Chapter 21 - I LIKE YOU!

1.4K 58 3
                                    

*Zhaira POV*

Gungong talaga ang lalaking toh.

"Zhaira?"

Sabay kaming napalingon ni kamahalan sa nagsalitang iyon at gulat na itinulak ko ito at napatayo.

Nasa harapan lang naman namin ang mga kasamahan ni kamahalan tssk.

Ayan tuloy, nalaman nila na ang Zhaira na kilala nila ang trainor nila.

"So all this time ikaw ang kasa-kasama namin? How come? " Di makapaniwalang sabi ni Patrick.

"Do I have to explain everything to you? You better not know." Malamig na sabi ko dito.

Napatikom naman ito ng bibig at di na nagsalita.

"Don't be too harsh on them Zhaira."

"Manahimik ka dyan kamahalan wag kang sumabat kung hindi naman ikaw ang kausap." Inis na sabi ko dito.

Napansin ko naman ang pagpipigil ng tawa ng mga kasamahan nito.

"What's so funny?"

Nagsitahimik naman sila at sabay-sabay na nagsi-iwas ng tingin.

Tssk.

"Since ito na ang huling training niyo sakin, bahala na kayo sa buhay niyo. Natapos ko na ang part ko sainyo." Malamig sa sabi ko sa mga ito.

"What? Ngayon pa na nalaman namin na ikaw ang trainor namin. Pwedeng i-extend?" Nakangiting sabi ni Frea sabay kumapit sa braso ko.

"Walang extension. Ang tapos ay tapos." Sabi ko dito sabay inalis ang pagkakakapit nito sakin.

"Eh bakit naman? I want to know you more pa kaya. I can't believe na kilala ka na pala nila samantalang ako eh ngayon ka pa lang nakilala." nakangusong sabi nito. Isip bata talaga.

"Syempre, abala kalang kasi sa pagpapaganda at hindi mo namalayang may misyon tayo sa mortal world." Mataray na sabat ni Sofia sakanya.

"Kasalanan ko bang naging maganda ako? At isa pa, kayo kaya itong nag-iwan sakin dito." Sabi ni Frea sabay flip hair. Aba't hindi talaga nagpapatalo.

"Eh sino ba naman ang maghihintay pa sayo eh tanghali ka na nagigising samantalang hindi pa sumisikat ang araw e yun ang alis natin." Sagot naman ulit ni Sofia. Wala talaga sa kanila ang may ayaw na matalo.

Akmang sasagot na naman ulit si Frea ng batuhin ko na sila ng snowballs gamit ang pinaghalong tubig at hanging elemento ko.

"Ouch, Zhaira naman how could you hurt my beautiful face." nakangusong sabi ni Frea.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now