17

4.9K 129 15
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Sinubukan kong hubarin ang pantalon ni Matteo pero hindi ko kinaya hilahin ang kaniyang pantalon. 

Ang bigat pala ni Matteo! Naisip ko tuloy yung mga pagkakataon na he was on top of me, hindi naman ako nabibigatan sa kanya. Yun pala, kinokontrol lang ng braso niya para hindi ako mabigatan? Hindi ko alam kung mata-touch ba ako o lalo akong maiiskandalo sa demi-god na ito.

Kahit nahihilo ako at parang napapapikit ang mata ko, pinilit kong kunin ang plastic sa ilalim ng kama ni Matteo na kaninang umaga ay palihim kong nilagay dito. Inilabas ko ang nanny uniform at ang super glue tapos tinanggalan ang suot na polo ni Matteo.

Kahit hirap na hirap ay natanggal ko naman ang polo shirt niya pantalon pantalon niya. "Must to my mission..." remind ko pa sa sarili ko habang binubuhos ang aking lakas sa paghila sa kaniyang pantalon.

Ngunit, sa pagkakita ko ng kabuuan niya ay kinilig ako at mahinang tumili. Guwapo na matipuno pa ang katawan!

Napakagat ako sa mga kuko ko habang tinitigan ang katawan ni Matteo. Napaisip tuloy ako.

Ang yummy! Tulo laway! Nakakabaliw! Rapin ko kaya 'to? Sayang kasi ang pagkakataon!

Hindi kinaya ng eyes ko titigan ang katawan ni Matteo! 

Totoo ba to? Pumikit ako ng mariin. Paksheeeeeyt ang katawan nitong lalaking ito! 

"My eyes! My eyes sinned!" Nasambit ko habang pinipilit na huwag tumingin sa kabuuan ni Matteo. Nadedemonyo kasi ang isip ko! Sine-seduce ako ng katawan ni Matteo! Kasalanan ito ni Matteo! Huhu!

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Kanin! Kanin! Grabe!" Naisip ko at nahiya ako sa sarili kong sinasabi. Hindi ko napigilan at sinampal ko ang sarili ko sa kahihiyan para matigil na ang kalokohan ko. "Aray!" hikbi ko na bahagyang natauhan. I deserve it naman dahil parang manyak lang ang peg ko!

Itinuloy ko na lang ang pag-suot ng damit sa kanya. Pinilit kong iiwas ang tingin ko sa katawan ni Matteo habang binibihisan ko siya ng nanny uniform na ayaw sumara sa laki ng chest nuya.

Hindi ko na pinilit pang magsara ang damit ni Matteo. Kinuha ko na lang ang super glue at ibinuhus sa buong chest niya, habang ang mukha ko ay nakatingin sa bintana para hindi na ako maka-isip ng kahit ano, lalo na ang chansingan si Matteo.

"Hahaha! Ang balbon mo pa naman!" Napapatawa kong sabi habang nilalagyan ng superglue ang buong dibdib ni Matteo. Pero habang nilalagyan ko siya na hindi nakatingin sa katawan niya ay napansin kong umiikot ang paligid at hindi ko mapigilan ang mapapikit hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising lang ako ng narinig ko ang malakas na boses ni Matteo. Nagmumura siya in Portuguese. Kahit hindi ko naintindihan, alam kong nagmura siya. Saglit akong na-disorient kung nasaan nga ba ako, at nang bahagya akong mayugyog ni Matteo sa pagpilit niyang bahagya akong itulak papalayo sa kanya, ay na-realize kong nakapatong ako kay Matteo at nakadikit ang mukha ko sa may bandang abs niya.

"F***! @*^+{} &&()%!" Napasigaw si Matteo nang maramdaman nito na nakadikit ang mga balahibo nito sa mukha ko.

"Will you stop cussing!" Asar kong sabi sa kanya habang pinipilit din na ilayo ang pisngi ko sa abs niya. "Parang brazilian wax lang yan 'no!" Sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko ang mabilis na baba taas ng tiyan ni Matteo kaya nayugyogyog ang ulo ko.

"I do Brazilian wax, and it's not as painful as having my skin ripped off. And besides, I need to pee. Now." Sagot niya sa akin.

"Pee?" nanlaki ang mata ko.

Paano nga naman siya iihi kung magkadikit kaming dalawa? At paano rin ako iihi kung nakadikit ako sa kanya?

Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now