Chapter 41

40.3K 1K 2.1K
                                    

Chapter 41

Mother

Days passed and I was told that my mother has already arrived back here. Nasa tabi ako ng lamesa ni Zoren nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Daddy.

Fr: Daddy

Your mom is back. Check your email, please?

Bumuntong hininga ako at binuksan ang personal email ko. Bumungad kaagad sa akin ang Mensahe ni Mommy. Lumununok ako at sumandal sa aking upuan. Naramdaman ko ang mata sa akin ni Zoren.

"Problem?"

Umiling ako. "Mom is back. At may email siya..."

"What did she say?" he asked with his worried tone.

Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong niya dahil binuksan ko na 'yong email.

Good morning, Anak.

Yon palang ang nabasa ko, bumigat na ang dibdib ko. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa...

Your father said you agreed to meet me. I'm already back, and I hope to see you soon. I know I've made a terrible mistake; no words could make it right. I'll hear you out, Kesian. Let me hear everything you want to say. Let me be a mother to you again, and to Kenzie. I love you. I always love you both.

Kahit nabasa ko na nang paulit-ulit, naiwan ang atensyon ko sa screen ng computer. I kept on breathing deeply to gasp for air. Tumango ako at pilit na ngumiti. This is already the start... I have to move on.

"I'll meet her..." I whispered and looked at Zoren.

He has been watching me since then. I smiled to assure myself that I am fine. Seryoso lang siyang nakatitig. I replied to my mother. Sinabi ko kung saan kami magkikita at kung anong oras.

Nagtitimpla ako ng kape sa office namin ni Zoren nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa likuran. I sighed and stopped mixing the coffee. Kinuha niya ang kamay ko at kinulong ng mga palad niya.

"I'll be with you... Don't stress yourself out," he whispered, and I nodded.

"I'm just a bit nervous. Kahit pinaghandaan ko na, hindi pa rin mawala yung kaba at takot sa dibdib ko..."

Tumango siya. "After this, everything will be lighter, alright? I promise you that..." humalik siya sa gilid ng noo ko kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Alam ko naman na pagkatapos ng pakikipag-usap ko kay Mommy, magiging maayos na ako. Sa tagal na panahon na wala siya sa tabi namin, may parte sa sarili ko na tanggap ko na, at sanay na na wala ang presensya niya.

Magiging okay rin ang lahat.

"You will really meet her?" malamig na tanong ni Kenzie nang pumunta ako sa bahay bago makipagkita kay Mommy.

Tumango ako. "I think it'll be better for me... At isa pa, kaya ko nang harapin siya."

Tumango rin siya. Wala na si Daddy kaya nakausap ko na lang sa cellphone kanina. He just assured me if I'm okay with it.

"Ako, hindi pa... Sana kung handa na ako, hindi niya pa ako nakalimutan," she laughed bitterly and sighed. "Taas na ako. Naghihintay si Ashi roon..."

Tumango ako nang malungkot. I watched her walk slowly upstairs, na parang wala sa sarili. Bumuntong hininga ako at narinig na ang busina sa labas ng bahay. Susunduin kasi ako ni Zoren at sabay kaming pupunta sa park, kung saan kami magkikita ni Mommy.

Paglabas ko, nakabukas na ang pinto. I hugged and kissed him for a moment. Ngumiti ako samantalang winawari niya ang pakiramdam ko. I widened my eyes to assure him that I'm all right.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon