Chapter: 34

30 4 2
                                    

"Umamin sayo?!!"

Nandito kami nila Gabby sa office ko and as usual ang ingay na naman nila, kinuwento ko kasi sakanila yung mga nangyari kagabi

"Like lang naman, he didn't said love" pag lilinaw ko bago umirap

"But he likes you! Oh my! So kayo na?"

"Anong kami na? Hindi no"

"Asuss, pareng clark nandun ka ba?"
Inakbayan ni Kit si Clark

"Umuwi na ako pagkatapos namin sa neon lights" Tanging sagot ni Clark sakaniya

"Pero maiba ako, so pinapalayo ka nung bruhang Anikha na yon ganon?" Taas kilay na wika naman ni Dana

"Lalayo ka?" Tanong naman ni Gabby

"Hindi ko alam"

Lalayo nga ba ako? He said that he likes me, but he never said that he loves me.
Ayoko namang mag tanong, kasi baka he likes me to be his friend lang? Pero...alam niya kaya yung pinag usapan namin ni anikha kagabi? Wala naman siyang nasabi na dahilan kung bakit siya nasa building ng condo ko kagabi. Don't tell me na nandun siya para lang tanungin kung okay ako at sabihin na gusto niya ako?

No imposible, ang assuming ko naman masyado pag ganon?

"Hoy teh ano na? Tulala ka na diyan? Iba na yung topic namin dika nakikinig"

Napatingin ako kay isha nung tawagin niya ako,

"What?"

"Ay ang cold naman doctora? Nag uusap kasi kami, plano namin mag punta sa bar mamayang gabi baka gusto mong sumama?"

Napaisip ako.

"Pass, nag papalamig ako sa chairman. Ayokong mawalan ng trabaho no" wika ko bago payak na natawa

"Kill joy neto, sama ka na. Di ka naman tatanggalin sa trabaho ng tatay mo" Pag pilit ni Gabby

"Kami bahala kay Chairman pag pinagalitan ka" Mayabang naman na
ani ni Kit na kunyari ay nag chest out pa
At umaktong siga, tsk mukhang ungoy.

"Tologo bo Kit?" Pang aasar ni Isha

"Join us blair, kasama din si clark na laging busy tapos wala ka?" Ani naman ni Dana

Napabuntong hininga na lang ako bago tumango sakanila, bahala na. Tutal tapos na din yung duty, pero ayoko sanang mag pachill-chill muna. Para sana makita nila mommy na deserve ko yung field na pinili ko.

Alam kong galit parin sila saakin hanggang ngayon, I know na mali talaga na inuna ko si Enigo kaysa trabaho ko. Sinabihan na ako ni mommy but I never listened, anong magagawa ko? Mahal ko yung tao paano ako lalayo?

Wait--what? Mahal? Really Blair?


Nag usap usap pa sila about sa plano nila mamayang gabi habang nakikinig lang ako sakanila,

"Neon Lights na lang para malapit"
Suhestiyon ni Kit

"Wag don!"

"Sa iba na lang!"

Napatingin sila saamin ni Dana nung sabay kaming mag salita kaya napa-kagat ako sa ibabang labi ko.

"Ay sabay talaga? Anong meron?" Pang uusisa ni Gabby

"A-Ano,..ayaw niyo sa iba naman? Ang daming bagong bukas na bar na katabi lang din ng neon lights" Kabadong sagot ni Dana

"Oo nga! Sa iba na lang tayo?" Pag sang-ayon ko kay Dana

"Dun na lang tayo sa Neon lights, may discount dun eh" Ani naman ni isha

"Libre ko! Wag na dun"

Mas pinanliitan nila ng tingin si Dana bago lumipat saakin yung tingin nila

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon