Chapter 30 - The Sacrifice

1.3K 48 1
                                    

*Zhaira POV*

"It's the ball of destruction." Biglang nagsalita sa utak ko or should I say Telepathy.

Sa di kalayuan ay nakita ko si Bella so siya ang nagsalitang iyon sa isip ko?

"What do you mean?"

"That's the ball of destruction. Created in a powerful form of black magic which makes it so powerful and uncontrollable. Heather is the Guadian of Destruction who also controls everything that brings destruction while Sunno possess creation."

"You mean, hindi lang isang malaking pagsabog ang magaganap kundi isang pag-atakeng makakapagpagunaw ng mundong ito?"

"To bad he's not the God of Destruction. His power of destruction can only destruct one place."

"Kung gayon maaari niyang mabura ang Academy sa ganitong atake?"

"Tama."

"Hindi maaari."

"Hayaan mong ako ang pumigil sa pag-atakeng iyon."

"Hindi. Ikaw na muna ang bahala sa traydor na ito."

"Ngunit-----"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang sasabihin at pinutol na ang pagkakakonekta ng isip namin.

Iniwan ko doon si Traydor dahil alam kong hindi iyon pababayaan ni Bella na makatakas pa.

Ramdam kong nalalapit na pagbabalik ng oras kaya't hangga't maaari ay mawasak ko na ang pag-atakeng ito bago pa man magunaw nito ang Academy.

Hindi ko maaatim na may mangyari sa Academyang ito na siyang naging tahanan ko narin.

Sa loob ng ilang buwang pamamalagi ko dito ay di maipagkakailang maraming mga ala-ala at mga aral ang natutunan ko sa paaralang ito.

Sa Academyang ito natutunan kong buksan ang puso ko sa nga taong gustong pumasok sa buhay ko.

Dito ko natutunang magmahal, masaktan, magtiwala at magpatawad.

Pinaka titigan ko ang bolang apoy na ito saka ito hinawakan.

"Aaarrggghhhhhhhh!" hiyaw ko sa sakit sobrang nakakapaso ito ngunit kailangan ko itong ilayo sa loob ng Academy.

"Zhaira!!!!!"

Nang mapagtagumpayan ko. I used all my force at pinalibutan ko ng pinakamatibay na barrier ang buong Academy.

"Zhaira! Wag mong gawin yan. Sasamahan kita!" Hiyaw ni Bella mula sa loob ng Shield na ginawa ko.

"Hindi Bella. Ayokong may nadadamay pa ni isa sa inyo. Ito na ang panahon, para protektahan ko rin kayo. Thank you Bella, for waiting and protecting me till the end. Thank you for choosing me as your first, second and last Master and I forgive you."

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now