Chapter 15 - The Attack

1.4K 70 2
                                    

*Zhaira POV*

"Zhaira sandali."

Napatigil ako sa pagpapalabas ng mahika ng may tumawag sakin.

Tumingin ako dito at napatingin si Sean pala ang tumawag saakin.

"Bakit?" taas kilay na tanong ko sakanya.

"Sabay na ako sayo" nakangiting sabi niya.

"Ayoko nga" hirit ko sakanya.

"Sige na sabay na ako 30 seconds nalang ang natitira at konti nalang tayong nandito." nakangusong sabi niya.

Hay nako. Pano ko ba mareresist ang kacutan niya.

Don't get me wrong ha?

Pero wala akong gusto sakanya. It's just that magaan lang talaga ang loob ko sakanya. He's like a little brother to me. Oo alam ko maraming beses ko nang sinabi to.

"Humawak ka sa balikat ko." seryosong sabi ko sakanya pansi ko namang agad  siyang sumunod sa sinabi ko at ang lawak pa ng ngiti.

Hay nako bigla nalang kaming naglaho sa room at tumambad saamin ang pintuan ng Potion room.

Nang makapasok kami sa Potion room ay nandun na halos ang lahat ng kaklase ko kaya pumunta na ako sa assigned spot ko.

"Bat sila magkasama?"

"Sila na ba?"

"Baka sila na tingnan mo si Sean oh ang lawak ng ngiti."

"Ang sweet sabay pa silang dumating."

"Bagay na bagay talaga sila."

Hayy nako tong mga kaklase ko di nauubusan ng sasabihin samin.

Ano bang mahirap sa pagkakaintindi nila na kapatid lang talaga ang tingin ko kay Sean?

"Okay class, today we will be making a healing potion, the procedures are simple and here are the ingredients blah blah blah blah blah~" di ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya.

Alam ko naman na ang mga ingredients ng potion na yan.

Sa isang linggong pamamalagi ko sa mga God's and Goddesses i mean sa isang buwan pala.Dahil ang isang linggo sa mortal world ay katumbas ng isang buwan sa Godly Paradise.

Habang abala atseryoso sa paggawa ng healing potion ay bigla na lamang kaming nakarinig ng malakas na pagsabog.

Ito na ba ang sinasabi ng naunang prof namin kanina?

Na unti-unti nang sumusugod ang mga galamay ng Draco Kingdom.

Agad kaming nagsipaglabasan para tingnan kung saan nanggaling ang pagsabog.

Napag-alaman naming nasa likod lang iyon ng Academy kung saan madilim na kagubatan na ang makikita.

"Okay students. Stay calm and don't panic. Pumunta tayo ng big dome for everyone's safety so please cooperate." saad naman ng instructor namin.

Ngunit di ko na hinintay pa ang iba pang sasabihin ng Instructor namin at agad na akong nagteleport papunta sa likod ng Academy.

At doon nakita kong kinakalaban sila ng kapwa namin estudyante.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now