Chapter 7

392 24 2
                                    

Penelope's POV

Isang linggo makalipas yung nangyari sa restaurant, hindi pa rin ako tinitigilan ng isip ko. Naiinis na ako, ang sabi nya, gagawin nya ang lahat para lang mapa-oo ako sa pagpirma ng kontrata hindi ba? Pero bakit isang linggo na, hindi pa rin sya nagpaparamdam. I don't bother, calling her or texting her. Hanggang salita lang pala sya.

"Penelope, don't you think you're starting to like her." Sabi sa akin ni Avery na abala sa paglalaro sa cellphone nya.

"What makes you say that?" Inis ko namang tanong sa kanya. Bakit naman ako magkakagusto sa babaeng 'yun.

"Well, araw-araw wala kang bukambibig kung hindi si Cielo, Cielo. Inis na inis ka kay Cielo but nag-iintay ka naman kung anong gagawin nya, para lang mapa-oo ka na pirmahan mo yung kontrata." Inirapan ko lang si Avery.

"She's starting to pissed me off, Avery. And there's no way in hell, I'm gonna fall for that Mendrez." Paninigurado ko kay Avery.

"Besides we have to know kung sino sa kanilang dalawa yung sa masquerade ball, remember?" Paalala ko kay Avery. Napatango naman sya sa akin. Bakit parang wala syang pakialam?

May nagdoorbell naman sa condo unit namin ni Avery, kaya naman agad ko itong binuksan and to my surprise si Cielo yung bumungad sa akin, kaya isinara ko ulit yung pinto, pero bago ko tuluyang isara yung pintuan ay napigilan nya ito at pilit syang pumasok.

"What the hell is wrong with you?!" Inis kong sabi kay Cielo, pero nakangiti lang sya sa akin at may inabot na papel.

"At ano naman 'to?" inis kong tanong sa kanya.

"Yung contract". Sabi nya lang sa akin. What?! Niloloko ba nya ako? Anong trip nya? Inis na kinuha ko yung contract na hawak nya at ipinatong sa lamesa.

"And do you expect me to sign this bullshit?!" inis ko pa ring sabi sa kanya. Kunwari pa syang nag-isip, kaya naman tinulak ko sya palabas ng pintuan. Mas lalo lang nya akong iniinis. Bakit ba mas gusto nya akong iniinis.

"Nope, I'm not expecting you to sign that contract." Ang tanging sagot nya lang sa akin, tapos ay hinila nya ako palabas ng unit ko.

"Avery sa akin muna 'tong maganda mong pinsan." Paalam nya kay Avery na tumango lang dahil abala sa paglalaro sa cellphone. What the hell? Hindi ako makapaniwalang pumayag yung pinsan ko na sumama ako sa kumag na 'to. Binubugaw na ba nya ako?

"Ano ba, bitawan mo nga ako." Angal ko kay Cielo pero hindi nya ako binibitawan. Hihiyaw na sana ako para manghingi ng tulong pero tinakpan nya yung bibig ko.

"Tatahimik ka o yung susunod na lalapat sa labi mo, yung labi ko." Pagbabanta nya sa akin, kaya naman napatahimik na ako hanggang sa makasakay kami sa kotse nya.

"Ano ba talagang problema mo? Nakakainis ka, akala ko ba gagawin mo lahat mapa-oo lang ako, isang linggo na wala ka pang ginagawa, tapos ngayon pupunta ka sa condo para papirmahan sa akin yung kontrata, nababaliw ka na ba?" Inis na inis kong sabi sa kanya habang hinahampas ko sya. Pero nakangiti lang sya sa akin. Bwisit talaga sya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya dahil nakangiti lang sya sa akin. Umiling sya.

"Wala naman, maganda ka talaga no, mas lalo na kapag galit ka." Sabi nya sa akin. Bwisit na 'to. Ano 'to bolahan? Hindi nya ako madadaan sa bola nya. Lalabas na sana ako ng kotse pero pinigilan nya ako.

"Ano na naman bang pangbobola yung sasabihin mo?" Inis kong sabi sa kanya.

"Hindi kita binobola, maganda ka naman talaga. Namiss din kita." Sabi nya sa akin at saka sya yumakap sa akin.

Turning Down Mendrez Brothers (GxG) | #Wattys2019Where stories live. Discover now