Chapter 14 - The Missing Princesses

1.5K 68 2
                                    

*Zhaira POV*

Another week had past since the start of classes begin. At ngayon sabay kami ni Bella na papasok sa klase namin although nakakausap ko na siya minsan ngunit nararamdaman kong mas ilag parin siyang makipagusap sakin.

Inintindi ko nalang iyon baka kung ano pang masabi ko pag nasagad na ako.

Nang makarating kami ng room ay agad kaming pumunta sa upuan namin at doon naghintay hanggang sa dumating ang Instructor namin.

Napansin ko namang may lumapit saamin na kaklase din namin at may dala pa siyang bulaklak.

Napansin ko namang may lumapit saamin na kaklase din namin at may dala pa siyang bulaklak

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Okay, at para saan naman ang bulaklak?

"A-ahm Z-zhaira f-for y-you." utal na sabi niya sabay bigay saakin ng bulaklak niya.

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ko at nakita ko naman ang biglaang pagkatakot nito.

Tssk, Mahina!

Well wala namang masama kung tanggapin ko.

Kinuha ko sakanya ang bulaklak at nakita ko ang biglaang pagngiti ng lalaki.

Binigyan ko ito ng isang malamig na tingin ngunit nakangiting malawak parin siya okay? Bat di na nasindak ang isang to sa tingin ko?

"Sabi ko na nga ba at mabait ka kahit cold ka tumingin. Salamat at tinanggap mo ano kasi uhmm GUSTO KITA ZHAIRA." lakas loob na saad niya kaya't di ko mapigilang mapangiti. Nahawa kasi ako sa ganda ng ngiti nito eh. Ang cute.

"Woooaaaaahhhh"

"Ang ganda niya pag ngumingiti."

"Mas gumanda siya pag nakangiti."

"Ang bait niya."

"I really like her."

"Akala ko di na niya tatanggapin ang bulaklak ni Sean. Siya pa naman ang may mataas na level saating mga newbies ngayon. Ang bait niya at approachable din pala."

"Bagay sila."

"Nakaka-inggit pero totoo nga mas bagay sila."

"Ang lawak ng ngiti ni Sean oh."

"They look good together."

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now