10

5.5K 122 5
                                    

CHAPTER TEN

"Thank God hindi kayo nasaktan." Sabi ni Rori habang kausap ko siya sa fon. "Pero if an hour after pa darating ang back up car, baka ma-late kayo ni Matteo kasi until 4:00pm lang yung venue." Paliwanag nito.

Tiningnan ko ang oras at 2:45pm na kaya tinanong ko sa driver kung gaano pa kalayo ang venue at kung may dumaraan bang sasakyan dito sa lugar na ito. Sinabi ng driver na 5 kilometers pa daw ang layo ng venue at kaya raw lakarin within thirty five minutes.

Thirty five minutes? Medyo matagal tagal na lakaran yon, ha? Kakaloka! Kaya naman I decided na mag-intay muna ng 15 minutes baka kasi may dumating na sasakyan. Kapag mayroon, makiki-hitch ako. Nag-intay kami ng mga 15 minutes pero walang dumaraang mga sasakyan, kaya naman nagdesisyon na akong lumabas ng kotse at hindi na hintayin ang back up na sasakyan.

"Hay, Shayla at Gerard, kungdi ko lang kayo mahal, nungka maglakad ako ng 5 kilometers! Huhu!" Nasambit ko at nag-stretching na ng mga paa ko. Mabuti na lang at naka-flat shoes ako! Si Matteo naman ay sumunod sa'ken. Lumabas na din siya at lumapit sa'ken. Napatingin ako sa suot niyang sapatos. Mabuti pa siya naka-rubbershoes.

"What do you plan to do? Walk?" tanong ni Matteo na natatawa.

"Yes." Mataray kong sagot at inirapan siya bago pinuntahan ang driver ng sasakyan, para magbilin na kapag dumating ang backup car ay pasunurin sa amin sa venue para ihatid kami pauwi mamaya.

Matapos kong magbilin ay isinukbit ko ang aking bag at nagsimulang maglakad. Sumunod naman si Matteo from behind. Dahil nakasunod siya, na-conscious ako sa kanya kasi parang pinapanood niya ako maglakad. Hinuli ko nga eh, para makumpirma.

"Gotcha!" I said as I quickly turned.

Napatigil siya sa paglalakad habang may ginagawa siya sa mobile phone.

"What?" takang tanong niya.

"Ay, pahiya ako! Akala ko kasi..."

"What? Are you thinking that I'm checking you out behind your back?" natatawang tanong ni Matteo na ikinamula ko naman. Tumalikod na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Sumabay sa paglalakad sa akin si Matteo. "Well, you're right," aniya at pinakita sa'ken ang isang video. Vinideo niya ng malapitan ang behind ko!

"Matteo!!!" Asar kong sigaw at bigla siyang kumaripas ng takbo palayo. And by instincts, hinabol ko siya sa asar ko. Pero hindi ko siya maabutan dahil ang bilis niya tumakbo, at naka-rubbershoes siya, samantalang naka-flat shoes ako. Ramdam na ramdam ko kayo ang mga bato sa talampakan ko. Huhu! Kaya naman sa inis ko, pumulot ako ng maliit na bato at pinatama sa paa niya. Pero nagulat ako nang magaling maka-iwas ang loko loko! Oo nga pala, sinabi sa'men ni Shayla na mahilig pala sa football ang Pontes boys katulad ni Percival kaya magkakasundo ang ma loko loko at mabilis tumakbo. Grrr!

"Bahala ka sa buhay mo!" Asar kong maktol habang nagmartsa sa paglalakad. Gumawa ako ng sarili kong linya para hindi kami magkasabay. Pero siya naman itong lapit ng lapit.

"Ugh! Ang kuleeeet!" Asar kong sigaw as I tugged my shoulder at sinubukan ihampas sa kanya iyon, siyempre, to no avail pa rin. Kaasar!

"Okay, I'll stop bugging you." Aniya nang masalo ang bag ko at sinabayan na ako sa paglalakad. He gave me my shoulder bag at kinuha ko ito sa kanya ng padabog. Saglit kaming natahimik habang naglalakad.

Hay salamat, katahimikan!

"You're one of a kind, my love." Binasag ni Matteo ang katahimikan.

Ako naman napasimangot. Ano naman ang ipang-aasar na hirit niya sa'ken?

"You'll do anything for people you care about." Komento niya habang naglalakad kami.

I ignored yung term of endearment niya sa'ken kahit a part of me was feeling all kilig sa sinabi niya. At dahil sa ayaw kong makita niya akong mag-blush, mabilis akong lumakad para maunahan ko siya.

"Have you heard of breeze walking" He paced with me. "If you do that, you won't tire easily." Sabi niya na relax na relax lang sa paglalakad. Palibhasa matangkad siya at mahaba ang mga biyas niya kaya ang isang hakbang niya eh dalawang hakbang ko. Kakaloka!

Hindi pa din ako nagsasalita. Tuloy lang ako sa paglalakad ng maramdaman kong may pumatak sa mukha ko.

"Eww! Eww!" Nandidiri kong iwas habang pinupunasan ng kamay ko ang patak.

Akala ko kasi kung ano yung bumagsak. Malay ko ba kung ipot ng ibon yon o whatever.

Natatawa niya akong hinawakan dahil mabato ang gilid ng kalsada na nilalakaran namin.

Habang naglalakad naman kami ay biglang kumidlat na pinaka-ayaw ko sa lahat. I'm terrified of thunder lalo na nang makapanood ako sa television nung kabataan ko ng namatay dahil sa kidlat.

"Waah!" Sigaw ko at napakapit sa kanya. Paano naman kasi kakaiba ang kidlat dito. Parang ang lapit lapit lang ng sa'min, tapos sabay may nimbus cloud na paparating.

Oh no! Wagas na wagas talaga ang kamalasan ko ngayong araw na ito! Mukhang makakarating pa kami sa venue na parang mga basang sisiw! Huhu!

Hindi ko alam kung anong meron ngayon araw na ito pero ang lakas lakas ng ulan at putik putik na ang sapatos at binti ko. Tapos nadudulas dulas pa ako sa putik. Si Matteo naman ay panay ang alalay sa'ken pero tinatanggal ko ang braso ko sa kamay niya.

"I can manage, Matteo." Naiinis kong sabi.

Sa totoo lang, naiimbyerna talaga ako kasi nga basang basa na kami ng ulan at parang walang katapusan ang tingin ko sa high way. Naiiyak na nga ako sa frustration. At sa kakaiwas ko kay Matteo ay nadulas ako at gumulong gulong pababa ng matarik ng road.

"Tanya!" Sigaw ni Matteo at mabilis na humabol sa'ken. Ako naman tumili ng bonggang bongga habang gumugulong gulong pababa.

Nang makarating ako sa pinakababa ay napaupo ako at napalubog sa baha na sa tingin ko ay hanggang ankles ko lang naman. Pero I looked at my dress, my hands, and legs and I was soaking went, and filled with mud! Napaiyak na talaga ako ng tuluyan in frustration.

Tapos, napatingin ako sa bandang taas at nakita ko si Matteo na parang nadapa at pa-slide na papunta pa sa akin. Napatili ako at pinang harang ang mga kamay ko para mapigilan ang pagsalpok ni Matteo sa'ken.

Pag-slide niya sa'ken ay saktong napunta ang mukha niya sa pagitan ng mga hita ko at ako naman ay halos mapahiga sa impact niya sa'ken.

Tumama ang mukha niya sakto dun sa pagaari ko. Mabuti na lang kahit papaano nagsilbing cushion ang bandang bottom ko dahil ang posisyon namin ay parang he was giving me an oral!

Iniangat niya ang mukha niya ang gasped for air tapos pinunasan niya ang kanyang mukha dahil parang nalunod siya sa pagbagsak niya sa pagitan ng mga hita ko at sa baha. Nakuha pa niyang ngumisi nang iangat niya ang mukha niya.

"Ano ka ba?" pikon kong hampas sa braso niya.

"You saved me!" Nakangiti niya pang sabi, habang nakadapa pa din sa pagitan ng mga hita ko. Tapos pinatong niya yun' chin niya sa may bandang puson ko.



Falling Like A FoolWhere stories live. Discover now