44

3.1K 108 7
                                    

CHAPTER FORTY FOUR

Halos mabiliw ako nang malaman ko na kinindnap si Tim. Parang isa itong masamang masamang panaginip! Ang tanging dasal ko ay sana hindi na lang ito nangyayari sa amin. Sana isa lamang itong panaginip at magigising na ako any moment now.

Pls... Lord! Please, I beg you, tell me this isn't really happening. Dasal ko habang papasok ako ngayon sa kuwarto ng magulang ko kung nasaan naroon ang mga gamit ni Timothy. Hinaplos ko ang huling damit na suot ng anak ko at nakita ang mga nagamit na mga bote ng gatas nito.

Naisip ko kung kamusta na ang anak ko ngayon. Nagugutom kaya siya? Umiiyak kaya siya? Naiinitan ba siya? Puno na ba ang diaper niya? At sa pag-iisip ko ay lalo akong nag-alala at naiyak. Kailangan ako ng anak ko. Kailangan niya ako. Kailangan mahanap ko na siya sa madaling panahon. Hindi ko kayang mag-intay kahit kanino para bigyan ako ng balita tungkol sa anak ko. Kailangan ko ng gumawa ng paraan, ngayon din.

Lumabas ako ng kuwarto at hinanap si Matteo dahil nakikipag-usap siya sa mga pulis at sa pamilya ko tungkol sa kung paano mate-trace ang kasalukuyang lokasyon ni Timothy at ang bagong driver na kamakailan lamang ay nag-apply sa aming pamilya.

Natagpuan kong nakikipag-usap si Matteo kay Uncle Gerry, habang nakikinig naman si Ardy na pinsan ko sa may kusina habang nagkakape ang mga ito.

Ngayon ko nga lang nalaman na coffee drinker pala si Matteo. But what caught my attention was how pensive and dark he looked as listened to Uncle Gerry who just got information from his phone about the possible location of Timothy.

Narinig ko din sa pag-uusap nila na maaring hindi pumuntang NAIA ang kumuha kay Timothy, kungdi nagbangka ito papunta sa ibang kalapit na bansa, at duon sasakay ng eroplano papuntang Brazil.

"It is difficult to find Timothy especially that the kidnapper may have used a different route to exit the Philippines..." paliwanag ni Uncle Gerry kay Matteo.

I observed that Matteo was obviously worried, but his face was saturnine and swarthy. "It's going to be a long travel..." nasambit ni Matteo habang nag-iisip. "The best thing to do is to take her bait..."

"You mean you're going to Brazil?"

"Yes," "I'm going to the location she told me to go."

"You realize that there's a possibility that this is only a trap, Matteo."

"I'll take my chances..." "I know all Isabella wants is for me to be with her. If it's true that she ordered someone to take Timothy and bring him to her, at least I would have the chance to save him."

"And if she's not saying the truth?" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Napatingin tuloy silang tatlo sa akin. Saglit akong nakaramdam ng hiya dahil nakikinig ako sa usapan nila, pero hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. I had to speak up. "What then? You will get stay with her?"

"Love," lumapit sa akin si Matteo. Nakita ko ang pakiusap sa mata niya na parang gusto niyang maintindihan ko na kailangan niya itong gawin para mailigtas si Timothy. "Of course I will find a way to go back to you."

"Paano kung hinde?" agad kong sagot. "Paano kung trap lang pala niya ito?" I couldn't contain the frustration, worry, and anger I was feeling. "Paano kung hindi na kayo makabalik ni Tim?"

Matteo immediately closed our gap, and embraced me. That's when I only realized na nanginginig ako at umiiyak na.

He cupped my face, trying to make me look into his eyes. "Look at me, love. I will come back. I will bring back Timothy to you."

"Love, baka mapaano ka!" Iyak ko sa kanya, bago bumaling kay Uncle Gerry at Gerard. "Please pigilan niyo siya, Uncle! Ardy, please kumbinsihin niyo siya na huwag na bumalik kay Isabella... na hahanapin naming dalawa si Tim. Kaming dalawa." I cried, then turned to him. "We will look for Tim, together. Please, love. I don't want you to go back to her! I just cannot take it anymore! All of this is too much! Too much!" I cried hysterically. "All I want is to have my son back! But I don't want to lose you, too!"

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now