25

3.9K 115 4
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

BAHAGYA akong nagising nang maramdaman ko ang pag-angat ni Matteo ng kanyang katawan sa akin. Pero hindi ko na mamulat ang mata ko. Antok na antok na ako. Pero dahil sa nahihiya pa rin ako sa posisyon ko sa kama, kinuha ko ang unan ni Matteo at itinakip ko sa katawan ko habang nakatali pa rin ang paa ko. Hindi ko na kaya pang bumangon para alisin ang tali sa paa ko. Pakiramdam ko, para akong jelly. Nanlalambot na talaga ako. Hindi ko kineri ang trip ni Matteo. Itali daw ba ako? Kakaloka talaga itong si Matteo- ang asawa ko.

Shucks, ganap na akong Mrs. Pontes! Totoo ba talaga ito? Grabe talaga! Hindi ko alam kung ano ang mangyayaring susunod. I'm just living by the moment—this moment... this super special moment in my whole life. Sayang nga lang at wala ang mga mahal ko sa buhay to share it with.

Hay! Ayoko muna isipin iyon dahil ayokong malungkot. Ayokong masira ang moment na ito with Matteo. Sinubukan ko na lang huwag mag-isip, at nakatulong naman ang sobrang pagod ko, kaya napapa-idlip na ako, hanggang sa naramdaman kong nasa may paanan ko na si Matteo, at tinatanggal na niya ang tali sa paa ko. Naramdaman ko din na tumabi siya sa akin at tinakip ang kumot sa aming dalawa, saka ako pinahilig sa braso niya at niyakap.

I felt so warm, intimate, cozy, and safe. Parang lahat ng mga pinoproblema ko sa buhay, nawalang bigla, habang yakap ako ni Matteo sa mga bisig niya.

I rested my face on his neck, and smelled his manly, sexy perfume. Grabe! Kinikilig ako! Totoo ba talaga ito? Ang sarap ng pakiramdam na kapiling ko na si Matteo ngayon. Paksheyt talaga sa kilig! Winner! Ayi!

Naramdaman kong gumalaw ang katawan ni Matteo. Parang natatawa siya. Minulat ko ang mga mata ko, at nakitang pinagmamasdan niya ako. Actually, pinagtatawanan niya ako.

Siyempre napahiya ako at nainis sa kanya. "What's so funny?" mataray kong tanong, kahit inaantok ako.

"You were smiling wide like your giggling. Are you giggling?" he said as he chuckled.

Waah! Nahalata pala niyang kinikilig ako! Akala ko pa naman nanaginip lang ako dahil half asleep na ako nang makapag-isip isip ako tungkol sa pagkakilig ko sa kanya! Kakainis naman! At dahil sa pikon ko, kinonyatan ko siya.

"That's for laughing at me!" Asar kong sabi nang natatawa niyang sinapo ang noo niya. Kinonyotan ko tuloy ulit siya. Hindi ko lang talaga mapigilan! "And that's for tying me on the bed!" Sabi ko, nang biglang mag-ring ang fon. Nagkatinginan kaming dalawa.

Nakita ko sa mukha niya na parang nagtaka siya na may tumatawag sa telephone ng hotel room namin. Sinagot niya ito at nagsalita in Portuguese. Nabanggit niya ang pangalan ni Marcus, at mas lalong sumeryoso ang mukha niya. Ibinababa niya ang receiver at tumayo sa kama.

"Where are you going?" tanong ko and sat up from bed. Hindi ko na nagawang tumayo pa dahil nanghihina pa rin ako, at nanakit ang balakang ko.

"It was Marcus." Kinuha niya ang kanyang brief at pantalon at sinuot ito sa harap ko.

Siyempre nakita ko yung kabuuan niya, at by reflex, napatakip ako ng mukha. Pero naisip ko, "Ano ba'ko? Pa-virgin?" kaya naman dahan dahan kong ibinababa ang mga kamay ko at tinitigan na lang ang mukha niya.

He just gave me a lopsided grin, picked up his long sleeves on the floor, and sat beside me. "You'll see more of me like that, so get used to it, meu amor." He said and planted a light kiss on my nose, as he wore his long sleeves.

"Where are you going?" I asked as I helped him button his shirt.

"There's an emergency." He shortly said, and looked at me as if he didn't want to leave.

"I will come with you, right?" I asked.

Saglit niya akong tinitigan, at marahang hinawa ang strand ng buhok ko na bahagyang tumatakip sa kaliwang mata ko. "It's best that you stay here at the hotel."

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now