Chapter 1- Her Past

4.4K 106 0
                                    

*Zhaira POV*

~boooooooooooommmmmmm~
~Boooooooggggggggssssshhhhh~
~Shiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggg~
~Boooooooggggggggssssshhhhh~

Anong nangyayari ba't may naglalaban?

World war na ba?

Bat parang panahon pa ni lapu-lapu ang kanilang mga gamit na sandata?

Diba dapat mga baril na?
Hello modern time na kaya toh.

Wait baka may shooting dito?
Camera man? Where are you?
Andito ang protagonist oh!

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at di kalayuan ay nakita ko ang isang babaeng may bitbit na kung ano at nakabalot pa sa isang puting tela.

Yakap-yakap niya ito habang tumatakbo papalayo sa mga naglalaban laban. Anong ginagawa niya? Saan siya pupunta?

Napag-isipan kong sundan ito baka ano pang mangyaring masama sakanya. Napansin kong pabalik balik ang tingin nito sa likod, kanan, kaliwa niya nagbabakasakaling baka may nakasunod sakanya.

Makikita sa mukha nito ang takot at mas niyakap pa ng mahigpit ang dala nito nakabalot sa puting tela.

Narinig ko ang isang impit na iyak ng sanggol na nagmumula sa babae. Kung ganun? Sanggol pala ang dala dala nito?

Pilit nitong pinapatahan ang bata ngunit iyak ng iyak lamang ang sanggol.

Napansin ko ang paggalaw ng halaman sa paligid at lumabas ang mga taong nakasuot ng itim na cloak. Hindi ito napansin ng babae dahil pinapatahan niya ang sanggol.

Kaya't bago pa man siya masaksak ng lalaking naka cloak ay hinawakan ko sa braso ang isang ma-ma!! Ngunit lumagpas lang ang kamay ko dito.

What the h*ck just happened? Could it be...wait am I dead?

Am I in heaven? Wtf.I'm already a ghost? Seriously?
Anong bang ginagawa ko dito? Baka ako pa mamatay dito!! Ay patay na pala ako dito!

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now