Chapter 17 - Someone's Jealous

1.4K 66 4
                                    

*Zhaira POV*

"Sino naman kaya ang nagpatawag sayo Zhaira? May nagawa ka bang masama kaya pinapatawag ka sa headmaster's office?" Takang tanong ni Bella.

"Oyy, wala ah." pagtanggi ko sa sinabi niya.

Bakit nga ba talaga ako pinatawag sa headmaster's office?

"Zhaira samahan na kita ako ang magtatanggol sayo" nakangiti pang sabi ni sian.

"Wag na kaya ko na ang sarili ko." sabi ko sakanya tsaka tumayo na at lumabas na ng cafeteria.

"Sandali zhaira babes hintay!! Sasamahan kita, ipagtatanggol kita sakanila." Narinig ko pang sabi ni Sian bago ako magteleport.

Abnoy talaga.

Ngunit bago ako pumunta ng headmasters office ay pumunta ako sa isang sulok na walang gaanong tao malapit lang ng office atsaka ko ininom ang vanish potion na ginawa ko at inisip na mawala pansamantala ang tattoo ko sa wrist.

Nakita ko pang nagliwanag ang tattoo ko hanggang sa unti-unti na itong naglalaho sa wrist ko.

Nang masigurong nawala na nga ito ay lumabas na ako at nagpatuloy na pumunta sa office.

Pagkarating ko sa harap ng office ay agad na naramdaman ko ang mga prisensya ng kung sino sa tantya ko ay sampu silang naririto kasama na si Headmaster.

Nag-iba naman agad ang ekspresiyon sa mukha ko. Pagkapasok ko palang ay si Headmaster lang ang nakita kong naroroon.

Tssk nagawa pa nilang magtago eh nabuking na sila.

"Oh narito ka na pala. Maupo ka iha!!" Pilit na ngiting sabi nito at palihim pang sumulyap sa kung saan nagtatago ang mga isip batang iyon.

"Bago ako umupo paupuin mo na rin muna ang mga isip-batang nagtatago mong bisita dito." malamig na sabi ko sakanya.

"Ehem, lumabas na kayo Alphas. Nabuking na kayo HAHAHA." Halatang pilit na sabi ni Headmaster.

Ilang sandali lang ay nagsilabasan ang mga Alphas mula sa iba't-ibang sulok ng silid.

Pinaniniwalaan kong isa sakanila ang may kakayahang maging invisible kasama ang mga kasamahan nito.At hindi ko expect na makikisama ang boss nila lalo nat masyado itong seryoso sa buhay.

Nakita ko ang ang mga transferees namin noon na sa mortal world. Di ko rin expect na isa sila sa mga tinitingalang Alphas dito mga malalakas kuno na estudyante sa buong Farion Academy kung malalakas na nga bang talaga.

At batid kong isa sa misyon nila ang pumunta sa mortal world kaya sila naroroon noon.

At sa nakita ko kahapon hindi nila matatalo ang mga halimaw na yun kung hindi ko sila tinulungan. Masyado pa silang mahina para matalo ang mga halimaw na iyon.

Kailangan rin nila i-improve ang senses nila lalo nat isa sakanila ang muntik nang malagay sa alanganin kahapon. They don't deserve this kind of title if they don't know how to defend and fight for themselves.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now