pero may mga bodyguards na humarang sa daanan ko, kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanila, papuntang VIP room.

Nang makarating ako sa VIP room ay naroon si Gerard habang nakangiti sa akin. Anong ibig sabihin nito? Sya ba yung nagpatawag sa akin? Bakit? Anong kailangan nya sa akin?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Have a seat." Turo nya sa couch, pero hindi ako naupo.

"What do you want?" Tanong ko sa kanya.

Ininom nya yung wine na hawak nya, at saka sya natawa. May nakakatawa ba sa tanong ko? Ano bang problema nya?

"Penelope, have a seat." Ulit nyang sabi sa akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang maupo. Gusto ko na rin kasing matapos kung ano mang sasabihin nya sa akin, dahil pupuntahan ko pa yung bwisit na Cielo na yun. Humanda sya sa akin, makakatikim talaga sya. Bwisit.

"Penelope, you turned me down, why?" Seryosong tanong sa akin ni Gerard. Tiningnan ko lang sya.

"Pinatawag mo ako rito sa VIP room para lang tanungin yan?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya sa akin.

"Kasi, ayoko ng kadate. Hindi mo ba maintindihan yun?" Inis kong sagot sa kanya. Natawa lang sya sa akin. Bakit parang may kakaiba kay Gerard. Alam kong si Gerard yung taong nasa harap ko, pero parang si Cielo yung kausap ko.

"Alam mo bang hindi pa ako nirereject ng kahit na sino, ikaw pa lang yung una." Dagdag pang sabi nito sa akin.

"Oh yeah? Wala akong pakialam. Irereject kita hanggat gusto ko. Kasi ayoko ng kadate okay? I hate parties, hindi mo ba maintindihan yun?" Naiinis kong sabi kay Gerard. I'm so frustrated, hindi dahil sa tanong ni Gerard, kung hindi dahil kay Cielo.

Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa kanya. She's unpredictable, she's too stubborn. I hate her, I fucking hate her.

"Kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako. Pupuntahan ko pa si... Hindi ko tinuloy yung sasabihin ko. Naiinis pa rin kasi ako kay Cielo.

Palabas na ako ng VIP room nang nagsalita ulit si Gerard.

"Sinabi ko na sayo, after this party. Hindi mo na masasabing I hate parties, surprises and especially flowers." Sabi ni Gerard sa akin. I looked at him with confusion. Paanong? Yun na yun kasi yung sinabi sa akin ni Cielo. Paano nya nalaman yun, at bakit naman nya sasabihin sa akin yun.. don't tell me...

Paglabas ko ng VIP room ay wala ng taong nagsasayawan sa gitna. Ang meron na lang ay sahig na puno ng petals ng rose, isang cake and romantic music.

Lumapit ako sa gitna kung nasaan nakalagay yung cake. May nakasulat na; "You really are the most beautiful girl in this party." Luminga-linga ako sa paligid ko. Hinahanap ko sya. Hinahanap ko si Cielo. Pero hindi ko sya makita.

"Cielo!" Tawag ko sa pangalan nya.

"Yes?" Narinig kong may nagsalita. At hindi ako magkakamali, dahil alam kong kay Cielo yung boses na yun.

"Nasaan ka?" Tanong ko sa kanya. Hinahanap ko pa rin sya pero hindi ko sya makita.

"I'm here." Sabi nya pero hindi ko pa rin sya nakikita.

"Saan? Hindi kita makita." Kausap ko kay Cielo. Naiinis na ako, pero parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. Pero naiiyak talaga ako. Hindi ko makita si Cielo! Gusto ko syang makita! Asan na ba kasi sya! Nakakainis na kasi.

"Penelope?" Rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

Boses ni Avery, oo alam kong boses ni Avery yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Penelope!" tawag nya ulit sa pangalan ko. Dahan-dahan kong iminulat yung mata ko.

"Doc, doc. Ethan tumawag ka ng doctor. Si Penelope, gising na." Natatarantang sabi ng pinsan ko, nakita ko pang tumakbo palabas si Ethan.

"Penelope, salamat naman at nagising ka na." Tuwang-tuwa na sabi sa akin ng pinsan ko habang umiiyak. Bakit sya umiiyak? Anong nangyari sa akin.

May doktor na pumasok kasama si Ethan, chineck ako ng doktor.

"She's okay now. But she still needs to recover." Sabi ng doktor bago umalis.

"Anong nangyari, nasa ospital ba ako?" Tanong ko sa pinsan ko, pero imbis na sagutin nya yung tanong ko, yumakap lang sya sa akin, habang umiiyak.

Napayakap lang din sa akin si Ethan. Anong meron? Bakit nasa ospital ako. May nalaglag naman sa tabi ko.

"Ano yung nalaglag, Avery?" Tanong ko sa pinsan ko. Kinuha na yung nalaglag, notebook. Bakit may notebook sya?

"Ito yung diary mo, Penelope. I've been reading this, over and over again for the past months." Malungkot na sabi ni Avery. Anong ibig nyang sabihin? Anong pinagsasasabi nya? Hindi ko sya maintindihan.

"Penelope, nacomatose ka for two years now. Hindi kami sumuko sa iyo ni Ethan." Paliwanag ni Avery sa akin. Naguguluhan pa rin ako. Anong comatose? Ako? Paano nangyari yun?

"Argh!!!" Hiyaw ko dahil biglang sumakit yung ulo ko. Sobrang sakit!

"Ethan tawagin mo ulit yung doctor." Alalang-alalang sabi ni Avery kay Ethan.

Pagkatapos nun, nakita kong pumasok yung doktor. May tinurok sya sa balikat ko. Then everything went black.

***

A/N: Thanks for reading.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon