Chapter 13 - First Day of Class

1.5K 66 3
                                    

*Zhaira POV*

Isang linggo na ang nagdaan at ngayon na ang umpisa ng klase. Akala ko nga nag-umpisa na talaga ang klase kasi naman diba pinipilit na ako noon ni Bella na tapusin ang kailangang tapusin doon sa mortal world tapos malaman laman ko lang na hindi pa pala nagsisimula ang klase dito. Advance din mag-isip ang babaitang ito.

Oh well, sa isang linggong iyon ang ginawa lang namin ay magmukmuk sa dorm at ako pumunta ng library.

Dahil sa alam na ni Bella ang history ng mundong ito ay tinanong ko siya ngunit naging mailap makipag usap sakin si Bella simula nung araw na naging opisyal na kaming estudyante ng Farion Academy. Ewan ko bat nagkaganun ang babaeng yun baka may dalaw lang.

Di ko na muna kinulit si Bella kung bat di na siya masyadong palasalita.Kaya ang ginawa ko, dahil sa curious ako sa history ng mundong ito buong linggo kong ginugol ang sarili ko sa pagbabasa although may mga kaalaman na ako sa mundong ito ngunit parang may kulang eh.

Kulang na kulang ako sa impormasyon.

"Students and Newbies. Welcome to Farion Academy, please gather at the Big Dome for the Grand Opening of classes for the new school year.Thank You! I repeat, please gather at the Big Dome for the Grand Opening of classes for the new school year.Thank You!" Anunsyo ng boses ni Miss President na nasa hologram. Nasa tapat kasi ako ng salamin dito sa banyo ng kwarto ko nang may lumabas na hologram sa salamin. Announcement lang pala.

"Let's Go!" Yaya sakin ni Bella ng makalabas ako ng kwarto ko.

Tumango lang ako sakanya tsaka isinuot ang Livate Watch at lumabas narin ng dorm. Sabay kaming naglakad sa hallway hanggang sa makalabas na kami ng Dormitory Building.

Katabi lang ng Dormitory namin ang Dormitory ng mga boys.Kinuha ko ang schedule ko gamit ang watch at tiningnan kung what class ba ako. Kailangan kasi nasa designated class ka pagpunta doon.

Ngunit ang nakalagay doon ay Newbie lang and schedules for the whole week.

Ganun din ang kay Bella kaya pumunta na kami ng Big Dome. Buti nalang at may naka-input nang mapa ng buong Academy ang Livate watch yung para lang siyang tracker hologram map at may dalawang green dot na nandun which means na kaming dalawa iyon ni Bella. Astig nga eh parang tracking device namin yun hehe.

Nang nakarating kami sa Big Dome may mga students pa kaming nakikitang papasok doon kaya nakisabaynarin kaming pumasok dun.

Gulat pa nga kami nang makitang malaki pala ito sa loob kung titingnan kasi sa labas parang ordinaryong Gymasium lang. Well we all know that in this world nothing is impossible pero di ko parin maiwasang magulat. Sino ba naman ang hindi magugulat kung lahat ng nakikita mo ay bago sa paningin mo.

Each lines has it's designated class and us newbies di na kami nahirapang hanapin iyon lalo nat may malaking hologram sa taas na nakasulat each class kung saan ang line. Buti naman may paganito pa. Sa mortal world kasi pahirapan pa s paghahanap ng class mo.

Nang makarating kami sa mga lines namin napatingin ako sa paligid. Well konti lang kaming mga newbies kaysa sa iba. Siguro mga 20+ lang kami naupo naman na kami sa seats na nakalaan para saamin.

"Hello Students! Hello Newbies! Welcome to Farion Academy, A school for extraordinaries like you. I'm JL your emcee for today, and now may we request the presence of our headmaster. Let's all show a respect to the owner as we call him to stage. Everyone, Let's all welcome Headmaster Wallen Vellanos around of applause please." Malakas na saad ng emcee. Infairness ha pwede na siyang mag host sa Miss Universe. Siya kasi yung tipo ng emcee na hindi masakit sa tenga ang boses.

ZHAIRA || The Missing EnchantressHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin