38

3.1K 103 4
                                    

CHAPTER THIRTY EIGHT

"Anak, kamusta ka na kayo ni Tim?" tanong ni Mom habang naglalakad ako sa hall ng UP Baguio papunta sa internet shop malapit sa school. Duon kasi ako magre-research at magpi-print ng isa sa mga assignment ko dahil ayoko na siyang gawin pag-uwi ko ng bahay.

"We're good, Mom. Kamusta na kayo ni Dad? Si Kuya Shawn and family kamusta na rin?" masaya kong tanong sa mobile fon. "Mom, bukas nga pala 1 year old na si Tim!" Excited ko pang dagdag.

"Oo nga. How time flies? I'm so excited to get photos of you and Tim! Pikturan mo ang birthday party niya bukas ha para naman pakiramdam namin ni Dad mo eh kasama rin kami na nag-celebrate ng party ng apo namin!"

"Yes, Mom, I will. I'll send them to you tomorrow afternoon. I will just go to an internet shop to send them." Sabi ko.

Kahit na may internet naman ang ofc ni Joshua, sa ibang lugar pa rin ako nagi-internet para kung sakali lang man ay walang trace pa rin kung nasaan ako nakatira. Iba na kasi ang technology ngayon. Madali ng mahanap ang mga tao, kaya kailangan mag-ingat.

"Siya nga pala, anak. The reason why I called is because I'd like to update you that your Uncle has already sent the divorce papers to Brazil last week."

I don't know how I would feel at hindi rin ako nakapagsalita. Si Dad ang may gusto na ma-divorce na ako kay Matteo. Katwiran niya, bakit patatagalin pa namin ang pagkatali ko kay Matteo gayong may pamilya na ito. At isa pa ay gusto na ni Dad na makasal ako kay Joshua para makasigurado daw sila na kahit anung mangyari ay may kasama ako sa buhay at may kalalakihang kumpletong pamilya ang apo nilang si Timothy.

"Are you still there, anak?" tanong ni Mom.

"Yes, Mom. Still here."

"Oh, bakit bigla kang naging matamlay?"

"Si Mom naman. Hindi po..." tanggi ko.

"Hay, anak... itimo mo sa iyong isip na it's over between you and Matteo. In fact, it's so over because I found out from Shayla that she learned from Matteo's brothers that he and Isabella are getting married."

"How can that be eh kasal ako sa kanya?"

"Pag gusto, may paraan. Pag ayaw, maraming dahilan, anak..."

Nanlamig ang katawan ko sa balita, at pakiramdam ko ay kinukurot ng pinong pino ang aking puso, pero pinigilan ko. Pati pag hinga ko ay inunti unti kong inihinga para hindi mahalata ni Mom ang pakiramdam ko.

"O siya anak. Delikadong magtagal tayo sa mobile fon. Mahirap na. Mag-ingat kayo ni Tim, okay?"

"Yes, Mom." Pinilit kong masayang sabihin.

"I love you anak. We love you and Tim."

"We love you so much and miss you Mom."

Pagkatapos namin mag-usap ay nagmadali akong pumunta sa internet shop, at nag-browse ng internet. Sumubok lang ako kung may mahahanap akong any article tungkol kay Matteo.

At may nakita nga akong article tungkol kay Matteo--- at sa Facebook pa talaga! Kay Isabella na Facebook account yun, at hindi ito naka-private. Sa pakiwari ko ay sinadya talaga ni Isabella na isapubliko ang Facebook nito. Binasa ko ang shout out niya.

"We're finally going to be officially married, Matteo Pontes." – w/ Marcus Pontes, Max Pontes, Malik Pontes, Shayla Milena Ponce

I clicked Matteo's name na naka-tag sa shout out. Kahit nanlalamig at parang yelo ang mga kamay ko, ay pinindot ko pa rin ang pangalan ni Matteo, pero it didn't lead me to his facebook account kaya I just typed his name in the search bar pero hindi pa rin successful.

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now