Chapter 5 - Her Feelings

1.8K 77 0
                                    

*Zhaira POV*

"May mga katanungan lang kami sayo Miss Perez." Sambit ng isang pulis sakin.

Tiningnan ko naman siya ng malamig. Nagulat naman siya sa inasta ko kaya umiwas nalang ito ng tingin.

"M-may nakita ka bang tao k-kanina nung mangyari ang crime scene?" Nauutal niyang tanong sakin.

"Dun sa kabilang bahagi ng ilog, ituturo ko po sa inyo." Sambit ko dito saka itinuri ang kabilang bahahi ng Ilog.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa kabilang bahagi ng ilog Bela. Sumunod naman sila sakin. Nang makarating kami doon ay itinuro ko ang puno kung saan nakita ko ang taong pumatay sa Lola ko.

Nagsimula naman silang maghanap ng pwedeng maging ebidensya para matukoy kung sino ang salarin.

Nagsimula din akong mag hanap nagbabakasakaling baka may makita ako na makapagtutukoy kung sino ang demonyong iyon. Ipaghihiganti ko ang lola ko bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya.

Pumunta ako sa eksaktong puno na inakyatan ng suspek. Naghanap ako at nagbabakasakaling may nahulog siyang bagay dito upang matuklasan ko kung sino man ang hinayupak na yun. May natanaw naman akong parang kumikinang. Kaya agad ko itong nilapitan.

Nakita ko ang isang kwentas sa lupa kaya kinuha ko ito at pinagmasdan. Isa itong kwentas na hugis Oval at sa pinakagitna nito mayron itong itim na Oval shape na may naka engrave na parang triangle shape at may 'V' na letter.

 Isa itong kwentas na hugis Oval at sa pinakagitna nito mayron itong itim na Oval shape na may naka engrave na parang triangle shape at may 'V' na letter

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mahahanap din kita kung sino ka mang hayop ka! Tiningnan ko ang mga pulis na naghahanap parin ng maaring makuha at maimbistegahan. Agad kong itinago sa bulsa ng pantalon ko ang kwentas ako mismo ang maghahanap sa taong yun wala akong dapat na mapagkatiwalaan ngayon.

"Ipagpabukas nalang natin ang paghahanap iha, magpahinga ka na muna sa inyo at dumidilim narin kaya magpahinga kana. Nakikiramay kami sa nangyari." Sambit ng pulis kaya nagsimula na akong maglakad pabalik sa bahay.

Pagkapasok ko sa bahay ay nakita ko agad na andoon parin ang bakas ng dugo ni Lola maging ang mga handa ay nasa mesa parin ngunit mababakas ang mga dugong nagmula sa Lola ko. Maayos pang nakalagay ang cake na binili ko para sakanya. Umiyak lang ako ng umiyak sa kwarto namin hanggang sa makatulog ako.

~Dream~

"Apo gising na!" Sambit ng isang tinig na siyang kilalang-kilala ko.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now