Chapter: 13

37 4 0
                                    

'Neon Lights'

Pag-basa ko sa name nung bar na naka ilaw sa labay using LED lights with neon colors, Kami lang nila Gabby, Isha, Dana, Veron at Kit ang mag kakasama ngayon. Busy daw si Clark eh. Tyaka hindi naman pala-inom.

I wonder kung paano nalaman ni Dana to?
i know na siya yung mahilig lumagok saamin. She even do bar hopping alone!
Oh! Maybe thats the reason. Pumasok na kami at nagulat ako nang sila Otis ang sumalubong saamin!  Buti na lang wala si Enigo.

"Good evening Blair" Bati nipang dalawa

"Ay doctora kilala mo yang dalawa? ang gwapo ha" Bulong ni Isha

"Ms.Martin, you came, The VIP seat is ready" Wika ni Otis kay Dana

"You work here?" Tanong ko

"He's the owner" Bulong ni Dale

"Oh..." Tanging reaksiyon ko

Ilang beses na ba akong nagkamali?
First dun sa Coffee shop ni Enigo and second itong Bar ni Otis at palaging si Dale ang nag tatama, Natatawa tuloy ako sa sarili ko

"I bet, Pang alis hang-over yung coffee shop ni Enigo pagkatapos ng costumer dito" Biro ko

"Exactly" Tumawa siya

They accompanied us at the elegant maroon couch na may table sa tapat na puno na ng snacks at ibat-ibang klase ng alak.

"Enjoy, Balik kami mamaya" Ngumiti si Otis

Naupo na kami, Maingay na yung music pero kaya naman, Marami-rami ding Tao.
Puno din ng makukulay na Neon lights ang loob ng bar na hindi masakit sa mata.

"How gaga ka, Umamin ka nga. Pano mo nalaman to?" Mataray na tanong ni Gabby kay Dana

"Na daanan ko lang" Kibit balikat na sagot ni Dana bago uminom, Nauna! Walang warning warning tagay agad!

"Sinong niloko mo? Hoy! Hindi ka pupunta pa ng Q.C dahil taft ka lang din naman umuuwi!" Sinabunutan siya ni Gabby

"Shut up Gabriella, Drink" Inabutan na lang siya ni Dana ng shot glass

"Gabriella my ass" Inabot ni Gabby yung baso at ininom

Kumain muna ako ng fries bago diretsyuhang ininom yung tequila bago mag piga ng lime sa bibig.

"Argh!" Daing ko pa nang maramdamang humagod sa lalamunan ko yung alak

"Ngayon pag usapan natin ang tungkol sa lovelife o pamilya? pili na kayo" Wika ni Kit bago kumain ng nachos

"Kaya nga nag Bar para mag saya! Edi sana nag lawyer ka tutal gusto mo palang makinig sa mga problema ng iba!" sigaw sakaniya ni Isha since malakas nga yung music

"Kinakabahan ako sayo Erisha ah! Mamaya 11:00 pa lang nang gabi binubuhat ka na palabas nung mga bouncer" Pang aasar naman ni Gabby

"Tse! Bat hindi si Veron asarin niyo?" Inirapan kami ni Isha

"Mataas alcohol tolerance niyan sorry ka" Sagot ko

"Onti lang iinumin ko ngayon, I have photoshoots for tomorrow" Wika naman ni Veron

"Hindi ba natatapos yang photoshoot mo?"Natatawang ani Dana

"Sadly yes, Pero wag naman sana Hahaha!" Tumawa si Veron

Natural, Wala siyang trabaho pag ganon.

Inilibot ko na lang yung paningin ko sa paligid ng Bar, Malaki pala talaga yung loob at may second floor pa. Natanaw ko naman na palapit na ulit saamin sila Otis na may kasamang babae sa likod.

The Ten Years : Fate (Breakable series#1)Where stories live. Discover now