Chapter 10 - Journey to the New World

1.7K 69 2
                                    

*Zhaira POV*

Pagkarating ko ng bahay tumambad sakin si Bela na nasa harap ng bahay at naghihintay sakin. Nasa human form siya katulad ng una ko siyang makita kaya makikita ang angking ganda nito.

"Are you ready?" Tanong niya sakin nung makarating ako sa harapan niya.

"I guess so." sabi ko dito tsaka tiningnan ang buong bahay namin ni lola.

"Tara na, lumakad na tayo bago pa tayo abutan nito ng dilim." sabi nito kaya't napatango nalang ako.

Sinarado ko ang buong bahay at nilagyan naman ni Bela ng pananggalang ang buong bahay para in case na may bagyo o kung ano man hindi ito masisira.

Ito nalang ang tangging alaalang meron ako kay lola ko at hindi ko ito hahayaang mawala.

"Let's go." Saad nito at nagpatiuna nang maglakad, kaya sumunod na lamang ako sakanya.

Habang naglalakad di ko maiwasang magtanong kay Bela. Nasa gitna kasi kami ng rumaragasang tubig kaya't di ko mapagtanto kung saan ba talaga kami patungo.

"Bela? Bakit sa tubig? Sa mga nababasa ko kasi nasa kagubatan sila dinadala and later on may makikita silang malaking gate and yun na nga ang Academy na papasukan nila or what so ever diyan" sabi ko sakanya.

"Hindi naman kasi ito katulad ng mga nababasa mo. Isang kakaibang mundo ang papasukin natin at ang daan nito ay nasa tubig. Sa pamamagitan ng tubig na ito nakakonekta ang mga mundo natin dito tayo dinala mga Diyos at Dyosa.  Ang tubig dito ay may kakayahang gumawa ng portal papunta sa mundo natin. Papunta sa mundo kung saan nabibilang ang mga katulad natin." sabi niya. O.A naman mag explain nito. Medyo nahilo lang ako ng konti.

"Ahh ganun ba? Di ba parang delikado naman pag tubig?" Tanong ko.

Ewan ko lang ha. Pero pag kay bela lumalabas ang pagiging talkative ko.

Napatigil ako sa paglalakad sa gitna ng ilog ng tumigil si bela.

"Nandito na tayo" sabi nito kaya't napatingin ako sa harapan.

At laking gulat ko ng makita ang isang mataas na talon.

At laking gulat ko ng makita ang isang mataas na talon

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.
ZHAIRA || The Missing EnchantressDove le storie prendono vita. Scoprilo ora