Chapter 19 - Training the Alphas

1.4K 62 0
                                    

*Zhaira POV*

"Nagpadala na ako ng liham sakanila. Alam kong magkakasama sila ngayon kaya maaaring papunta na sila ngayon dito." sabi ni Headmaster.

"Isa pa sa mga suliraning kailangan nating lutasin headmaster. May traydor sa loob ng Academy." seryosong saad ko sakanya.

"Traydor? Eh baka ikaw ang traydor?" Takang tanong niya at napahawak pa sa baba nito.

"Eh sa kung ako nga ang traydor bat ko pa patatagalin buhay mo?" taas kilay na sagotnko dito.

"Nakakahurt ka naman" nakanguso na naman niyang sabi.

Really ganyan ba talaga siya? Maging sa ibang mga students?

Isa lang masasabi ko.

Nakakahiya.

"I'm just stating the fact here headmaster." taas kilay na sagot ko dito.

"Totoo ba talaga ang sinasabi mo? Baka mamaya pinaprank prank mo lang ako."

"Pwede ba panot magseryoso ka naman kahit minsan."

"Ito na nga ito na nga. Kung gayon ay totoo nga ba ang sinasabi mo?"

Tssk inulit niya lang ang tanong niya.

Di ko alam basta na stre-stress ako sakanya. Mas malala pa siya sa isang bata. Napabuntong hininga nalang ako at sinagot nalang ang sinabi niya.

"Oo, nung araw na may sumugod na mga halimaw may nakita akong isang babaeng nagtatago sa likod ng puno at nalaglag niya ito."sabi ko sakanya sabay pakita ng kwentas na nakita ko doon. Ang kwentas na magkasing katulad ng kwentas na nakita ko sa mundo ng mga tao kung saan namatay ang pinakamamahal kong lola."Ewan ko ngunit may nagsasabi sakin na galing ito sa mga kalaban. Ang Draco Kingdom at napansin ko pang nakasuot ng uniporme ng academy ang taong iyon, at babae siya." Sabi ko pa dito na mas lalong ikanakunot ng noo niya.

"Tama ang iyong tinuran. Galing ito sa mga kalaban, ito ang simbolo ng kabilang panig. Ang Draco Kingdom. At base sa iyong sinabi kanina ibig sabihin lamang nito na may mag-aaral dito sa academy ang traydor? Nakita mo ba ang mukha niya? Nakilala mo ba kung sino siya?" Takang tanong niya.

Sasagot na sana ako ng marinig naming may kumatok.

Naramdaman ko ang maraming presensiya nila siguro ay ang mga Alphas na ata ang mga ito.

ZHAIRA || The Missing EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon