40

3K 99 1
                                    

CHAPTER FORTY

Nagising ako sa pag-ring ng aking fon. Ang isa sa mga mommies ng mga inimbitahan kong bata para sa birthday party ni Tim ay nagko-confirm kung matutuloy ang party ng anak ko. I told them that the party I cancelled because something came up in our Laguna hometown at uuwi na muna kami ni Tim doon.

Pagkatapos ko magtatawag sa mga mommies ng mga batang ininvite ko sa party ni Tim, ay agad akong tumawag kay Mom to check on Tim.

"Anak, narito na sina Tim simula kagabi!" Tuwang tuwang sabi ni Mom. "Sobrang excited kami ni Dad mo at tinabi pa naming matulog si Tim. Ang kyut kyut niya, anak! Kahawig niya si Matteo... ay sorry, anak..."

"Mom naman," nasambit ko at napatawa. "Ako po ang kamukha ni Tim." Pagpilit ko kahit alam ko naman na si Matteo talaga ang kamukha ni Timothy. Carbon copy. Parang wala ngang namana sa akin. Ang lakas ng dugo ng mga Pontes! Hmph!

"Eh tanggapin na natin anak ang totoo. Buti naman at may magandang nagawa sa'yo yung asawa mo, kahit isa lang. Binigyan ka niya ng guwapong guwapong anak na puwedeng mag-artista!" Biro ni Mommy sa akin.

"Maganda naman ang lahi natin, Mommy!"

"Of couse, anak!" Mommy laughed.

"Eh Mom, hindi naman po ba naging pasaway si Tim kagabi? Kasi iyakin po yan sa gabi." Nahihiya kong tanong dahil baka napuyat ang mga magulang ko sa pagpapatulog kay Timothy.

"Hindi anak. Mukhang hiyang siya dito sa amin ni Dad mo." Masayang sabi ni Mom. "P-pero teka nga pala, ang sabi ni Yaya Lona ay pinauwi mo raw sila dito dahil nagkaproblema ka? At sinabi niyang ikaw na lang ang magsasabi sa akin kung ano yon? Ano nga ba iyon, anak? Nag-away ba kayo ni Joshua?"

"Mom, si Matteo kasi nahanap niya ako..."

"Ano?" Tarantang tanong ni Mommy. "Pero, teka, paano nangyari yon?"

"Hindi ko din po alam, Mom. But I'm worried that Isabella might trace me... trace Tim! That's why I sent Tim there. He's safer there, than with me, right now."

"Naku, anak! Nag-aalala ako sa'yo. Nasaan ka ngayon?"

"Nasa hotel po."

"Ganuon ba? Eh nasaan si Joshua? He's your fiancé. He's supposed to be there to protect you."

"Hindi ko po alam kung nasaan siya at ayoko na rin po alamin. Hindi naman po siya nagbago kahit kailan." Sabi ko. "Mom, hindi ko naman talaga gusto si Joshua. You know that. Si Dad lang ang may gusto doon dahil partner ni Dad ang father ni Joshua sa law firm. Pero kung tutuusin, Dad would not have restored the law firm at maging equal footing ulit sila ng Dad ni Joshua, kungdi rin dahil kay Matteo, na nirestore ang finances ni Dad..."

"Tatania, why do I have this feeling that you're in favor of Matteo than Joshua?"

"Mom, ang sa akin lang, ayokong makasal kay Joshua kaya huwag ninyo na ipilit yun sa akin. And please let's not talk about him anymore, because I've got a bigger problem. Matteo knows my whereabouts, and Isabella might find out soon kaya I need your help... I need Uncle Gerardo's help to escape Matteo and Isabella. Tim and I must go to a different location... mukhang hindi yata magandang idea na mag-aral ako kung ganito rin lang naman na magpapalit palit ako ng pangalan, just to ensure my safety and Tim' safety." I felt frustrated.

"Tiis ka lang anak. Maayos din ang lahat."

Napabuntong hininga ako. "Basta, ang importante lang sa akin Mom ay ligtas ang anak ko, at buhay ako dahil ayokong lumaki si Tim na walang Mama kaya kailangan kong protektahan ang sarili ko at si Tim." Naluluha kong sambit habang pinipilit din ang sarili kong magpokus kung ano nga ba ang importante sa akin, no matter whatever is happening.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now