1

11.4K 177 7
                                    


CHAPTER ONE

NAME: TATANIA HEATHER SMITH SIA

COURSE: LAW

YEAR: FOURTH YEAR

SEMESTER: SECOND

UNITS: 21

SUBJECTS & GRADE:

CIVIL LAW II- 4

COMMERCIAL LAW- 4

REMEDIAL LAW REVIEW- 5

PRACTICE COURT II- INC

ELECTIVES (International Information Technology Laws )- INC

Paulit ulit kong tinitigan ang pinadala ng school via telegram na naka-address sa Daddy ko. Kahit pala sinasadya ko, masakit din pala kapag nakatanggap ng failing grades. Sa buong buhay ko, ngayon pa lang ako nagkaroon ng failing marks at sinasadya ko pang gawin iyon dahil galit ako sa Daddy ko. Matapos kong mabasa ang grades ko ay iniwan ko na ito sa desk ng opisina niya, at bumalik na sa kuwarto ko.

Kinagabihan, dumating si Dad sa bahay at dumirecho ito sa opisina nito, dahil wala naman sasalubong sa kanya maliban sa mga helper.

Matapos kasi naming malaman ng harap harapan ni Mommy ang pangbabae ni Dad at ang paglustay nito ng pera at ari-arian sa gambling ay natabangan na si Mommy sa kanya at hindi na siya kinikibo. Natutulog si Mommy sa guest room, at lately ay narinig ko na planong umuwi ni Mommy sa US bago matapos ang taon, dahil American si Mommy. She said she misses her home and her family there. Sa isip ko, eh ako? Paano ako? Diba't pamilya rin naman ako? My older brother, on the other hand, is a doctor by profession, but is now in the US Navy. That's where he met a Saudi Arabian princess, and they fell in love. They now reside in the US with their two kids. Kamuntik na ngang mapatay ang brother ko dahil sa kapangahasan nitong magmahal ng stow away na Arabian princess. Mabuti na lamang at kamag-anak namin ang Presidente ng Pilipinas at US Navy si kuya Shawn kaya naman hindi siya na-beheaded.

Napabuntong hininga ako. I miss my kuya so much. He's my best friend forever! And, now, my devastated mom is returning to her country. I guess, she is filing for a divorce. Ako naman, tahimik lang, but I've got so much anger inside. I was so angry with Daddy.

"Where's Tatania?" dumagundong ang boses ng daddy ko habang tinatanong nito sa helper kung nasaan ako. Nakita na siguro nito ang grades ko at alam kong galit siya dahil gusto niya akong maging lawyer.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit naging doctor ang kapatid ko. My brother obeyed my father's wish na mag-aaral ng medisina, at ako naman ay abogasya. I initially followed my father's will pero iba ang gusto ko. My dream is to be a teacher. Ang layo diba?

Naupo ako sa hagdan upang palihim na makinig sa galit niyang boses, nang makita ako ni Dad at napatigil siya sa pag-akyat ng hagdan. Nakasunod naman ang Mommy ko na nag-aalala dahil galit na galit sa'ken si Daddy.

As soon as he saw me, he almost chased me up the stairs and grabbed me by the arm. Pinagalitan niya ako at sinabihan na mag-summer class ako.

"No." Pagtanggi ko. "I have a wedding to attend this summer, at importante po sa'ken ang wedding na iyon." Nagmamatigas kong sabi.

"Paano ka matatapos sa pag-aaral? Kapag hindi ka nakahabol, next year ka na makakapag-review para sa bar exam." Galit na paliwanag nito na para bang ang tanga tanga ko at hindi ko pa alam iyon.

"I never liked that blasted course! Ikaw lang naman ay may gusto nun para sa'ken!" Galit kong sagot, at mabilis na dumapo ang kamay ng Daddy ko sa'ken.

Napasapo ako sa pisngi ko at tahimik na umiyak habang hawak ni Daddy ang mukha ko paharap sa kanya.

"Hindi kita pag-aaralin kung hindi law ang tatapusin mo! Anong mangyayari sa pagti-teacher mo? Saan ka pupulutin ng sinasabing mong marangal na trabaho? Sa kangkungan!" Nanggigil na sabi ni Dad. "Sa ayaw mo't gusto, mag-aaral ka ng law. Tatapusin mo ang kursong ito. Magba-bar exam ka. Magiging lawyer ka, at magpapakasal ka kay Joshua Sycip!" My controlling father said.

Pasalamat si Daddy at tinuruan pa rin ako ni Mommy na rumispeto sa kanya, despite his being a womanizer, a gambler, and controlling father.

Alam ko na kaya niya ako gusto maging lawyer ay dahil ayaw niyang mapunta lang sa iba ang tinayo niyang law firm, dahil pinaghirapan niya iyon itaguyod. He worked hard to establish his law firm and become one of the respected and cunning law firms in Manila.

And I understand that. I understand where he was coming from, pero ayokong sumunod sa kanya. Aaminin ko nagrerebelde ako dahil sinira niya ang tiwala ko sa kanya. I used to be a daddy's girl. I believed everything he said, but when I saw him womanizing and gambling with my very own eyes, my world crashed. I used to look up to him. But he ruined my image of him as the best dad any girl could have. And it hurts. It hurts that he broke my heart. He broke my mom and the family's hearts.

Kung tutuusin, puwede ko naman siyang hamunin at sabihan na huwag na niya akong paaralin kung ayaw niya. At isa pa ay hindi ko rin naman siya pinipilit! Siya lang naman ang mahilig mamilit! Pati ang pagpapakasal din ay pinipilit niya sa'ken. Yes, aside from forcing me to go to law school, he was also forcing me to get married by the age of 20 years old to the son of his best friend na may ari naman ng isang kilalang accounting firm.

When I found out about the setup, sobrang sama ng loob ko kay Dad. Pakiramdam ko para lang akong isang bagay na ite-trade for a better opportunity or business transaction.

Nalaman ko din sa Mommy ko that she's planning to leave my father, which I think she should. But a part of me was so hurt that this was happening to my own family. Masamang masama ang loob ko kay Dad at gulong gulo na ako sa sitwasyon ko kaya kailangan ko rin umalis dito sa bahay. I need to escape from all of this, kaya kahit na hindi ako pinayagan ni Daddy na pumunta ng US to attend my cousin and one of my best friend's wedding this coming May ay tumuloy pa din ako.


Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now