Chapter 4 - Painful Day

1.8K 75 1
                                    

*Zhaira POV*

Nagulat ako ng balisang lumabas si Lola ng kwarto. Nag-aalalang napatingin ito saakin. Anong meron?

"Lola may problema po ba?" Nag-aalalang tanong ko sakanya sabay lapit dito.

"Ahh w-wala naman apo." utal na sambit ni Lola sabay ngiti. Nagtataka naman akong tumingin sakanya. May mali eh! May mali talaga. Bago pa ako lamunin ng kuryosudad ay ibinaling ko nalamang ang tingin ko sa cake at inilagay yung candle sa ibabaw nito saka sinindihan.

"Mag wish ka muna Lola." nakangiti kong ani dito.

Napatango naman ito saka pinagsaklop ang dalawang kamay at nagwish. Nakangiti ko lamang itong pinagmamasdan habang nakapikit at humihiling. Sana nga ay matupad ang kung ano man ang hiniling ni Lola.

Nang imulat nito ang kanyang mga mata ay ngumiti ito sakin saka ako mahigpit na niyakap, humiwalay agad ito sa pagkakayakap saka humarap sa cake at hinipan yung candle. Pumalakpak naman ako habang nakangiting nakatingin sakin si Lola.

"Oh la! Anong winish niyo?" Nakangiti kong tanong sakanya.

"Wish ko? Na sana nasa ligtas ka palagi at malayo sa kapahamakan." nakangiti niyang sambit sakin.

"La naman, Bat para sakin ang wish mo? Dapat para sa sarili mo. Hmm. Payakap nga la?" Sabi ko sabay yakap kay Lola.

Mahal na Mahal ko ang Lola ko siya nalang ang meron ako at di ko hahayaang mawala siya sakin. Iingatan, mamahalin at aalagaan ko siya katulad ng pag-iingat, pag-aalaga at pagmamahal niya sakin.

"Ayy, heto pala tanggapin mo to apo ko." Saad nito sabay lahad ng isang maliit na kahon sakin. Luma na ito at makikita ang mga nakadikit na sapot at alikabok dito na para bang tinago ito ng mahabang panahon. Hinipan ko ito para matanggal ang alikabok at makita ang tunay na anyo nito.

All I can say is....WOW!! Ang bongga naman pala nito pang sossy..pero teka bakit ako ang niregaluhan ni lola imbis na siya naman itong dapat regaluhan.

pero teka bakit ako ang niregaluhan ni lola imbis na siya naman itong dapat regaluhan

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

"La naman ako nga dapat ang mag reregalo sa inyo eh. Bakit ako pa ang niregaluhan niyo?" nakapout na sambit ko dito.

Natawa nalang siya sa sinabi ko. Kanina pa talaga ako nakakaramdam ng hindi maganda eh! Parang may mangyayaring masama na hindi ko maipaliwanag.

Ipinagwalang bahala ko nalang iyon siguro pagod lang to kasi nitong mga nagdaang araw todo kayod ako para man lang may maipanghanda sa kaarawan ng lola ko.

ZHAIRA || The Missing EnchantressOnde histórias criam vida. Descubra agora