Chapter 13

312 19 2
                                    

Penelope's POV

"Pinsan don't you think its kinda rude?" Tanong sa akin ni Avery habang nagpapalit ako ng damit. Nakauwi na kasi kami.

"Ang alin?" Pabalik kong tanong sa kanya. Hindi ko kasi magets kung ano yung tinutukoy nya.

"Yung ginawa mo kay Cielo." Sabi nito sa akin. Bakit ano bang ginawa ko kay Cielo? Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"What do you mean?" Tanong ko kay Avery.

"Ayaw mo ba syang makadate sa party? O kaya pagtiisan mo na lang sya, isang gabi lang naman yun." Pahayag nya.

"Bakit naman kasi ako yung ide-date nya sa party? Pwede naman yung iba, di ba?" Tanong ko kay Avery. Napabuntong hininga naman sya.

"Maybe she likes you." Sagot nito sa akin. Naupo ako sa sofa habang nagsusuklay. Napatingin pa ako sa kanya.

"Like I said, she wants to know you better. Kaya siguro, ginagawa nya lahat, para makilala ka ng lubusan." Paliwanag nito sa akin.

"Ayoko nga sa kanya, ayoko rin syang kadate. Ano bang mahirap intindihin dun?" Medyo naiinis kong sagot kay Avery. Hindi ako naiinis sa pinsan ko. Naiinis ako kay Cielo. Nakakainis yung existence nya.

"Kung ayaw mo syang kadate bakit terno yung binili nyong damit?" Nguso ni Avery sa pinamili namin ni Cielo.

"Sya yung nagbayad nyan, hindi ako." Sagot ko naman sa kanya.

"So, bakit naman sinabi mo kay Gerard na ayaw mo syang kadate, kung ayaw mo ring kadate si Cielo?" Usisang tanong sa akin ni Avery. Kinuha naman nya yung suklay na ginagamit ko.

"Ayoko lang ng may date, okay? Ano pa bang explanation ko ang gusto mo?" Natawa naman sya sa akin.

"Ayaw mo ng may kadate, pero sinabi mo kay Cielo, na dapat o-oo ka na kay Gerard. Ano ba talaga, Penelope?" Nakahulugang tanong sa akin ni Avery habang nakakaloko yung ngiti nya.

"Talagang hindi mo ako titigilan." Sabi ko kay Avery na dinugtungan pa yung sinabi ko.

"Hanggat di mo ako binibigyan ng matinong sagot. So, ano na?" Excited na excited naman sya sa sasasabihin ko. Akala mo naman kung ano yung sasabihin ko.

"Sinabi ko na sayo, ayoko ng kadate sa party. Alam mo namang hindi ako mahilig sa party, kaya hindi ko kailangan ng kadate o kapartner." Paliwanag ko kay Avery. Alam kong hindi sya satisfied sa sagot ko, pero inirapan ko sya. Nagets naman nyang naiinis na ako, kaya hindi na sya nagtanong.

Papasok na sana ako sa kwarto, pero may nagdoorbell sa condo unit namin ni Avery. Magte-ten na ng gabi pero may bisita pa kami? Sino kaya, pero wala naman kaming inaasahang bisita. Napatingin ako kay Avery na ngumuso lang sa pinto. Ayaw nyang tumayo, kaya ako yung nagbukas ng pintuan.

"Cielo anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Cielo, pero hindi nya ako sinagot. Pumasok lang sya ng dire-diretso sa loob ng condo. Bastos talaga sya.

"Hoy, hindi kita pinapapasok. Bakit ba nandito ka?" Habol ko sa kanya dahil naupo sya sa couch, tumabi sya kay Avery.

"Avery, may nakalimutan ako." Sabi nya kay Avery, nagtataka naman si Avery pati rin ako.

"Okay, ano yun?" Takang tanong ni Avery kay Cielo.

"Avery, nakalimutan kong ibigay 'tong cake kay Penelope, Penelope cake para sayo." Baling sa akin ni Cielo habang nakangiti. Baliw talaga 'to. Hindi ako papansinin, tapos ako pala yung sadya nya.

"Anong gagawin ko dyan?" Tingin ko sa cake na hawak ni Cielo.

"Kakainin malamang, pero kung gusto mong titigan, okay lang." Sabi ni Cielo sa akin.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now