Chapter 18 - Her Plan

1.5K 70 4
                                    

*Zhaira POV*

Lumipas ang dalawang araw matapos ang pagpapatawag ng mga alphas sakin ay napagdesisyonan kong ako mismo ang siyang mag sasanay sakanila ng di nila nalalaman kung sino ako.

Why? Actually I really don't know!

There's something inside me that wants to help them. Besides this is also one of my mission.

Tanging ang headmaster lang ang dapat na makaalam sa gagawin kong ito lalo nat kailangan kong madakip ang traydor sa paaralang ito.

At naniniwala akong may mas malaking papel pa ang mga Alphas sa hinaharap ng mundo ng Fellonia.

Nararamdaman kong may paparating na delubyo at nararamdaman kong di maganda iyon na siyang kailangan naming paghandaan dahil di ko alam kung ano at sino ang mga ito.

At ngayon palihim na tinakasan ko sina Bella at Sian. At pasekretong nagteleport papunta sa headmaster's office.

"Oh Zhaira ano ang maipaglilingkod ko sayo?" Takang tanong ni Headmaster ng makita ako.

"I need your help headmaster." seryosong sabi ko sakanya.

*Sian POV*

"Alam mo Zhaira babes, naki-----" naputol ang sasabihin ko ng paglingon ko sa likod ko ay wala na ang minamahal kong --- "Nasaan na yun?" Takang tanong ko sakanya.

"Tinakasan ka na naman." walang ganang sabi ni Bella.

Minsan talaga walang galang si Zhaira babes ko. Di manlang nagpapaalam samin at bigla bigla nalang nawawala. Tapos kami itong mukhang timang kakahanap sakanya.

Minsan naiisip kong nahihiya pa sakin si Zhaira babes ko dahil sa biglaang pagtatapat ko sakanya hehe.

Nahihiya din ata siyang magtapat sakin ng kanyang pagmamahal nang dahil dun. Nako.

O di kaya ay naiilang pa na kasama ako at bigla nalang nawawala dahil kinikilig ata pag kinakausap ko siya.

Hayy nako Zhaira babes. Pa hard to get ka rin eh. Pero sige lang. Gusto ko ang mga pa hard to get. Mga matitinik hehehehe.

"Nababasa ko ang iyong iniisip paslit. Wag kang umasang magugustuhan ka ng kaibigan kong iyon may mas minamahal na iyon kaysa sayo." sabi ni Bella.

Minamahal?

Hindi maaari!! Sino naman ang minamahal niyang iyon?

Kailangan ko siyang lamangan kay Zhaira babes ko.

"Hayy nako. Hirap talaga pag nagmahal tssk. Mukha kayong mga timang." sabi ni Bella sabay umalis sa harapan ko.

"Hmmp. Ang sabihin mo bitter ka lang nagmahal ka na kasi kaya ganyan ka kabitter." sabi ko nang makalayo siya sakin.

Ano kayang nakain ng babaeng yun at sobrang bitter. Siguro ay isang kilo ng ampalaya ang nakain nun at nasobrahan sa ka bitteran at di na alam ang salitang sweet.

Nako nako. Palibhasa di masyadong lapitin ng lalaki.
Di tulad ng Zhaira babes ko na nag-uumapaw ang kagandahan at marami pa ang nakiki-agaw sakin.

Wait for it Zhaira babes. Magiging akin ka rin mwehehehehe.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now