15

5.7K 127 15
                                    

CHAPTER FIFTEEN

After the proposal at dinner event para kayla Gerard na pinsan ko at kay Shayla na kabarkado ko, tinawag na kaming lahat ng host na si Stacy Spencer. She was recommended by Rori, who is one my best friends. Stacy was the events organizer and host for Gerard and Shayla's bridal shower cum stag party, here in the US. Dito kasi naka-base si Stacy sa US as of now, kaya siya na ang kinuha nila Gerard and Shayla.

"To spice up the party," paliwanag ni Stacy. "I'd like to call on Gerard and Shayla here in front; and I'd like to ask the girls to fall in line a few steps away from Shayla."

Pumila naman kami nina Rori, Pinkie, Jackie, at ang mga pinsan namin ni Ardy na sina Karina at Dana.

"That goes for the 7 boys too." Sabi ni Stacy.

Pumila naman sa tapat ni Gerard ang mga lalake. Napatingin tuloy ako sa dako ng mga lalaking nakapila para sa game. Nakapila si Percival, ang mga Pontes boys, Dr. Mitch Felbaum na naging boyfriend ng ex ni Gerard na si Bianca, at ang kaibigan nito na ubod ng guwapo! Ang pangalan niya ay Dr. Dave Riley na isang veterinarian.Kinikilig nga ako eh kaya panay ang pasimple kong sulyap kay Dr. Dave Riley. Hihihi!

Pero sa tuwing sisimple ako ng tingin kay Dr. Dave Riley, napapatingin din ako kay Matteo, na kung makatitig sa akin eh parang mag-aamok ng away! Kakatakot! Kaya naman iniiwasan ko na lang tumingin sa direksyon ng mga lalake.

"The game is like Hangman with a twist." Umpisa ni Stacy. "We will ask Gerard and Shayla different questions about each other. This was based on the questionnaire we gave them separately. We asked them to choose to answer questions that they are comfortable to answer. If Shayla gets to answer the question correctly, the boys on Gerard's team would have to strip one item from their body. Likewise, if Shayla answers incorrectly, her team would have to drink 1 full shot glass of Vodka. The game will end when all of the members of one team have nothing else to strip from their body. Don't worry, when you don't have anything else to strip off from your body, we will provide you with something to cover yourself with. So, shall we start the game or you want try it out first?" Nakangiting sabi ni Stacy kay Gerard at Shayla. "This is exciting!" Anito at sumulyap kay Percival na oblivious sa mga flirtatious na tingin ni Stacy.

"Please give an example, Stacy." Nirequest ni Shayla.

"Okay. Here's a question for you, Shayla. What is Gerard's favorite food?"

"Oh, that's easy! Congee!" Sagot ni Shayla.

Tumingin si Stacy kay Gerard. "Is that right Gerard?"

"No," biro ni Gerard at excited nagsigawan ang mga boys. "Shot! Shot! Shot!"

Parang gusto ng mga lalaking malasing kaming mga girls. Mga sira talaga yun! Buti na lang si Papa Dave, hindi nakikisali sa mga Pontes boys.

Pinanood ko si Dave. Ang kyut kasi niya ngumiti! Hihihi! Kaso, napansin ko lang, panay ang tingin ni Dave kay Shayla. Feeling ko tipo ni Dave si Shayla.

Oo, maganda talaga si Shayla, pero buntis na ang kaibigan ko, Papa Dave! Kaya ako na lang ang magustuhan mo, pls? At saka isa pa, asawa na siya ng pinsan ko 'no? Wag ka na makigulo, okay, baby Dave? Pakiusap ko kay Dave sa isip ko, at nag-beautiful eyes pa dito kahit hindi naman nito nakita ang ginawa ko.

Pero napalingon ako kay Matteo. Pinapanood pala niya ako, at kitang kita ko ang matalim na tingin niya sa aken. Tiningnan din niya si Dave, bago ulit bumaling ng matalim na tingin sa'ken. Humalukipkip ako ng kamay at inismiran si Matteo. Hindi naman siya natinag, kaya nagsalita na ako.

"What's your problem?" mataray kong sambit, kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig. Bahala siyang basahin ang bibig ko. Hmp!

"Ok boys, settle down." Ani Stacy. "Based on the questionnaire we gave Gerard and Shayla, Shayla is right."

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now