33

3K 86 4
                                    

CHAPTER THIRTY THREE

I watched the airplane fly by as its light blinked among the dark clouds and bright stars. It was already night time, but I decided to stay in the veranda. Ayoko kasi magkulong sa kuwarto ko, at magmukmok dahil baka mabaliw ako ng kakaisip. Napapansin ko kasi na panay na ang pagkahilo at pagsusuka ko, pero ayoko munang mag-isip ng kung anu ano lalo na't mas gusto ko munang makasal kami ni Matteo dito sa Pilipinas, bago pa kami mapunta sa ibang stage ng buhay mag-asawa namin. Gusto ko muna ibigay sa magulang ko ang kasal na they deserve para sa akin, bago ko pa sila bigyan ng ibang surprise. Baka kasi it would be too much to take for my Dad, especially that I havent finished college yet.

Hay! Nakakastress! Kung nandito ka lang Matteo, siguro mas makakapag-isip ako ng tama!Nasambit ko habang pinapanood ang mga bituin sa langit at ang eroplanong dumadaan.

The airplane reminded me of Matteo and his private plane. At dahil dito ay kinilig ang puso ko. Sino bang mag-aakala na magkakagustuhan kami ni Matteo, samantalang sa unang pagkikita pa nga lang namin noon ay nainis na ako sa kanya? Akalain mo ba naman agawan ako ng taxi gayong nakita naman niya na madami akong dalang bagahe noon? Natatandaan ko pa kung gaano talagang uminit ang ulo ko dahil nginitian lang ako ng sira ulong yon habang may kausap siya sa mobile phone, at sumakay ng taxi.

Nang magkita naman kami sa kasal ng pinsan niya, wala na siyang ginawa kungdi isahan, manyakin, at pikunin ako! Kaya naman hindi ko talaga ini-expect that we would find love at that time.

Pero kahit na hindi ko man sigurado kung bakit ba ako na-in love sa kanya, hindi ko rin naman malabanan yung nararamdaman ko para kay Matteo. Bastos man siya, sira ulo at manyak sa akin, pakiramdam ko kasi mahal niya ako. Pakiradam ko kasi sa kaibuturan ng aking puso, ito ang unang pagkakataon na sinubukan ni Matteo na magmahal ng totoo. I don't recall he ever told it to me, but his eyes spoke of it. His touch, kiss, and the tender yet passionate way he loves me speak of his vulnerability that he is not afraid to show to me. And I am honored by it. I am honored that he took the risk of opening his heart vulnerable to me because he loves me. At simula noon, kahit na naiinis pa rin ako sa mga sitwasyon na kinapupuntahan ko nang dahil kay Matteo, hindi ko naman maitatangi na lubos lubos at nag-uumapaw ang kilig ko sa bawat ginagawa ni Matteo para sa akin. And with that thought ay nakampante ang puso ko. Nagkaroon ng katahimikan ang kanina pang nag-aalalang puso ko. Pero muli kong naalala ang huling pag-uusap namin.

"Love, I said I'm going to marry you there. I just have to take care of Isabella, because I don't want her to make trouble. If she tries to hurt you again, I swear I'm going to put her in jail. But that would cause a rift between my family, and Isabella's father. This is why I'm talking to my family about my concern with Isabella---" naaalala kong sinabi ni Matteo sa akin, at nagpapasalamat naman ako sa kanya dahil ipinaliwanag niya sa akin iyon. It gave me assurance that no matter what Isabella does... kahit sedusin pa siguro siya nito, ay hinding hindi siya maagaw sa akin ni Isabella. Secured ako dahil iyon ang naramdaman kong pinaparating sa akin ng asawa ko. Pero naguguluhan ako sa pinadala niyang text message sa akin matapos ang pag-uusap namin sa mobile phone.

"Let's stop talking. Leave me in peace with my family."

Ano bang ibig niyang sabihin don? Hindi ko kasi maintindihan, pero gusto kong maunawaan. Gusto kong mapag-usapan namin ito. Ayoko munang magalit sa kanya na sinasabihan niya akong lubayan ko na siya at ng sinasabi niyang pamilya.

May iba kaya siyang pamilya? Napaisip ako. Pero kinastigo ko rin ang sarili kong naisip. Don't jump to conclusions! Hindi mo pa nakakausap ng masinsinan si Matteo.

Kaya nga gustong gusto ko na siyang maka-usap! Ppero paano? Dalawang araw ko na siyang pilit na tinatawagan pero nakapatay ang fon niya. Sinubukan ko na rin tawagan sina Rainbow para kay Maximillan, Jackie para kay Malik, at Pinkie para kay Marcus, para lang makapagtanong ako kung may bago bang number si Matteo, pero pati mga best friends ko ay nagtataka din kung bakit nagsi-uwian sa Brazil ang mga kapatid ni Matteo na wala man lang pasabi sa kanila.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now