Chapter 7 - The Dream Visitors

1.8K 72 2
                                    

*Zhaira POV*

Let me explain to you everything that happened this past few weeks na hindi ako pumasok ng school.

~Flashback~

Matapos kong mapanaginipan ng gabing iyon si Lola ay bigla na lamang may dumating na puting ibon at may dala itong mensahe. Nakapagtataka nga dahil da ganito kalalim na gabi at may nagpadala pa ng liham na ganito. Hindi ba pwedeng through text, chats or emails nalang bakit sa ibon pa? Siguradong importante talaga ito kaya personal na pinadala talaga sakin.

Inilapag ng ibon ang sobre sa papag ko saka walang paalam na lumipad na palabas kaya agaran ko itong kinuha at binuksan.

"Trust no one but yourself only, in this world you should not trust anyone except for yourself. This world is full of lies, pain, sadness, and greed. It will only give you painful memories. The only important in this world is money and position, so that trust no one because this world is not for you." ~Your Guardian

Pagkatapos kong mabasa ito agad itong naging abo.

So para sakin lang talaga ang mensahe na yun. Sino yung guardian na yun? Ano ang ibig sabihin nung sulat na yun?

Sapag-iisip isip ko sa mga katagang iyon ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

~Dream~

"Prinsesa!" Saad ng isang malalim na tinig.

Iminulat ko ang aking mga mata at napagtantong hindi ang kwarto ko ang bumungad saaking paningin kundi isang paraiso. How come napunta ako rito? Kanina lang andon ako sa kwarto ah?

"Prinsesa." Sambit nitong muli mula na saaking likuran. Pagkaharap ko'y bumungad saakin ang naggagandahan at naggwa-gwapuhang mga nilalang.

Who are they?

"Prinsesa." Ani ng babaeng may gintong l buhok at ginting kulay ng mata. I can say, she's the prettiest among all of them.

Napatingin naman ako sa likod ko baka andun ang prinsesang tinatawag nila. Bat naman ako mag aassume na ako ang tinatawag nila eh hindi nga ako prinsesa. Isa lamang akong normal na babae na nakatira sa gilid ng Ilog Bela.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now