Chapter 20 - His Moves

1.4K 65 6
                                    

*Zhaira POV*

Dalawang linggo ko nang tinitraining ang mga Alphas and all I can say ang laki ng ikina-improve nila.

Wala akong masyadong naging problema sakanila sa pagtuturo dahil mabilis naman silang turuan.

Mula sa pagiging mabilis sa pag-ilag ng mga atake ko. I make sure na mai-improve din nila ang mga senses nila.

Wala namang problema sa studies ko dito sa Academy dahil ginawan ko na iyon ng paraan bago pa magsimula ang training ko with Alphas.

Gumawa lang ako ng clone ko at siya na ang bahala nun. Well wala namang may nakakapansin na hindi ako ang kasama nila. Hmm well napapansin kong nanghihinala na si Bella. Ano pa nga ba? Guardian ko yun eh.

Sa loob kasi ng dalawang linggong iyon walang ibang inatupag ang mga Alphas kundi ang magtraining kasama ako. At wala silang magagawa dun.

May mga times pa nga na sinusubukan nilang tanggalin ang ang hoddie ko dahil curious sila kung kaninong mukha ang nasa likod ng hood na iyon. But they ended up being  beaten up by me. Hindi nila kaya ang isang katulad ko pweralang sa isa. Hmp.

At ngayon ay may individual training kami at ang bawat isa sakanila ay mayroong blindfold. May sinet akong time kung saan doon magsisimula ang mga pag-atake. Nasa ginta nila ako habang sila at nakapalibot sakin.

I need to know if nag improve nang talaga ang senses nila kaya nakablind fold sila ngayon at nang makita manlang ang resulta ng dalawang linggong training ko sakanila.

Sa individual na training na ito masusukat ang lakas ng pakiramdam nila maging liksi nila upang maiwasan ang lahat ng pag-atake sakanila. Dito ko din masusukat kung sino na ang handa na at sino pa ang hindi.

Sa bawat isa sakanila ay may iba't-ibang illusion places akong ginawa. Ginawa ko iyon upang mas isipin nila ang sarili nila sa ganoong sitwasyon. Hindi nila maririnig ang boses ng mga kasamahan nila kapag hindi pa nila natatapos ang mga pag-ataking ginawa ko na siyang magtatagal ng kalahating oras.

Sa kalahating oras na iyon masusukat kung hanggang saan ang kaya nila dahil kapag nasa aktuwal na silang labanan hindi lang iyon tatagal ng kalahating oras lang. Kaya hangga't maaari maging handa sila sa lahat ng oras.

Nagbigay din ako ng consequences sakanila na ang kung sino mang magtatanggal ng blindfolds nila ay madadagdagan pa ng kalahating oras kung kaya't sa isang oras na iyon kailangan nilang matapos ang task nila. Dahil kung hindi mas marami pa ang aatake sakanila.

"Dito sa training na toh ngayon masusukat kung gaano kayo kalakas, kabilis, at kung gaano kalakas ang inyong pakiramdam sa paligid. Dito ko pagbabasehan kung malakas na ba talaga kayo o hindi. Sa loob ng kalahating oras ay kailangan niyong maubos lahat ng aatake sainyo. Pag nagawa niyo itong matapos ng hindi pa umaabot sa nasabing oras ay mabibigyan ng isang kahilingan mula saakin. Ang ano mang naisin niyong kahilingan ay siyang aking susundin kung kaya't mas pag-ibayuhin niyo ang inyong pag-eensayo ngayon dahil baka ito na ang huli niyong training saakin at pag napatunayan niyo nang karapat-dapat kayo sa posisyon niyong iyan, ang matawag na malalakas na estudyante sa buong Farion Academy. Ad now be ready because I won't be easy on you this time. This will be a hard training and it's between life and death. The training starts......NOW!!!!" Sigaw ko at isa-isang nagsipaglabasan ang mga atake papunta sakanila. May mga flying daggers pa, creatures, dummies ang at marami pang iba.

ZHAIRA || The Missing EnchantressWhere stories live. Discover now