Chapter 27 - Cesia and Enchanted Kingdom

1.2K 54 3
                                    

Hello to @AHUFCTNS thank you for supporting, Lovelots💞
_______________________________________________

*Zhaira POV*

Nang matuklasan mismo ng dalawang mata ko ang malagim na nangyari sa kaibigan ko'y. Bigla nalamang nagbalik ang lahat sa umpisa.

Ang lahat kung saan nasa mortal world palamang ako at namumuhay ng normal kasama si Lola Remy.

Lahat bumalik mula nung mismong makita ng mga mata ko ang nakangiting mukha ni Lola habang nakahawak sa tiyan nitong nagdurugo.

At wala manlang akong nagawa para maipaghiganti si lola ko.

At ngayon.

Naulit na naman.

Pinangako ko noon sa sarili ko noon na hindi na magpapasok pa ng tao sa buhay ko. Dahil tinuring ko na ang sarili kong isang malas na tao.

Ngunit dumating si Bella. Si Sean. Ang mga Alphas. Si Frea. Maging si Kamahalan. Dagdag pa ang anak kong si Baby Jewel.

My baby. She suffered long enough too.

Paano ko nga ba mapipigilan mapalapit sa buhay ko ang mga taong ito kung sa simula't sapol palamang ay nakatadhana na akong mapalapit sakanila.

Naramdaman ko na lamang ang panunuot ng isang panibagong sakit na nagmumula sa likuran ko.

Lintik. Nadali ako.

Bigla na lamang akong napaluhod at pilit na iniinda ang sugat na natamo ko. Napansin kong di kalayuan ay akmang papaslangin na si Frea ng kalaban nito kaya't walang ano-ano'y pinalabas ko ang kapangyarihan ko at pinatama iyon sa kalaban niya.

Alam kong hindi iyon sapat upang mapaslang ang kanyang kalaban ngunit nagpapasalamat ako at hindi natuloy ang binabalak nito.

Ngunit ang ikinagulat ko ay ang pag-atake din ng kapangyarihan niya patungo sa direksiyon ko. I mean sa likod ko. Kung gayon ay nagpalitan lang kami ng atake sa mga taong aatake na saamin.

Biglang nagdilim ang paningin ko at di ininda ang kirot na nagmumula sa sugat ko saka hinarap ang impostora.

"Matigas ka ngang talaga. Ilan ba ang buhay mo, at hindi ka nalang mamatay-matay." nanlilisik na saad nito.

"Masyado ka nang marami pang sinasabi. Pagbabayaran mo ang ginawa mo!" Nanlilisik ko ring sagot sakanya sabay pinalabas ang pana kong gawa sa earth element ko.

Sunod-sunod ko iyong pinatama sakanya.

Ngunit sadyang malakas ang pananggalang na nakapalibot sakanya. Kailangan ko iyong masira.

Bigla nalamang may mga salitang pumapasok sa isip ko hanggang sa hindi ko mapigilang sambitin ang mga iyon.

"Loviao meinwara, suletto mon beniero
Lufah reviero, meinare cruzefon." Bigla kong naibulalas. Napansin ko naman ang pagkagulat sa mga mata nito.

Nagulat na lamang ako at biglang naging ginto ang pana ko maging ang palaso nito. May nag-uudyok naman sa loob-loob ko na ipatama ito sa impostorang nasa harapan ko na siyang ginawa ko.

Mabilis ang pagbulusok nito patungo sa impostora at ang mas ikinagulat ko ay ang pagkabasag ng pananggalang niya at dumiretso ang palaso ko patungo sa puso niya na kanyang ikinagulat.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now